- Isang nakapanood ng video clip ng concert ni Vice-Ganda sa Araneta
Isa si Rosa sa mga nakilala ko sa isang komunidad ng maralitang tagalungsod. Labing-isang taong gulang na siya at Grade V sa mababang paaralan. Mahilig siyang kumanta at makipagtagisan ng husay sa pag-awit.
Tinutulungan niya ang kanyang ina sa paglalako ng gulay na paninda sa kanilang lugar. Pagkagaling naman sa paaralan, nagsasalansan siya ng mga retasong tela para gawing mga basahan. Katulad ng ordinaryong mga bata, kapag natapos na ang gawaing bahay, makikipaglaro na siya sa kanyang mga kaibigan.
Tinutulungan niya ang kanyang ina sa paglalako ng gulay na paninda sa kanilang lugar. Pagkagaling naman sa paaralan, nagsasalansan siya ng mga retasong tela para gawing mga basahan. Katulad ng ordinaryong mga bata, kapag natapos na ang gawaing bahay, makikipaglaro na siya sa kanyang mga kaibigan.
![]() |
Acknowledgement: Photograph from GMA News TV's Frontrow, http://www.gmanetwork.com/news/story/266130/newstv/frontrow/the-youngest-mother-in-philippine-history |
Hindi mo aakalaing dalawang taong nakalipas, dumaan siya sa panahong halos hindi siya makatayo sa papag na kanyang hinihigaan. Pinagsamantalahan siya ng isang taong umupa sa isang sulok ng kanilang tahanan. Buong maghapon na nakatalukbong siya ng kumot, hindi makausap at binabantayan ng kanyang ina. Nang nagkaroon siya ng lakas-loob para lumabas ng kanyang tahanan, narinig niya ang mga panlalait at mga salitang mapanghusga mula sa ilang kapitbahay na nakaalam ng nangyari sa kanya.
"Nakatikim na siya."
Ito ang laman ng mga biro at masasakit na salitang narinig niya nang siya'y siyam na taong gulang pa lamang. Narinig rin niya itong binitawan ng ilang kamag-aral niya.
Nakilala ko rin si Hilda, isang detenidong politikal noong panahon ng batas militar na hindi sumuko sa gitna ng hirap na kanyang dinanas. Ni-raid ang tirahan niya, dinala siya sa isang safe house kung saan siya pinagsamantalahan. Dahil nakapiring ang kanyang mga mata, hindi niya makita ang mga anyo ng nagsamantala sa kanya, narinig lang niya ang mga tawanan nila sa hirap na kanyang pinagdaanan.
Ilang araw na ring nakalipas nang mapanood ko sa social media ang isang video clipping tungkol sa "birong" binitawan ng isang komedyante laban sa isang premyado at pinagkakatiwalaang broadcast journalist. Una muna, pinilit niyang gawing katawa-tawa ang pangangatawan ng broadcast journalist. Pero di lang sa pag-aalipusta sa katawan ang biro niya dahil sinundan niya ito ng:
"Ang hirap kung (ang broadcast journalist) ay magbo-bold..."
at sinundan niya ito ng
"...kailangan gang rape,"
" tapos sasabihin ng rapist, 'ilabas ang litson!' "
" tapos sasabihin ng rapist, 'ilabas ang litson!' "
Nakita sa video clipping ang nagtatawanang mga tao, maging ang isang mataas na opisyal ng isang broadcast network.
Naging katawa-tawa ang panlalait sa kapwa, naging katawa-tawa ang usapin ng rape.
Naging katawa-tawa ang panlalait sa kapwa, naging katawa-tawa ang usapin ng rape.
Hindi dapat hayaang maliitin at gawing paksa sa mga biruan at pagpapatawa ang isyu ng karahasan tulad ng rape. Isang masaklap na realidad ito sa ating lipunan kung saan hindi patag ang daan sa pagbangon at mailap ang katarungan sa mga kababaihang tulad ni Hilda at Rosa.