Thursday, 14 November 2013

Sulat sa Isang Ina


I felt heartbroken when I first saw this photograph 
taken by SSgt Randulf Obinque of PAO, AFP from a military helicopter.


Photo courtesy of SSg Randulf Obinque, PAO AFP  


  
     A young mother is seen gently hugging her son while tearfully looking at  what remains of her hometown- a town once teeming with life and happy memories, now left ravaged by Typhoon Yolanda. Her eyes tell  the pain she witnessed from a storm which claimed people she loved and memories she cherished. 
    
                                            ***  

Kapatid,


Hindi tayo magkakilala, pero kung papalarin na magkita at magkausap tayo, gusto kong ipaabot sa iyo ang aming  pakikiramay sa sinapit ng iyong komunidad.  


 Naiyak ako nang makita ko ang litratong kuha sa inyong dalawa ng iyong anak. 


Sana, maari kong sabihin sa iyo na huwag kang mag-alala, na bubuti rin ang kalagayan ng iyong komunidad, na hindi na maaring manalasa ang isang bagyong kasing tindi ni Yolanda. Napakadaling sabihin na manampalataya at mapapanatag ka. Pakiramdam ko lang, pawang maglulubid  ako ng buhangin sa mga salitang ito dahil m
aaring buwan ang bilangin sa pagsasaayos na kailangang gawin sa inyong komunidad. 


Kapatid ko, maaring hindi patag ang daang tatahakin mo sa iyong pagbangon at paghilom. Sana, mahanap mo ang mga aral na lalo pang magpapatibay sa iyo. Makakakuha ka ng panibagong mga karanasan kung saan matutuklasan mo ang iyong mga kalakasan. Marami ka ring makikilalang mga taong handa kang samahan sa iyong paglalakbay sa buhay.

Panalangin ko na  sa paglaki ng anak mo, marami siyang bauning bago at magagandang mga ala-ala. Buong pagmamahal niyang dadalhin sa kanyang puso ang kanyang inang nakipaglaban para sa kanya.  

Patnubayan kayo parati ng Panginoon. Sana balang- araw, magkita rin tayo.



                                                             Mula sa akin,

                                                                                      
                                                                                              Nay Amy

    



    
           
          

   

            

     
    

    


         



      

      

     


  

      

    











      


My Favorite Post!

Remembering Nanay

                                       Photo by  Aaron Burden  from  Pexels   It was a time of disquiet then; the protest movement against t...