Marahil, matagal na rin nilang hinintay ang pagkakataong yun, na ipamukha sa isang tao na hindi bulag ang katarungan; darating din ang panahong kailangang tanggalin ang belo ng katahimikan at takot sa nangyaring abuso at kasakiman.
Sa isang pagdinig na idinaos ng Senado para sa isyung "sex for flight scheme" na sinasabing ipinapatupad sa ilang repatriation centers, hinarap ng tatlong kababaihang Overseas Filipino Workers (OFW) ang isang labor attache na iginiit nilang naging dagdag kalbaryo sa kanila. Sa halip na tulungan silang makauwi sa Pilipinas ay pilit silang ibinugaw at pinagsamantalahan.
Mga ina sila, mga anak at mga kapatid na sadyang naghirap makapunta sa isang bayang napakalayo sa kanilang mag-anak, para lamang makapagpadala ng pera para sa kanila. Hindi birong mawalay sa mga anak, magtiis sa lungkot at pangungulila, gawin ang lahat ng makakaya para mapabuti ang trabaho pero susuklian ng hindi pagbibigay ng tama at pinagkasunduang suweldo, pisikal na pananakit pati na rin ang sekswal na pang-aabuso mula sa kani-kanilang mga employer.
Humingi sila ng saklolo sa mga kapwa Filipino, mga kinatawan ng isang ahensiyang nangakong tutulong sa mga kababayang nailagay sa alanganin. Hindi nila inasahang naging patibong pa ang mga repatriation center na inasahan nilang kakalinga sa kanila sa panahong kailangang-kailangan nila ang suporta.

Kung totoo ang mga paratang na ito, paano kaya naaatim ng labor attache na ito na abusuhin ang kanyang kapwa? Paano kaya siya nakakatulog ng mahimbing samantalang pinagsamantalahan niya ang kanilang sitwasyon? Paano niya naatim pagnasahan ang mga kababayan niyang nasa sitwasyong "kapit sa patalim"?
Ang katanungang ito ay maari ring ipukol sa mga taong naging matingkad ang papel sa pinakamainit na balita sa ating bayan sa nakalipas na linggo - ang pork barrel scam o priority development assistance fund (PDAF) scam. Bilyong pisong halaga ng PDAF ang napunta sa mga proyekto ng mga huwad na non-governmental organizations na binuo at pinangunahan ng isang tao at binasbasan ng ilang kilalang mambabatas.
Ang bilyong pisong halagang pondo ay nagamit sana para maipatupad ang mahalagang mga serbisyong panlipunan na malaki ang maitutulong para mapabuti ang kalagayan ng mga maralita.
Ilang silid aralan kaya ang maaring naitayo sa winaldas na pondong iyon? Ilang pampublikong ospital o maternity clinics kaya ang naitayo sa halagang yun? Ilang pabahay kaya para sa mga nasalanta ng mga kalamidad ang naipatayo?

Halimbawa na lang, ang patuloy na pagbawas sa budget para sa edukasyon ay nagbunga ng mahigpit na pagpapatupad ng mga patakaran sa mga state universities laban sa late payments ng tuition fee ng mga mag-aaral. Hindi maaring pumasok ang mga mag-aaral sa kanilang klase hanggang hindi kumpleto ang kanilang ibinayad sa kanilang pamantasan. Kinailangan pa dumating ang isyung pagpapatiwakal ng isang mag-aaral ng Pamantasan ng Pilipinas noong isang taon, para mamulat na napakahalagang isyung ito na kailangang bigyan ng kasagutan dahil marami ang naapektuhang mag-aaral.
Nakakaiyak ang sitwasyong hindi patas ang mundong ginagalawan ng mahirap at mayaman. Sana man lamang ay naibibigay ang mga oportunidad sa kanila na umangat sa pamumuhay, na masuportahan ang edukasyong makakapagbigay sa kanila ng mas mabuting hinaharap.
Mababasa mo na lang na kahit iskolar na ng bayan ay nagkukumahog sa paghanap ng pondong pambayad sa tuition. Marami ang hindi nakatatapos sa kanilang pag-aaral. Parami nang parami ang umaalis para mamasukan sa ibang bayan kahit danasin ang di-makatao at di-makatarungang kalagayan sa kanilang pinapasukan.
Tapos mababasa mo na lang ang walang pakundangang paglulustay ng pera ng sambayanan. Ang saklap naman nito. Ang perang ito ay galing sa buwis na nakukulekta ng pamahalaan sa bawa't bilihin at serbisyong nakuha kasama na ang ipinapataw sa sahod at suweldo ng ordinaryong mga tao na nangarap lamang ng mas mabuting buhay para sa kanilang mag-anak.

Paano nga ba naatim na yumaman sa dugo at pawis ng iyong kapwa? Paano kaya nakakayanang ikatuwa at kalimutan ang mga ordinaryong taong tinatanggalan ng oportunidad umunlad ang pamumuhay?