(Isinulat ko ang tulang ito bilang alay sa mga inosenteng sibilyan- bata't matanda na naipit sa digmaan sa Gaza, sa Gitnang Silangan. - Amy Muga)
Isang bayan sa Gitnang Silangan,
Dinanas sukdulang kahirapan,
Pilit tinanggal ang katarungan,
Pilit nilugmok sa kadiliman.
Ulan ng apoy sa kalangitan,
Ibinagsak sa taong sugatan,
Panaghoy dinig sa pagamutan,
Paaralan, bahay dalanginan.
Bata’t matanda sa mga tahanan,
Nangarap matapos ang digmaan.
Payapang buhay, payapang bayan
Kayhirap mahanap at pagbunyian.
Tayong pinalad sa kapayapaan,
Huwag hayaan ang kadiliman,
gumapos sa puso ng sambayanan,
na bumabangon mula sa kawalan.
Amy Muga
Amy Muga
Ina, manunulat, kalakbay
Agosto, 2014