Isang napakagandang paraan ang pagsusulat ng liham para maipaabot ang saloobin sa isang minamahal sa buhay. Mabuting paraan ito upang masimulan ng mga magulang at mga anak ang paghilom sa kanilang relasyon.
Anak,
Papunta na akong opisina ngayon. May inihanda akong piniritong isda at sinampalukang manok para sa almusal mo. May mainit na kanin rin sa rice cooker. Pasensiya na at hindi kita masasamahan kumain; may tinatapos kasi akong mga syllabus dahil malapit na naman ang pasukan. Hay, gusto kitang samahan kahit sa umagahan man lamang. Gusto kong marinig ang mga kuwento mo sa school at sa mga bes mo :) Alam mo bang tuwang -tuwa akong pagmasdan ang kislap ng iyong mga mata habang nagkukuwento ka ng mga bagay na nagbibigay sa iyo ng saya at inspirasyong pagbutihin pa lalo ang iyong sarili.
Matagal na rin mula nang huli kong sulat para sa iyo, recollection mo pa ata noon sa high school. Natatandaan mo ba yun, anak? Yung liham natin na binasa natin sa isa't isa at sabay nating iniyakan. Hanggang ngayon, naiiyak pa rin ako habang binabasa ko ito. Pinagmamalaki nga kita sa mga kasamahan ko sa trabaho. Sabi ko, maaari kang maging isang manunulat balang araw. Alam mo ba, pahirapan dati para sa akin ang pagsulat ng palanca mo. Iniisip ko, ano ba ang pinakamagandang maisusulat ko para sa iyo. Noon pa man, hanggang ngayon, gusto kong maiparamdam sa iyo ang pagmamahal ko.
Isinulat ko ito kagabi nang di ako nakauwi kaagad dahil sa napakalakas na buhos ng ulan. Punuan ang mga jeep kaya naglakad na lang ako pauwi. Mabuti na rin at may dala akong payong at tsinelas na pamalit. Di kita matawagan agad dahil walang cell signal sa kahabaan ng nilakaran ko. Mabuti na rin na tulog ka pag-uwi ko. Alam kong pagod ka sa mga ginawa ninyo sa school. Gusto kitang yakapin kaya lang ayoko ring magising ka pa. Dinaan ko na lang sa pagsulat at pagtingin sa mga litrato mo mula bata ka pa. Ganun lang, nabuhayan ako ng loob ulit magsulat at balikan ang pagsusulat.
Sorry anak sa maraming pagkakataong napalagpas ko upang sabihing mahal kita. Proud na proud ako sa iyo, di lamang ngayon. Ipinagpapasalamat ko sa Panginoon na nabigyan ako ng pagkakataong magmahal ng lubos sa isang anak na tulad mo. Salamat sa sulat mo sa akin. Tanggap ko ang mga naging pagkukulang ko sa iyo.

Hintayin mo ako mamaya ha. Sabay tayong maghapunan. Magdadala ako ng paborito mong pansit at puto. Naku, sana naman huwag munang umulan.
Love you, anak.
Love you, anak.
Nanay