Sinasabi na ang pag-iyak ay "liberating". Sa pagluha, nailalabas ang mga bagay na mabigat sa damdamin- maaring bunga ito ng mga karanasang sadyang malungkot tulad na lamang ng pagkawala ng mga taong minahal o paglisan ng mga taong minamahal pa rin. Nariyan na maiyak rin dahil sa kawalan ng katarungan sa karanasang pinagdaanan.
Sa gawain ko, nakakasama ko at nahihingahan ako ng kalooban ng mga taong dumaan sa iba't ibang karanasan sa buhay. May ilang pagkakataon rin na di ko maiwasan maluha sa mga kuwentong binahagi sa akin. Iba't ibang kuwento ito ng pagpupunyagi at pakikibaka ng mga taong dumaan sa hirap.
Sa valedictory address ni Charles, buong kapanatagan niyang binahagi ang pagsisikap niya sa pag-aaral sa gitna ng kahirapang dinaranas ng kanyang pamilya. Naroong palipat-lipat sila ng tirahan ng kanyang pito pang kapatid dahil hindi kasya ang kita ng kanyang amang taxi driver. Tumira na rin sila sa garahe na kurtina lang ang tabing sa pinapasukang kompanya ng kanyang ama. Tinitipid rin niya ang kaunting perang pambili ng hapunan para makabili ng mga kinakailangang gamit sa eskuwelahan.
Sa interview niya sa PDI , sinabi niya:
“I keep an open mind. I just think of others who are in a worse situation. I think of all this as an advantage to make me stronger, rather than wallow in self-pity, considering there are people who have no place to stay and nothing to eat,” he said.
His parents are his role models. “I see how hard they work to raise us. They were never able to finish school, but they’re trying so hard to get us through school. I see myself in them, and I want to finish what they started,” he said."
_________________________________________________________________________________
Pinagbatayang artikulo sa diyaryo:
"Tale of Poor Cabbies Son moves Pricipal to Action" written by DJ Yap http://newsinfo.inquirer.net/420627/tale-of-poor-cabbies-son-moves-principal-to-action#ixzz2WLVOSBNs