Isa sa mga lugar na dinadayo ngayon ng maraming turista sa ating bayan, lokal man na residente o dayo na katulad namin ng aking anak, ay ang Sitio Pungayan na nasa ibabaw ng Bundok Kabuyao, pangalawang pinakamatayog na bundok sa lalawigan ng Benguet.Mas kilala na ang Sitio Pungayan bilang "La Presa," ang sityong kathang-isip ng teleseryeng "Forevermore."
![]() |
"Red jeep" photograph of Amy Muga, 2015 |
Mahirap akyatin ang bundok, pero nagpatuloy kami ng aking anak. Tumigil
kami sa bahaging tahimik at payapa na
nakayanan naming akyatin. Dito namin pinagmasdan ang ganda
at lawak ng paligid na bumabalot sa pamayanan ng Sityo Pungayan. Natanaw namin
ang siyudad sa ilalim, ang libo-libong mga puno at halaman sa kabundukang
binabakuran ng kalangitan.
Naroon Siya sa bawa’t hakbang namin ng aking anak pag-akyat ng Bundok Kabuyao at pagbaba namin sa paanan nito. Naroon Siya sa lahat ng mga taong nakasalamuha namin, sa mga taong nakasama sa paglalakad at pag-akyat, mga kapwa turistang kumukuha ng selfie, groupie at iba't ibang litrato sa paligid. Naroon ang Panginoon sa bawa't taong dumayo dito upang makalimot sa kanilang nakaraan o ipagbunyi ang kanilang tagumpay.
![]() |
"Pananim" photograph of Amy Muga, 2015 |