Nasa balita ang pangalan ng dalawang ina, kapwa detenido ngayon,
na langit at lupa ang pagkakaiba ng buhay.
Ang isang ina ay anak ng isang yumaong rebelde, hinuli at ikinulong
noong walong buwan siyang buntis. Dinala siya sa isang maliit at mainit
na piitan sa Camp Bagong Diwa, kasama ng iba pang mga detenidong
kababaihan. Hirap siyang nagsilang sa kanyang sanggol na binawian
rin ng buhay pagkalipas ng ilang araw. Kahit ibinasura na ng Pasig
Regional Trial Court Branch 266 ang kasong isinampa laban sa kanya,
nananatili pa rin siyang detenido. May isa pang kasong isinampa
laban sa kanya sa Mauban, Quezon.
Ang pangalawang ina naman ay sinasabing makapangyarihang
kanang-kamay ng isang senador ng ating bayan. Boluntaryo siyang
sumuko nang ibinaba ang warrant of arrest laban sa kanya.
Nagkaroon siya ng panic attack nang malaman na magiging detenido
siya sa Camp Bagong Diwa. Dahil dito, isinilid siya sa isang
airconditioned na kuwarto sa loob ng kampo pero pinayuhan ring
manatili na lamang sa isang pagamutan. Nasa Philippine Heart Center
siya ngayon dahil sa posibleng kumplikasyon sa kanyang puso.

Dalawang ina, parehong detenido ng Camp Bagong Diwa. Tunay
nga ba na langit at lupa pa rin ang buhay ng mga maralita at ng mga
makapangyarihan sa loob o labas man ng bilangguan?
nga ba na langit at lupa pa rin ang buhay ng mga maralita at ng mga
makapangyarihan sa loob o labas man ng bilangguan?