Friday, 2 May 2014

Teleserye

     Ang kuwentong “In the Grove,” na isinulat ni Ryonosuke Akutagawa, ang 
pinagbatayan ng pelikulang Rashomon ni Akiro Kurosawa at ng pelikulang 
Salome ni Laurice Guillen. Sa kuwentong ito, ipinahayag ng ilang  saksi ang 
kani-kanilang bersyon sa pangyayaring pagpatay sa isang samurai. Iba't ibang 
bersyon ang ipinahayag pero iisa lamang ang naglalaman ng tunay na 
nangyari. Alin  kaya sa mga ito ang katotohanan?
     
    Kahalintulad ito ng isang kuwentong mainit na pinag-usapan at patuloy na 
laman ng mga balita sa radyo, telebisyon at mga pahayagan.  Maging sa social 
media, hindi maubos-ubos ang pahayag ng mga pananaw sa pangyayaring 
kinasangkutan ng artistang si Vhong Navarro, ang modelo't estudyanteng si 
Deniece Cornejo, ang mayamang negosyanteng si Cedric Lee at iba pang kasama 
niya sa grupo. Walang humpay ang paghuhusga sa katauhan nilang lahat. 

     Magkaibang bersyon ng katotohanan ang iniharap nila sa madla.


    Kasong rape ang inihaing demanda ng kampo ni Deniece at Cedric laban 
kay Vhong. Seriouillegal detention ang pinakamabigat na kasong isinampa 
naman laban sa kanilang dalawa ni Vhong.  Sa ngayon, binitawan na ng 
Department of Justice ang pag-iimbistiga sa kasong rape na isinampa laban 
kay Vhong. Natuloy naman ang kasong isinampa laban kina Deniece, Cedric 
at iba pang kasama; pansamantalang nakapiit na sa National Bureau of 
Investigationsi Cedric Lee at isa pang akusado sa pananakit kay Vhong Navarro.

    Sa unang iglap parang kuwento ni David at Goliath, nanaig ang isang maliit 
laban sa isang mayaman, panalo ang bidang si Vhong Navarro laban sa mayamang 
si Cedric Lee.  Pawang natalo ng  isang ordinaryong tao naging matagumpay na 
artista  ang  mayamang modelo't estudyanteng si Deniece.

   Kaya lang totoo kayang nanaig at mananaig ang katotohanan at 

katarungan sa teleseryeng ito? 

   Kung totoong nagsasabi ng katotohanan si Deniece, mabibigyan kaya 
siya ng katarungan? Mukhang nahusgahan na siya hindi pa man 
naisasampa ang mga kaso sa bawa't panig.

    Nakalulungkot isipin na kung gawa-gawa lang ang lahat ng ito, 
maaring pagdudahan parati  ang mga taong naglakas-loob isuplong 
ang mga nagsamantala at umabuso sa kanila.  Maaring piliin na lang 
nilang magtikom ng bibig kaysa sabihin ang katotohanan, magtago 
kaysa lumaban.

                                                        ***


  

My Favorite Post!

Remembering Nanay

                                       Photo by  Aaron Burden  from  Pexels   It was a time of disquiet then; the protest movement against t...