( A letter to a friend on grief and healing)
Dear Eppie,
Dear Eppie,
Kumusta na sis. I hope mas okay na ang kalagayan ng bunso mong si Pea. Hay, alam mo naman na halos anak na ang turing ko sa kanya. Nalungkot ako nang mabalitaan ko ang nangyari sa boyfriend niyang si Eli.
Alalay lang sis...mabuti at bukas mag-share si Pea ng kanyang damdamin tungkol sa nangyari kay Eli. Malaking bagay na naroon kayo ni Jojo para tulungan siya. Yun nga lang, may mga bagay na hindi maiiwasang pagdaanan niya. Haharapin talaga niya ang lungkot at pangungulila. Maari ring pagdaanan niya ang hinanakit o galit sa kawalan ng katarungan sa pagkamatay ng kanyang katipan. Normal na damdamin ito na maaring pagdaanan ng sino mang makaranas mawalan ng isang minamahal.
Kapag naglalahad siya ng hinaing, sis, hayaan mo lang sabihin niya ang mga ito, kahit minsan masakit pakinggan. Remember sis ha, iwasan ang sermon o mga litanya. Ang kailangan niya ngayon ay pag-unawa, pagtanggap at mapagkalingang paggabay.
Kapag naglalahad siya ng hinaing, sis, hayaan mo lang sabihin niya ang mga ito, kahit minsan masakit pakinggan. Remember sis ha, iwasan ang sermon o mga litanya. Ang kailangan niya ngayon ay pag-unawa, pagtanggap at mapagkalingang paggabay.
Hindi rin kailangan may sagot ka sa lahat ng mga katanungan niya. Maari mong sabihin sa kanya ang totoo kung sakaling di mo alam ang isasagot sa tanong niya.
Maari rin makatulong ang grief support groups tulad ng Healing Circles o Compassionate Friends. Sa sharings ng iba makakakuha ng panibagong perspektiba sa kanyang pinagdaanan; mapapakingan rin kung ano ang ginagawa at maaring gawin para mahilom. Oo nga pala, nagbubuo rin kami ng isang support group sa isang simbahang malapit sa UP Diliman.
Sis, pahabol lang. Alam mo na rin ito; malaking tulong sa paghilom ang pagtulong rin sa kapwa. Isa nga sa kakilala natin na mahilig sa arts tulad ni Pea ay tumutulong magbigay ng art workshops sa mga bata na nakatira sa komunidad ng maralita. Hindi na niya binibilang ang oras sa pagkakataong yun.
Hanggang dito na lang at magkikita pa tayo sa Sabado. Blessings sa inyong lahat sa pamilya. Nasa prayers ko kayo parati.
Mula sa akin,
Amy :)