Hindi
siya lumaki sa mga papuri sa kanyang husay o talino sa paaralan. Hindi siya natawag sa entablado upang sabitan ng medalya ng kanyang ama't ina. Hindi naisama ang kanyang litrato sa mga polyeto ng mga nangunang nagsipagtapos sa pamantasang pinaghirapan
rin niyang mapasukan. Hindi siya iskolar ng bayan, iskolar niya ang kanyang
sarili. Nagtatrabaho siya sa umaga para may ipantustos sa kanyang matrikula. Pinagkakasya
niya ang maliit na halagang padala ng kanyang ama’t ina.
Pangkaraniwan siyang tao.
Hindi
nailagay sa mga pahayagan ang kanyang
kwentong buhay dahil sa kanyang mga nagawa para sa kanyang kapwa. Wala siyang
medalya o pagkilala sa kanyang serbisyo sa bayan. Hindi siya taong hahanapin
mo at susundan sa social media. Wala siyang facebook account, walang twitter,
walang instagram.
Pangkaraniwan siyang tao.
Ipinanganak siya sa isang pangkaraniwang pamilya. Nasaksihan niya ang
kanyang ama na gumigising ng umaga para simulan ang gawain sa bukid. Nagigising
siya na naghahanda ang kanyang ina ng
simpleng almusal na pagsasaluhan nilang magkakapatid. Kasama siya ng kanyang
mga kapatid na tumutulong sa gawaing bahay, mula pag-iigib ng tubig hanggang sa
pagpapaligo ng kanyang nakababatang mga kapatid.
Isa
siyang kuya na nagpaaral sa kanyang bunsong kapatid. Alam niya na malaki
ang mabubuksang oportunidad sa kanyang kapatid pagkatapos ng kanyang pag-aaral.
Hindi niya alintana ang mga araw na balot ng lungkot at hirap sa kanyang
gawain. Napapangiti na lang siya sa pagbabasa ng sulat ng kanyang kapatid
tungkol sa mga gradong kanyang nakuha. Alam niyang pareho nilang matutulungan
ang kanilang ama’t ina sa kanilang pagtanda.
Isa
siyang kasintahang mapagmalasakit. Malaki ang paniniwala niya sa kakayanan ng
kanyang minamahal at hindi niya gustong sagkaan ito sa pag-abot ng kanyang mga
pangarap. Nangarap sila na magbuo ng kanilang sariling pamilya pagkatapos ng
pag-aaral na kanilang mga kapatid.
Mapagmahal siya sa kanyang mga anak kahit hindi siya perpektong magulang. Gustuhin man niya, alam niyang di niya kayang matugunan lahat ng pangangailangan nila sa kanilang paglaki. Dala-dala
niya ang kanilang mga larawan sa kanyang
pitaka; ginawa pa niyang cover ang litrato ng kanyang mga anak sa kanyang
cellphone
Pangkaraniwan siyang anak, kapatid, kasama, kapuso at anak na naging bayani sa 'di pangkaraniwang panahon.
Namatay siya sa sagupaan sa Barangay Tukanalipao, sa bayan ng Mamasapano, Maguindanao, sa panahong pinagtitibay ang usaping pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao. Apatnapu't apat na pulis Special Action Force, labingpitong armadong kasama ng Moro Islamic Liberation Front at tatlong sibilyan ang nasawi sa isang operasyong isinagawa para tugisin ang teroristang si Zulkifil Abdhir at iba pa niyang kasama.
Hanggang ngayon, pangunahing laman pa rin ng mga pahayagan ang nangyari noong Enero 25. Mainit ang talakayan sa isyung ito. Dalawang magkahiwalay na ulat ang nailabas ng Senado at ng PNP Board of Inquiries pagkatapos ng kanilang masusing pagsisiyasat. Nakapanlulumo ang resulta ng inbestigasyong isinagawa nila- isang salaysay ng pagkawala ng malasakit at tiwala ng mga taong inaasahang mangunguna upang ipatupad ang isang daang matuwid at makatarungan.
Hindi makakamit ang katarungan kung patuloy na ikinukubli ang katotohanan sa nangyari noong araw na yun. Huwag ibaon sa limot ang kanilang pagkamatay, huwag itago at bigyang bagong bihis bilang pangkaraniwang haharapin ng sino mang bayaning nais magsilbi sa kanyang bayan. Bawa't isang taong nasawi sa araw na yun ay mag-iiwan ng pilat sa buhay ng kanilang mga magulang, ng kanilang mga kapatid, ng kanilang asawa o katipan at ng kanilang mga anak.

![]() |
Acknowledgement: Photograph by Hadji Rieta |