Tuesday, 15 July 2014

Inisyatiba (1)

Photo Acknowledgement: Philippine Star.
   
















  Hindi matatawaran ang mga nagawa na ng mga pangkaraniwang 
mamamayan at mga civil society groups para matagumpay na 
maisulong at maipagpatuloy ang mga gawain para sa mga grupong 
marhinalisado o naiisantabi sa ating bayan. 

   Inspiring para sa akin ang mga inisyatiba at mga innovation
para sa kapwa. 

    Isa sa mga nabasa ko na malaking tulong sa mga ina na 
walang kakayanang maglaan ng malaking halaga para sa 
kanilang panganganak ay ang NAYBAHAY Ligtas Panganakan
Centerisang inisyatiba ng Pfizer Philippines Foundation Inc. 
Naitayo noong Hunyo ang unang NAYBAHAY sa Minalabac, 
Camarines Sur.May mga midwife na tumutulong sa mga ina sa 
kanilang panganganak. Kumpara sa ibang mga klinika o 
pagamutan, isang libong piso lamang ang bayad sa panganganak 
dito.


Acknowledgement: Photograph of Cesar Mangawang, Philippine Daily Inquirer 

















    
    Maaring magtayo ng maraming sentrong tulad nito sa iba't ibang
lugar sa mga lungsod at kanayunan dahil gawa lang ito sa  mga hindi
na ginagamit na container van

     Nakakita na rin ako ng container van na ginawang day care center
para sa mga empleyado at manggagawa ng Miriam College, isa sa mga
pamantasang nangunguna sa pagtataguyod ng karapatan ng mga
kabataan at kababaihan. 

     Malaking bagay ang suporta ng taong bayan, pati na rin ng 
pamahalaan sa ganitong mga proyekto. Tunay na nakapagbibigay
inspirasyon ang pagmamalasakit sa kapwa!


Reference:

"Naybahay:Transforming Communities One Babay at a Time."
Philippine Star. May 30, 2013. http://www.philstar.com/science-and-
technology/2013/05/30/947748/naybahay-transforming-communities-
one-baby-time

Mangawang, Cesar."Providing Pregnant Women a Safe Place to Give Birth"
Philippine Daily Inquirer.July 5, 2014. http://business.inquirer.net/174157/
providing-pregnant-women-a-safe-place-to-give-birth

My Favorite Post!

Remembering Nanay

                                       Photo by  Aaron Burden  from  Pexels   It was a time of disquiet then; the protest movement against t...