![]() |
Credit: photograph and quotation from the movie "Heneral Luna" which was produced by Artikulo Uno Productions and directed by Jerrold Tarog |
Ipinalabas na sa mga sinehan sa Kalakhang Maynila ang pinakamahusay na pelikulang Pilipino ngayong taon. Ito ang "Heneral Luna," isang pelikulang ibinatay sa pananaliksik ng guro at mananalaysay na si Dr. Vivencio Jose. Nakamamangha ang pagkagawa ng pelikula; matagumpay na nalikha ang makatotohanang mga tagpo ng digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at mga Amerikano, sa karahasang bumalot sa buhay ng mga bayani natin, sa pagpaslang sa isang taong kinilalang pinakamahusay na heneral ng ating bayan. Kayganda ng pagkasalaysay ng kuwentong ito na umikot rin sa mga taong hindi perpekto, mga taong kumplikado ang buhay, pero nanindigan para sa kalayaan ng bayan.
Saludo ako sa pelikulang ito. Hindi naman pala suntok sa buwan na makagawa ng isang pelikulang maganda't makabuluhan. Hindi pala kailangang magpakahon sa mga paksa ng pag-iibigan, walang puknat na tawanan at kadalasan, mga kuwentong walang patutunguhan.
Saludo ako sa pelikulang ito. Hindi naman pala suntok sa buwan na makagawa ng isang pelikulang maganda't makabuluhan. Hindi pala kailangang magpakahon sa mga paksa ng pag-iibigan, walang puknat na tawanan at kadalasan, mga kuwentong walang patutunguhan.
Sana'y lumabas sa mga sinehan ang bawa't manonood na nakahalaw ng mga aral sa ating kasaysayan. Baunin natin ang inspirasyong iniwan ng ating mga bayani sa pagharap ng mga suliranin sa ating bayan ngayon at para sa susunod na salinlahi.
Credit: Trailer from http://henerallunathemovie.com which was produced
by Artikulo Uno Productions and directed by Jerrold Tarog
#HeneralLuna #Amy Muga