"Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang
Koro:
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t-isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya
Sa ating pagmamahalan at paglilingkod sa kaninuman
Tayo’y nagdadala ng balita ng kaligtasan
Sabay-sabay ngang mag-aawitan ang mga bansa
Tayo’y itinuring ng Panginoon bilang mga anak"
Fr.Eduardo Hontiveros, SJ
Isa sa pinakamagandang kanta na narinig ko, na inaawit
mula sa puso ng maraming mananampalataya ay ang
kantang "Pananagutan." Isinulat ito at nilapatan ng himig
ni Fr. Eduardo Hontiveros, SJ.
Mapayapang hamon ito sa pagsasabuhay ng ating
pananampalataya. Tapos na ang panahon sa panantiling
tiklop-tuhod sa gitna ng kawalan ng katarungan, pagkibit-balikat
sa kahirapang nakikita natin sa ating bayan o maging sa mga
bayang maligalig dahil sa digmaan.
Napanood ko kamakailan ang isang video documentary
tungkol sa hidwaan sa Gitnang Silangan. Nakalulungkot at
nakapanghihinayang ang bilang ng mga inosenteng nasawi sa
walang humpay na pagbomba sa lupain ng Gaza. Sana magkaroon
ng pangmatagalang resolusyon ang hidwaang ito; sana magtagal
ang tigil-putukan. Napakarami na ang nagbuwis ng buhay,
napakarami na ang naulila at nawalan ng mahal sa buhay.
Acknowledgement: Pananagutan MTV, performed by Himig Heswita, produced by
Jesuit Music Ministry. https://www.youtube.com/watch?v=y8PC7oh4t0w
Monday, 28 July 2014
Sunday, 20 July 2014
Tagatanglaw
I am dedicating this poem for Fr. John Joseph Caroll, SJ , my spiritual director, an advocate for the poor and marginalized and one of the most compassionate person I have ever met. He passed on last July 17, 2014,
- Amy Muga
naalala ko,
mga salitang binitawan mo,
isang araw sa kalagitnaan ng Hulyo,
kapaligiran natin ay binabayo
ng hanging dala ng nagbabadyang bagyo.
naalala ko,
mga palitan natin ng salita,
tungkol sa pagbangon,
tungkol sa paghilom,
tungkol sa pananampalataya.
pinagnilayan ko,
daang lalakbayin,
sigwang susuungin,
tanglaw na babaunin,
pag-asang dadalhin.
salamat kapatid ko.
hindi ka bumitiw,
hindi ka lumisan,
hindi ka nagwalang-bahala
sa panahong napakadaling gawin ito.
kapatid ko,
guro at estudyante ng buhay,
kapwa ko manlalakbay,
taimtim kong dadalhin sa aking puso,
ang iyong mga paalala't paggabay.
Amy Muga
ina, manunulat, kalakbay
- Amy Muga
mga salitang binitawan mo,
isang araw sa kalagitnaan ng Hulyo,
kapaligiran natin ay binabayo
ng hanging dala ng nagbabadyang bagyo.
naalala ko,
mga palitan natin ng salita,
tungkol sa pagbangon,
tungkol sa paghilom,
tungkol sa pananampalataya.
pinagnilayan ko,
daang lalakbayin,
sigwang susuungin,
tanglaw na babaunin,
pag-asang dadalhin.
salamat kapatid ko.
hindi ka bumitiw,
hindi ka lumisan,
hindi ka nagwalang-bahala
sa panahong napakadaling gawin ito.
kapatid ko,
guro at estudyante ng buhay,
kapwa ko manlalakbay,
taimtim kong dadalhin sa aking puso,
ang iyong mga paalala't paggabay.
Amy Muga
ina, manunulat, kalakbay
Tuesday, 15 July 2014
Touching Note
I cried when I first read this reflection written by human rights
lawyer, Atty. Theodore Te two years ago. I am reposting this in
memory of the many unsung heroes who have worked tirelessly to
uphold social justice and human rights in the country.
From Atty. Ted Te:
"Why stand for principle? Why fight, struggle, persist,
persevere? Why go against the grain? Why put heart,
mind, body, soul, strength, spirit for "hopeless causes" and
"lost cases"? Why do it, for as long as I can remember?
