May dalawang pangyayari sa nakaraang buwan ng Enero na umantig sa akin.
Isa na rito, ang kauna-unahang pagbisita ni Pope Francis
sa Pilipinas na nagbigay inspirasyon sa marami at nag-iwan ng hamon sa mga mananampalataya na bumaba sa pedestal at makiisa sa mga maralita at iba pang naisasantabing mga sektor sa ating lipunan.
Ang pangalawa naman, ay ang pagkamatay ng napakaraming mga tao - mga pulis ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP SAF), mga sandatahan ng Moro Islamic Liberation Front, mga sibilyan, kasama na ang isang limang taong gulang na bata, sa isang sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao.
Ilang araw lamang ang pagitan ng dalawang pangyayaring nag-iwan ng magkaibang tatak sa puso ng marami.
Nag-iwan ng pag-asa, inspirasyon at hamon para sa mga mananampalataya, mula sa iba't ibang relihiyon at paniniwala, ang pagbisita ni Pope Francis.
Nag-iwan naman ng lungkot, galit at pagdadalamhati ang nangyaring sagupaan sa Mamasapano, Maguindano. Kayraming mga pamilya ang naulila sa kanilang mga mahal sa buhay; napakaraming mga pamilya muli ang lilisan sa kanilang mga tahanan dahil sa nangyaring kaguluhan sa kanilang bayan sa Mamasapano; tuluyang mababago ang buhay nilang kinasanayan sa panahong inaasahan nilang mananaig na ang kapayapaan sa kanilang bayan sa Mindanao.
***
Isa ako sa libo-libong mga taong nagalak sa pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas. Napakagandang pagkakataon para makasama, kahit panandalian, kahit sa isang iglap o kahit sa telebisyon man lamang ang isang taong napakalaki ang puso para sa pangkaraniwang mamamayan, isang taong isinasabuhay ang Panginoong Kristo hindi lamang sa kanyang pananalita nguni't sa kanyang pamumuhay at kanyang mga gawain. Tunay naman na isang biyaya ang pagkakaroon ng isang pinuno na nagbubukas ng pinto sa mga mananampalataya mula sa iba't ibang mga relihiyon o paniniwala.

Sabi nga ng anak ko, nang nakasama siya sa isang delegasyon ng mga mag-aaral na pumunta sa Mall of Asia (MOA) Arena para salubungin si Pope Francis, halos laat silat ay napaiyak ng makita ang pagdaan niya lulan ng kanyang sasakyan. Ramdam ng anak ko sa pagkakataong yun, ang kabutihan hindi lamang ng taong nagdaan kundi ang kabutihan ng kanyang kapwa.
Naalala ko tuloy ang isang pagninilay ng isang taong nagkaroon ng pagkakataong makasama si Pope Francis sa Tacloban City. Naulila siya sa pagkamatay ng kanyang mga mahal sa buhay dahil sa bagyong Yolanda. Dahil dito, hindi niya maiwasang magtanong, magalit at mawalan ng pananampalataya sa Panginoong Kristo. Sa mga sandaling nakita niya at narinig si Pope Francis, nanumbalik ang kanyang pananampalataya at paniniwala na hindi tulyang nawala ang kabutihan sa mundo.
Napanood ko sa telebisyon ang pananalita iyon ni Pope Francis sa maraming mananampalataya na nakinig sa kanya sa Tacloban City. Nagsalita siya sa wikang Kastila habang isinasalin ito sa wikang Ingles ng isang kasamahang pari. Hindi naging sagabal ang wika sa pagpaparamdam ng taos-pusong pakikiisa at pagmamahal. Aninag sa kanyang mga mata, maging sa kumpas ng kanyang mga kamay, ang kagustuhan niyang makiisa at iparamdam iyon sa libo-libong kababayan sa Tacloban City, Bohol at marami pang mga bayang nasalanta ng mga nagdaang mga kalamidad.
Maging sa salo-salo para sa ilang piling pamilyang naulila sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay bunga ng bagyong Yolanda noong 2013, ipinaramdam niya ang pakikiisang damdamin. Ayon na rin kay Cardinal Luis Antonio Tagle, masinsin niyang pinakinggan at pinaalam ang kanyang kalungkutan sa mga kapamilyang nagbahagi sa kanya ng kani-kanilang mga kuwento noong panahon ng bagyo.
Isang biyayang maituturing na maramdaman ang pagmamahal at tunay na pagmamalasakit. Pakiramdam ko, kahit napakalayo ko sa panahong iyon sa mga kababayan na nasa Tacloban, kahit sa telebisyon ko lang siya nakita at narinig, damang-dama ko ang pagmamahal ng ating Panginoong Kristo.
***
Halos mag-iisang linggo na rin mula nang lisanin ni Pope Francis ang Pilipinas,nang mabalitaan ko ang madugong sagupaan mula sa pwersa ng PNP SAF laban sa mga miyembro ng MILF at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Apatnapu't apat na PNP SAF, 18 na sandatahang MILF, anim na sibilyan, kasama na dito ang isang limang-taon gulang na bata ang nasawi sa sagupaang bunsod ng isang tagong operasyon para hulihin ang dalawang teroristang pinaghahanap maging ng mga operatiba mula sa Estados Unidos.
