Bawa't isa sa atin ay mahaharap sa mga desisyon na maaring magpabago sa buhay natin at buhay ng ating kapwa. Kinakailangang malinaw sa atin kung ano ang batayan natin sa pagpili, kung nakasandig ang mga ito sa pinapahalagahan nating katotohanan.
Natatandaan ko ang isang eksena sa pelikulang Sophie's Choice, kung saan kagyat na pinagdesisyon ang isang ina kung sino sa dalawa niyang anak ang pipiliin niyang sagipin. Ang hindi niya mapipili ay haharap sa tiyak na kamatayan sa crematorium ng mga Nazi. Pinili niya ang anak niyang lalaki; at buhay noon, dinala na niya sa kanyang konsensya, hanggang sa kanyang kamatayan, ang hindi niya pagsagip sa bunso niyang anak.
Napaisip ako kung paano ako magdedesisyon kung mailagay ako sitwasyong hinarap ng fictional character na si Sophie. Napakahirap isiping mapawalay sa akin sino man sa dalawa kong anak.
Ang pinagdaanan ni Sophie ay pinagdadaanan araw-araw ng maraming magulang sa ating bayan. Maraming humaharap sa mga desisyong magpapabago sa buhay ng kanilang kaanak. Pipili sila kung sino sa uunahin nilang bigyan ng pagkain, sino sa
kanilang mga anak ang mag-aaral o kailangang huminto para tulungan sila mangalakal, mamasukan o tumulong sa bukid para may pagkain silang pagsasaluhan sa hapag-kainan.
Nakausap ko ang isang inang naninirahan sa lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda. Winasak ng bagyo ang kanilang maliit nilang tahanan at mga pananim na pagkukuhanan sana nila ng pagkain at paninda. Mahigpit na nagdesisyon ang kanyang asawang huwag nang papasukin sa paaralan ang kanilang mga anak. Wala rin silang maibibgay na panustos sa pang-araw araw na pangangailangan ng mga ito sa pag-aaral. Binisita na sila ng mga guro ng kanilang mga anak para kumbinsihin ang kanyang asawang payagan nang papasukin ang kanilang mga anak. Hindi natinag ang kanyang asawa. Hahayaan ba niya ito at susundin na hindi na papasukin ang kanyang mga anak?
May ilang araw na ring nakaraan nang pumutok sa social media ang isang kuwento ng isang ina na namatayan ng kanyang sampung taong gulang na anak. Lulan ang anak niya ng isang ambulansya nanggaling sa isang modernong ospital sa Butuan City papuntang isa pangospital sa mas malayong Davao City.
Nakita ko ang litrato ng bata na binahagi sa social media. Naroon anghirap niya habang nasa ospital. Kinailangan siyang dalhin sa ospitalna may mas kumpletong kagamitan sa Butuan City, kasama na ng ilangnars at pagpayag ng doktor na mangangalaga sa kanya sa naturang ospital. Nagdala na rin ang ina niya ng pang-deposito sa ospital.
Sa kasamaang palad, nagdesisyon ang ospital, sa pamamagitan ng empleyadong inatasan nila sa gawaing ito, na tanggihan ang pagbibigayng atensyong medikal sa bata. Hindi raw medical emergency ito tuladng kaso ng mga nasasagasaan. Hindi sasapat ang perang dala-dala ngkanyang ina sa hinihingi nilang P30,000 na deposito.
Ano ang maaring gawin ng ina para sagipin ang buhay ng kanyang anak?
Dahil sa hindi pagtanggap ng ospital sa kanyang anak, kahit may batas na nagbabawal sa pagsingil ng deposito sa mga sitwasyong agaw-buhayang pasyente, binawian ng ito ng buhay habang lulan ng ambulansiyamagdadala sa kanya sa isa pang ospital sa Davao City na aabot ng apat na oras sa lansangan.
References:
a) Account of Tutz Salarda which was posted at Facebook
https://www.facebook.com/tutz.salarda/posts/691879920861217
b) "Girl Dies After Allegeldy Being Rejected by Hospital." ABS-CBN News.
http://www.abs-cbnnews.com/nation/regions/08/12/14/girl-dies-after-allegedly-
being-rejected-hospital