Because someone once did it: for me, and for countless
others whose names they did not know, whose faces they
had not seen, whose lives they had not encountered.
Because, once when we were not free, someone stood
up for principle; fought, struggled, persisted, persevered;
went against the grain; put heart, mind, body, soul, strength,
spirit for the many "hopeless causes" and "lost cases"; and
did it for as long as they could remember--so that the country
I call my own and the people I love could be a little bit freer;
to fight, yet, another day.
Because, even to this day, there is a need to do so. At this
time, on this day, the struggle of Bonifacio, of Diokno and
Tanada, of Alejandro and Olalia, of Joe Burgos for a freer and
more just Philippines remains.
Why stand? Why struggle? Why speak? Because there is a
need to. "

Inisyatiba (1)
![]() |
Photo Acknowledgement: Philippine Star. |
Hindi matatawaran ang mga nagawa na ng mga pangkaraniwang
mamamayan at mga civil society groups para matagumpay na
maisulong at maipagpatuloy ang mga gawain para sa mga grupong
marhinalisado o naiisantabi sa ating bayan.
Inspiring para sa akin ang mga inisyatiba at mga innovation
para sa kapwa.
Isa sa mga nabasa ko na malaking tulong sa mga ina na
walang kakayanang maglaan ng malaking halaga para sa
kanilang panganganak ay ang NAYBAHAY Ligtas Panganakan
Center, isang inisyatiba ng Pfizer Philippines Foundation Inc.
Naitayo noong Hunyo ang unang NAYBAHAY sa Minalabac,
Camarines Sur.May mga midwife na tumutulong sa mga ina sa
kanilang panganganak. Kumpara sa ibang mga klinika o
pagamutan, isang libong piso lamang ang bayad sa panganganak
dito.
![]() |
Acknowledgement: Photograph of Cesar Mangawang, Philippine Daily Inquirer |
Maaring magtayo ng maraming sentrong tulad nito sa iba't ibang
lugar sa mga lungsod at kanayunan dahil gawa lang ito sa mga hindi
na ginagamit na container van.
Nakakita na rin ako ng container van na ginawang day care center
para sa mga empleyado at manggagawa ng Miriam College, isa sa mga
pamantasang nangunguna sa pagtataguyod ng karapatan ng mga
kabataan at kababaihan.
Malaking bagay ang suporta ng taong bayan, pati na rin ng
pamahalaan sa ganitong mga proyekto. Tunay na nakapagbibigay
inspirasyon ang pagmamalasakit sa kapwa!
Reference:
"Naybahay:Transforming Communities One Babay at a Time."
Philippine Star. May 30, 2013. http://www.philstar.com/science-and-
technology/2013/05/30/947748/naybahay-transforming-communities-
one-baby-time
Mangawang, Cesar."Providing Pregnant Women a Safe Place to Give Birth"
Philippine Daily Inquirer.July 5, 2014. http://business.inquirer.net/174157/
providing-pregnant-women-a-safe-place-to-give-birth
Friday, 11 July 2014
Langit at Lupa
Nasa balita ang pangalan ng dalawang ina, kapwa detenido ngayon,
na langit at lupa ang pagkakaiba ng buhay.
Ang isang ina ay anak ng isang yumaong rebelde, hinuli at ikinulong
noong walong buwan siyang buntis. Dinala siya sa isang maliit at mainit
na piitan sa Camp Bagong Diwa, kasama ng iba pang mga detenidong
kababaihan. Hirap siyang nagsilang sa kanyang sanggol na binawian
rin ng buhay pagkalipas ng ilang araw. Kahit ibinasura na ng Pasig
Regional Trial Court Branch 266 ang kasong isinampa laban sa kanya,
nananatili pa rin siyang detenido. May isa pang kasong isinampa
laban sa kanya sa Mauban, Quezon.
Ang pangalawang ina naman ay sinasabing makapangyarihang
kanang-kamay ng isang senador ng ating bayan. Boluntaryo siyang
sumuko nang ibinaba ang warrant of arrest laban sa kanya.