Nailathala ang mga pangalan, litrato at maikling kuwentong buhay ng mga pulis PNP SAF na nasawi sa sagupaan. Wala pa akong nababasang pahayag tungkol naman sa mga nasawing sundalo ng MILF o maging ng mga sibilyan na naipit sa sagupaan. Nakalulungkot isipin ang bilang ng namatay at mga pamilyang naulila at naapektuhan dahil sa nangyari.
Sino ba namang hindi maiiyak at magagalit na malaman na maaring maraming buhay ang naisalba kung planado at may koordinasyon ang operasyong ito? Na buhay pa ang karamihan ng mga PNP SAF noong alas-dose ng tanghali? Pinabayaan na lang ba silang hintayin ang kanilang kamatayan?
Mababasa sa balita ang pagbabahagi ng ilang kaanak ng mga text message sa kanila ng mga nasawing kamag-anak na miyembro ng PNP SAF. Nagsusumamo ang mga ito na iparating kinauukulan na kailangan nila ng tulong dahil naubusan na sila ng balang amunisyon para ipaglaban ang kanilang mga sarili.
Kayhirap ng damdamin ng mga magulang, asawa at kaanak na walang magawa para tulungan ang kanilang mga mahal sa buhay na nasa bingit na ng kamatayan. Sinamahan na lang ng isang ina ang kanyang anak sa pagdarasal ng rosaryo sa kanyang cellphone hanggang maubusan na rin ito ng baterya.
Sino ang hindi maaawa sa kasintahang nangungulila sa kanyang mahal sa buhay na namatay sa sagupaang ito? O sa kuwento ng isang asawang pinipilit maging matatag para sa kanyang pinagbubuntis na supling? Sino ang hindi manghihinayang sa isang pulis na nagtapos bilang baron ng kanyang klase at ginagampanan ang kanyang tungkulin at responsibilidad na may integridad? Nakakaiyak rin ang kuwento ng natatanging pulis SAF na nabuhay dahil nagtago siya sa ilalim ng sapa sa gitna ng walang patid na putukan. Habang ginagapang niya ang lupang tinutubuan ng mais, nakikita niya ang kanyang mga sugatang kasama na naubusan na ng bala at tinitingnan na lamang ang litrao ng kanilang mga mahal sa buhay sa kanilang mga cellphone.
Hanggang sa huling saglit, hindi nawala sa kanilang isipan ang mga taong isinilid nila sa kanilang puso at nagsilbing inspirasyon para sikaping mabuhay.
Sana, hindi maging mailap ang katarungan para sa kanila at iba pang nasawi at naapektuhan sa sagupaang ito. Maraming katanungang hinahanapan pa ng kasagutan sa nangyaring sagupaan. Napakainit ang mga diskusyon tungkol sa naging papel ng pinakamataas na opisyal ng ating pamahalaan sa nangyari. Ngayon pa lamang, may pagdududa na sa alin mang komiteng bubuuin ng pamahalaan para inbestigahan ang nangyari sa Mamasapano.
Hindi tuluhyang mahihilom sa sugat na iniwan ng sagupaang ito hanggang hindi makamit ang katarungan na nakabatay sa katotohanan.
********************************************************************************
Maari ring basahin ang mga artikulong matatagpuan sa mga sumusunod na webpage:
Not Us Versus Them
Philippine Daily Inquirer. 2/15/2015
http://opinion.inquirer.net/82573/not-us-versus-them
"Life interrupted by Mamasapano Incident"
Casas,A.C. Sunstar Davao. 2/12/2015
http://www.sunstar.com.ph/davao/local-news/2015/02/12/life-interrupted-mamasapano-incident-391850
"We waited 16 hours for rescue"
Felipe, C.S. The Philippine Star.2/8/2015
http://www.philstar.com/headlines/2015/02/08/1421329/we-waited-16-hours-rescue
"Fighting through Blood was Spurting from the Head"
De Jesus,JL. Philippine Daily Inquirer
http://newsinfo.inquirer.net/671296/fighting-though-blood-was-spurting-from-the-head
1,500 Families Displaced by Mamasapano Clash Says CHR
Maitem,J.&Fernandez,E.(2015) Philippine Daily Inquirer. Retrieved 2/5/2015 from http://newsinfo.inquirer.net/670598/1500-families-displaced-by-mamasapano-clash-says-chr
SAF Man's Dying Wish P100 Load
Philippine Daily Inquirer. 2/7/2015 http://newsinfo.inquirer.net/671098/saf-mans-dying-wish-p100-load
Slain Cop Supported Fiancee Studying Abroad
Unson, John. Philippine Star. 2/8/2015.
http://www.philstar.com/nation/2015/01/26/1416976/slain-cop-supported-fiancee-studying-abroad
*********************************************************************************