Friday, 19 March 2021

Awit ng Petiburgis



Isa sa pinakamagandang kantang narinig ko ay ang "Awit ng Petiburgis"  o "May Panahon" na isinulat nina Bong Ramilo at Rene Agbayani.

(yensham, 2012)


AWIT NG PETIBURGES

Titik: Bong Ramilo at Rene Agbayani
Musika: Bong Ramilo

Buhay na nagisnan, puno ng ginhawa
Buhay na kumupkop, di yata makakayang iwan 
Buhay na kay hirap, bagay na di gagap
Bukas o nakaraan, saan nga ba ang patutunguhan 
Nagugulhan ba ako ngayon
Naghihintay na sila roon May panahong magduda't magtanong
Ngayo'y panahon ng pagharap at pagsulong
Pagtatanong ay huwag lubayan
Tunggalian ay walang katapusan 
Aking mga mata, malinaw ang nakita
Luha ng kapatid, dusa na di napapatid 
Diwa ay natalos, humayo at kumilos
Tawag ng pangangailangan 
Di na matatalikuran 
At ang bisig ko'y handa na ngayon
At makakayang iwan ang noon 
May panahong magduda't magtanong 
Ngayo'y panahon ng pagharap at pagsulong
Pagtatanong ay huwag lubayan
Tunggalian ay walang katapusan 

My Favorite Post!

Remembering Nanay

                                       Photo by  Aaron Burden  from  Pexels   It was a time of disquiet then; the protest movement against t...