tula ni Amy Muga
hindi ito ang liham na gusto kong mabasa,
sa panahon ng pananalamin at pagtatasa.
hindi ito ang liham na gugustuhin kong baunin,
sa panahong tinitimbang ang puso’t damdamin.
sa panahon ng pananalamin at pagtatasa.
hindi ito ang liham na gugustuhin kong baunin,
sa panahong tinitimbang ang puso’t damdamin.
pamamaalam ito ng isang kaibigan,
siya na di nagpinid ng pinto't di nang-iwan,
puso'y malaking basyo sa nangangailangan,
tutulong s'ya sa pagbangon hanggang mamaalam.
kay bilis man ng panahon sa pagkakilanlan,
maraming pagkakataong di malilimutan,
pagmamalasakit ay di matatawaran,
kalawakan ng pag-iisip ay hahangaan.
alam kong hindi madali ang pagtitimbang,

kung manatili o tuluyang magpaalam,
nalungkot man ako sa nabasa kong liham,
hangad ko'y tagumpay mo sa napiling daan.
nalungkot man ako sa nabasa kong liham,
hangad ko'y tagumpay mo sa napiling daan.