Thursday, 4 December 2014

Panalangin ( halaw sa Oratio Imperata)

Mapagmahal na Ama, 

Narito kaming lahat,  isang bayang nanalangin,
Tumatanaw ng utang na loob sa pagiging bahagi 
ng hiwaga at kagandahan ng Iyong nilikha,
Nagpapasalamat sa Iyong pagtalaga ng tulong  
para sa aming mga pangangailangan,
Sa Iyong patuloy na paggabay sa aming nasa sansinukob.

Marami  kaming pagkukulang sa Iyo at sa Iyong mga nilikha.
Hindi kami naging mabuting katiwala ng kalikasan,
Nagdurusa ang kalikasan sa aming mga pagkakamali, 
Tinatamasa ang resulta ng aming pagmamalabis 
at pagwawalang-bahala.

Bigyan mo kami ng lakas, Panginoon, 
sa panahong may takot ang aming mga puso.
Nababagabag kami sa pagtindi ng bagyo at buhos 
ng ulan na maaring magdulot ng malawakang pagbaha.
Tulungan mo kaming pangibabawan ang  mga pinsalang 
maaring maidulot nito sa amin at aming pamayanan.

Patunubayan mo kami ngayong panahong mahirap.


Tulungan Mo kami, Panginoon, 
sa aming pag-unlad
bilang mapagkalingang kaagapay sa mga nangangailangan,
at responsableng mga katiwala ng Iyong nilikha.

Amen.


My Favorite Post!

Remembering Nanay

                                       Photo by  Aaron Burden  from  Pexels   It was a time of disquiet then; the protest movement against t...