mahalagang papel na ginagampanan ng mga ina sa mga tahanan.
Nagkakaroon ng pagkakataong magsama-sama ang mga mag-anak
upang pasalamatan ang kanilang mga inang nagsilbing inspirasyon at
gabay nila mula sa kanilang pagsilang hanggang sa kanilang paglaki.
Totoong ginagawang ispesyal naaraw ito para sa maraming inang
nagsilbing "ilaw ng tahanan."
Sa araw na ito, masarap balikan ang mga ala-ala sa pagbubuo ng
pamilyaat pagpapalaki ng mga anak. Ginugunita ang mga kuwentong
hinalawan ng mga aral at mga istorya ng pamamahal at pagmamalasakit.
Natatandaan ko ang panahong pinagbubuntis ko ang aking
panganay. Araw-araw, nakikipagsiksikan ako sa iba pang mga pasahero
ng mga bus at mga jeep kahit malaki na ang tiyan ko. Sa isang pagkakataon
nga, muntik na rin akong mahulog sa isang bus habang pababa ako dito
papunta sa aking pinagtatrabahuhan.
Naisip ko na katulad ko rin ang marami pang ina na totoong vulnerable
sa mga panahong inaalagaan nila hindi lang ang kanilang sarili kundi ang
sanggol sa kanilang sinapupunan.
Naikuwento ko na rin sa aking bunso noong manganganak ako sa kanya
at kailangan na akong itakbo sa ospital ng kanilang ama. Sabi ko nga, totoo
palang puwedeng mangyari na mapaanak ka na sa taxi o sa MRT kapag
kapanahunan mo na. Parehong hirap ang naranasan ko, pero mas mabilis
ang pagitan ng paghilab ng aking sinapupunan na senyales na malapit
na nga akong manganak. Sobrang hirap ang aking naranasan. Totoo ang
kasabihang nasa hukay ang isang paa ng mga ina sa kanyang panganganak.
Nagpapasalamat ako na noong mga panahong yun, naroon ang aking asawa
na nagpamalas at nagparamdam sa akin ng kanyang pag-unawa't pagmamahal.
Napakalaki talaga ang maitutulong ng suporta ng mga taong nagmamahal
at nagmamalasakit sa panahong vulnerable ka.
![]() |
Acknowledgement: Photograph by Amy Muga |
Sa maraming bayan, lalo na sa mga lugar na miminsan lamang
napupuntahan ng mga manggagawang pangkalusugan, napakahirap
ng sitwasyon ng mga ina at ng kanilang mga sanggol. Maraming ina
ang namamatay sa panganganak, maraming bagong silang na
sanggol ang binabawian ng buhay. Patunay dito ang ulat ng
samahang Save the Children sa kanilang 15th State of the World's
Mothers Report kung saan inilahad ang kalagayan at mga hamon para
pangalagaan ang mga ina at kanilang mga sanggol sa iba't ibang bahagi
ng mundo.
ng sitwasyon ng mga ina at ng kanilang mga sanggol. Maraming ina
ang namamatay sa panganganak, maraming bagong silang na
sanggol ang binabawian ng buhay. Patunay dito ang ulat ng
samahang Save the Children sa kanilang 15th State of the World's
Mothers Report kung saan inilahad ang kalagayan at mga hamon para
pangalagaan ang mga ina at kanilang mga sanggol sa iba't ibang bahagi
ng mundo.
Sang-ayon ako sa rekomendasyon ng Save the Children na kailangang
magtulungan ang pamahalaan at mga civil society organizations sa
pagsisiguro na makakakuha ng tulong ang sino mang ina para sa kanilang
pagbubuntis hanggang sa kanilang panganganak, maging sa pangangalaga
nila sa kanilang bagong silang na sanggol.
Naniniwala rin ako na kailangang pahalagahan ang kababaihan,
simula sa kanilang pagkabata. Kailangang mabigyan ng mas maraming
pagkakataon sila para makapag-aral. Pananggalang ang kaalaman ng
kanilang pansariling kalakasan laban sa mapang-abusong relasyon.
Maipapasa pa nila ang mga aral ng pagpupunyagi sa kanilang mga
anak.
Reflection:
Nasa balita kamakailan ang pagpanaw ng bagong silang na
sanggolng bilanggong politikal na si Andrea Rosal. Paano
mapapangalagaan ang mga inang nasa maselan na panahon
ng kanilang pagbubuntishabang nasa loob ng piitan?