Nagkaroon siya ng panic attack nang malaman na magiging detenido
siya sa Camp Bagong Diwa. Dahil dito, isinilid siya sa isang
airconditioned na kuwarto sa loob ng kampo pero pinayuhan ring
manatili na lamang sa isang pagamutan. Nasa Philippine Heart Center
siya ngayon dahil sa posibleng kumplikasyon sa kanyang puso.

Dalawang ina, parehong detenido ng Camp Bagong Diwa. Tunay
nga ba na langit at lupa pa rin ang buhay ng mga maralita at ng mga
makapangyarihan sa loob o labas man ng bilangguan?
nga ba na langit at lupa pa rin ang buhay ng mga maralita at ng mga
makapangyarihan sa loob o labas man ng bilangguan?
Sunday, 6 July 2014
Fan
![]() |
My collection of PUGAD BABOY books! Amy Muga |
Paborito kong comic strip ang PUGAD BABOY ni Pol Medina
Jr. Mahusay nitong naisalarawan, sa satirikong pamamaraan, ang
makulay na buhay at nakatatawang pakikipagsapalaran ng iba't ibang
pangkaraniwan at di-pangkaraniwang karakter na naninirahan sa
komunidad ng Pugad Baboy. Sinubaybayan ko ito sa pahayagang
Inquirer dati; sinundan ko rin siya sa Rappler.com.
![]() |
Mang Dagul's advice to his daughter, Tiny Acknowledgement from Pugad Baboy 1 by Pol Medina Jr., 1997 |
Thursday, 3 July 2014
Segundo
Marami nang nagawang mga komersyal pantelebisyon na
sumentro sa pamilya at sa komunidad. Tunay namang nakaaantig
ng damdamin ang marami sa mga ito. Marami ring komersyal na
ginawa na matagumpay na nailagay sa ilang segundong kuwento
ang mga bagay na mahalaga at nagpapayabong ng mga pangarap.
Maaring marami sa atin ang pamilyar sa isang serye ng komersyal
na sumubok sagutin ang katanungang " para kanino
ka bumabangon?" Ipinalabas ito ilang taon na ring nakaraan.
Ibinahagi ang mga kuwento ng iba’t ibang pangkaraniwang tao sa
piling ng mga taong pinahahalagahan nila, mga taong naging
inspirasyon sa kanilang kagustuhang bumangon at harapin
ang pang-araw araw na mga hamon sa buhay.

Nagandahan ako sa ilang segundong pagbabahagi ng isang
guro habang tahimik siyang nagninilay at umiinom ng isang
tasang kape. Simpleng almusal ang kanyang kakainin bilang
paghahanda sa buong araw na pagtuturo sa mga paslit sa isang
pampublikong paaralan. Aninag sa kanyang mga mata ang ligaya
niya sa pagtuturo; ligayang nakikita ko rin sa mga mukha ng ilang
gurong kakilala ko at naging kaibigan ko na rin.
Naantig ako sa pagbabahagi ng isang manggagawang pangkultura
na bumisita sa isang komunidad ng katutubo na tinutulungan niya.
Ipinakita ang saya sa mukha ng mga katutubo sa kanyang
pagsama sa kanilang pangkulturang sayaw. Natatandaan ko tuloy
ang mga kasamahan ko sa gawain na patuloy na na naroon sa iba't
ibang komunidad at patuloy na tinutupad ang kanilang mga adhikain
para sa mga maralita.
Nakaaaliw namang panoorin ang isang traffic enforcer na naghahanda
sa kanyang gawain sa kalsada. Sinasabayan niya ng malikhaing sayaw ang
pagbibigay niya ng direksiyon sa mga motorista. Ilang tao kaya
napangiti at natanggalan niya ng ng init ng ulo habang
binabaybay nila ang masikip na lansangang punong-puno ng sasakyan.
Palagay ko, napakarami.
Nakatutuwang isipin na maaring lumikha ng ilang segundong
mga komersyal na tumatalakay sa mga bagay na tunay na mahalaga sa
pangkaraniwang mga taong nagsisikap at nagpupunyagi sa kani-kanilang
mga gawain sa buhay.
Para saan ba tayo bumabangon sa araw-araw?
Ano ang nagbibigay sa atin ng inspirasyon ipagpatuloy ang
ating mga gawain?
Subscribe to:
Posts (Atom)