Wednesday, 25 November 2015

Bahaghari

Isinulat ko ito para sa matalik kong kaibigan at para sa lahat ng kalakbay sa buhay. - Amy Muga

Photograph of Amy Muga


kuwentuhan mo ako ng bahaghari,
liwanag pagkatapos ng kadiliman,
pagbangon sa gitna ng kagipitan,
pag-asang dadalhin sa kinabukasan.

kuwentuhan mo ako ng mga tala,
mga pangarap na minimithing makamtan,
mga pangako sa sariling binitawan,
mga mahal sa buhay na pinaglalaban.

kuwentuhan mo ako ng iyong karanasan,
aral mula sa mahirap na nakaraan,
mga inasahan pero hindi naramdaman
nagsilbing pilat na nagpalumo ng kalooban.


Old photograph, Kausap namin ang  isang mangangalahig ng basura sa Smokey Mountains
Student Christian Movement of the Philippines
kuwentuhan mo ako kung paano pinasan,
paghihirap ng puso't kabiguan,
saan kumapit sa panahong mahirap
anong pinanghawakan, paano nakipaglaban.

kuwentuhan mo ako ng pagmamahal,
pag-ibig na sadyang ipinaglaban,
pagmamahal na nakasandig sa katotohanan,

kailanma'y 'di pinasa sa kapalaran.
















My Favorite Post!

Remembering Nanay

                                       Photo by  Aaron Burden  from  Pexels   It was a time of disquiet then; the protest movement against t...