Thursday, 20 June 2013

Pangarap

      Isang ina si Maria. Nakipagsapalaran siya sa isang bayan sa Gitnang Silangan bilang domestic helper.  Tiniis niya ang lungkot at pangungulila sa kanyang panganay at bunso dahil gusto niyang makapag-ipon para sa kanilang kinabukasan. "Magtatapos sila ng pag-aaral", sambit niya sa sarili.  Iniisip na lang niya kung gaano sila kasaya kapag magkakasama na sila. Tiyak na  matutuwa ang kanyang mga anak sa mga pasalubong niyang damit, sapatos at mga laruan. Pinahid niya ang luhang pumatak sa kanyang mata.  Ilang liham na rin ang isinulat niya sa kanila sa mga araw na iniwan siya ng kanyang amo sa loob ng apartment complex. Kinandado siya sa loob nito habang nagbabakasyon sila sa isang marangyang resort na malapit sa kanyang bayan. Mauubos na ang pagkaing iniwan sa kanya. Kung maari nga lang makahanap siya ng maayos na trabaho sa sarili niyang bayan...

     Isang ama si Fidel. Nangarap rin siya ng isang magandang  buhay para kanyang pamilya. Gusto niyang daanin ang pag-unlad nila sa malinis at marangal na pamamaraan." I will rise from the ranks,"sabi niya sa sarili. Pinagbuti niya ang kaniyang trabaho sa gobyerno; madalas na inuumaga na rin siya sa kanyang tanggapan. Tulad ng iba pa niyang kasamahan, inasahan rin niyang maibibigay ang dagdag benepisyong inukol sa kanila dahil  sa peligroso nilang gawain. Hindi ito naibigay sa kanila. Halos maiyak siya noon. Pinili na lang niyang tanggapin ang alok na trabaho sa Quatar. Malayo man sa kanyang pamilya, panatag siyang mabibigyan niya ng mabuting kinabukasan ang kanyang mga anak.

     Habang patuloy sa gawain sina Maria, Fidel at marami pang iba,  mababasa sa pahayagan ang mga artikulo  tungkul sa marangyang buhay at naglalakihang bonus na regular na ibinibigay sa mga hinalal ng taumbayan na dati nang mayaman. 

      Habang kinukunsensya ang mga katulad nina Fidel at Maria na napilitang iwanan ang kanilang mga mahal sa buhay para lamang kumita ng pantutustos sa pangangailangan ng kanilang mga anak. nilulustay naman ng ilan ang perang nanggaling sa dugo't pawis ng mga taong nailagay sa sitwasyong kapit sa patalim.
  
                                              ***


Pinagbatayang mga artikulo:

1)"Thanks FB: Braganza helps rescue detained OFW abroad"  http://wwwmortzcortigoza.blogspot.com/2013/01/thanks-fb-braganza-helps-rescue.html   Jan 28, 2013

2) "Aquino not concerned by Pagasa chief's resignation" written by Michael Lim Ubac, Philippine Daily Inquirer June 20, 1013. http://newsinfo.inquirer.net/430245/aquino-not-concerned-by-pagasa-chiefs-resignation

3)  " Enrile gavie 18 senators P1.6 M each for Christmas" written by Juliet Labog-Javellana, January 9, 2013 Philippine Daily Inquirer.  http://newsinfo.inquirer.net/337461/enrile-gave-18-senators-p1-6m-each-for-christmas

      

    



       

My Favorite Post!

Remembering Nanay

                                       Photo by  Aaron Burden  from  Pexels   It was a time of disquiet then; the protest movement against t...