Sunday, 19 May 2013

A Mother's Memories

  
photo credit: Amy Muga


                              
      Enjoy ako sa photography.  Bukod sa mga kuha tungkul sa mga pangkaraniwang tao sa ating lipunan at mga lugar na kanilang ginagalawan,  paborito kong kuhanan ng litrato ang mga anak ko at siyempre ang aking matalik na kaibigan na si Lex. Kumbaga, official photographer nila ako. 

   Mabuti na lang at hindi na mahirap kumuha ng litrato ngayon dahil sa digital photography. Hindi na rin  matagal maghintay sa  kinalabasan ng mga kuhang litrato dahil sa isang klik maari nang balikan, burahin at pagandahin ang mga litrato ngayon. 

    Naabutan ko pa yung panahong kukuha ka ng litrato, dadalhin mo ito sa mga Kodak centers at mahihintay ka ng ilang araw para ma-develop ito at mailagay sa  photo paper.  Pinakamatagal na siguro ang isang linggo. Hindi pa sigurado kung maganda ang kuha mong litrato. 

     Bawa't litrato na kinuha ko ay iniingatan ko. Inilalagay ko  ang bawa't isa sa isang photo album na isisilid sa isang lalagyan na hindi mababasa o maalikabukan. 

     Gusto ko kasi, pag malalaki na ang anak ko, makikita nila ang mga litratong kuha nung maliliit sila, mga kuha nang sila ay nakangiti, tumatawa, tumatakbo, nagbabasa, sumasayaw kasama na rin nang akay-akay, karga-karga at buong pagmamahal na kasama naming dalawa ng kanilang ama. 

    Wala kaming camera nung pinanganak ko ang panganay namin ni Lex. Di namin tiningnan na mahalaga yun. Hanggang sa hinatid ako ni Lex sa nursery ng ospital kung saan ako nanganak. Tuwang-tuwa akong pagmasdan ang aking anak - ang bilugan niyang mukha, ang kanyang maamong mukha pati na rin ang ilong niyang mana talaga sa kanyang ama.  Hay, naisip ko tuloy na sayang at wala kaming camera para kuhanan siya sa pagkakatong yun. 

      Mabuti na lamang, may isang ama na nagmagandang loob na kuhanan siya ng litrato. Napansin niya marahil na wala kaming dala-dalang camera ni Lex habang patuloy ang pagkuha niya ng litrato sa kanyang panganay na nakahiga sa kuna na katabi ng aming anak.  Kukunan rin raw niya ng litrato ang anak namin at ipapadala sa aming tahanan. Nagpasalamat kami sa kalakihan ng kanyang puso. 


Sisters Gina and Raisa, reading (photo credit: Amy Muga)

                                            ***

      Noong mga nakaraang pagbaha sa Metro Manila, ilan sa mga nakausap ko ay nanghinayang sa mga litrato na inanod ng baha. Nalungkot sila sa pagkawala ng mga "memories" na nakasilid sa mga litratong pinakakaingatan nila. 

      Maari nang gumamit ng "virtual depository" ng mga litrato sa pamamagitan ng mga applications tulad ng Dropbox o sa Google docs. Libre lang ito. 

                                          ***



  
                 

     




      
     





My Favorite Post!

Remembering Nanay

                                       Photo by  Aaron Burden  from  Pexels   It was a time of disquiet then; the protest movement against t...