Wednesday, 29 May 2013

Likha

     Lumaki ako sa panahong pinapairal ang batas militar sa Pilipinas. "Martial law babies" ang tawag sa amin, mga batang lumaki sa panahong 1972-1986. Dinaanan ko ang panahong laman ng mga balita sa mga pahayagan at telebisyon ang mga magagandang nagawa ng pamahalaan para sa taong bayan. Bawal noon ang pasaway na mga manunulat. Tandang-tanda ko pa ang mga pag-aaral namin sa paaralan tungkul sa programang Masagana 99 at Green Revolution, sa malaking ambag sa sining ng dating Unang Ginang na nakapagpatayo ng mga naglalakihang gusali tulad ng Folk Arts Theatre.  

      Dahil na rin limitado ang mapapanood sa telebisyon, naging paborito ko tuloy ang  mga cartoon tulad ng Scooby Doo at Voltes V sa telebisyon pati na rin ang mga palabas na pinagbidahan ni Nora Aunor, isa sa paborito kong artista. Aba, Noranian akong maituturing. Paborito ko ring screen partner niya noon si Manny de Leon at hindi si Tirso Cruz III. Rags to riches ang istorya ng buhay niya na halos kahalintulad ng mga kuwento sa mga naunang pelikula niya, ang buhay ng pangkaraniwang taong nagpunyagi at nagwagi.  Ginagampanan niya ang isang karakter na matiisin at madasalin. Inaapi pero nagtatagumpay sa bandang huli dahil sa kabutihan ng kanyang puso. Happy ending parati. 


                                              ***




     Unang pelikula kong napanood na tumalakay ng seryosong mga  usapin ng kawalan ng katarungan sa ating lipunan ay ang "Tinimbang ka Nguni't Kulang" ng namayapang si Direk Lino Brocka. Lahat yata kaming magkakapatid ay isinama ng aking ina sa panonood nito. Hindi matawaran ang husay sa pagganap nina Lolita Rodriguez at Mario O'hara dito. Mahusay na kuwentista si Direk Lino sa pelikulang ito na salamin ng buhay sa  isang bayang pinamumugaran ng mga "malinis"at "maka- Diyos" at mga taong sadyang tinalikuran ng tadhana, tinaguriang latak na hindi dapat nilalapitan.


     Nagpapasalamat ako sa tapang ng mga taong tulad ni Direk Lino na sadyang gumawa ng mga obra na nagpamulat sa marami sa tunay na kalagayan nga ating bayan noong panahong yun. Taong 1974 pinalabas ang pelikula at naging matagumpay ito sa box-office. Mabuti naman kung ganun.


    Noong bandang 80's ipinalabas na ang mga pelikulang may mga paksang tumalakay ng mga  nangyayaring karahasan sa loob ng pagawaan, sa mga komunidad ng maralita pati na rin sa militarisasyon sa kanayunan.  Malaki ang naitulong ng mga pelikulang ito sa sarili kong pagkamulat at marahil sa aking pagiging aktibista. 



                                               ***

       
       



         

     







Sunday, 19 May 2013

A Mother's Memories

  
photo credit: Amy Muga


                              
      Enjoy ako sa photography.  Bukod sa mga kuha tungkul sa mga pangkaraniwang tao sa ating lipunan at mga lugar na kanilang ginagalawan,  paborito kong kuhanan ng litrato ang mga anak ko at siyempre ang aking matalik na kaibigan na si Lex. Kumbaga, official photographer nila ako. 

   Mabuti na lang at hindi na mahirap kumuha ng litrato ngayon dahil sa digital photography. Hindi na rin  matagal maghintay sa  kinalabasan ng mga kuhang litrato dahil sa isang klik maari nang balikan, burahin at pagandahin ang mga litrato ngayon. 

    Naabutan ko pa yung panahong kukuha ka ng litrato, dadalhin mo ito sa mga Kodak centers at mahihintay ka ng ilang araw para ma-develop ito at mailagay sa  photo paper.  Pinakamatagal na siguro ang isang linggo. Hindi pa sigurado kung maganda ang kuha mong litrato. 

     Bawa't litrato na kinuha ko ay iniingatan ko. Inilalagay ko  ang bawa't isa sa isang photo album na isisilid sa isang lalagyan na hindi mababasa o maalikabukan. 

     Gusto ko kasi, pag malalaki na ang anak ko, makikita nila ang mga litratong kuha nung maliliit sila, mga kuha nang sila ay nakangiti, tumatawa, tumatakbo, nagbabasa, sumasayaw kasama na rin nang akay-akay, karga-karga at buong pagmamahal na kasama naming dalawa ng kanilang ama. 

    Wala kaming camera nung pinanganak ko ang panganay namin ni Lex. Di namin tiningnan na mahalaga yun. Hanggang sa hinatid ako ni Lex sa nursery ng ospital kung saan ako nanganak. Tuwang-tuwa akong pagmasdan ang aking anak - ang bilugan niyang mukha, ang kanyang maamong mukha pati na rin ang ilong niyang mana talaga sa kanyang ama.  Hay, naisip ko tuloy na sayang at wala kaming camera para kuhanan siya sa pagkakatong yun. 

      Mabuti na lamang, may isang ama na nagmagandang loob na kuhanan siya ng litrato. Napansin niya marahil na wala kaming dala-dalang camera ni Lex habang patuloy ang pagkuha niya ng litrato sa kanyang panganay na nakahiga sa kuna na katabi ng aming anak.  Kukunan rin raw niya ng litrato ang anak namin at ipapadala sa aming tahanan. Nagpasalamat kami sa kalakihan ng kanyang puso. 


Sisters Gina and Raisa, reading (photo credit: Amy Muga)

                                            ***

      Noong mga nakaraang pagbaha sa Metro Manila, ilan sa mga nakausap ko ay nanghinayang sa mga litrato na inanod ng baha. Nalungkot sila sa pagkawala ng mga "memories" na nakasilid sa mga litratong pinakakaingatan nila. 

      Maari nang gumamit ng "virtual depository" ng mga litrato sa pamamagitan ng mga applications tulad ng Dropbox o sa Google docs. Libre lang ito. 

                                          ***



  
                 

     




      
     





Saturday, 11 May 2013

"Iingatan Ka" ( I'll take care of you )

     I fell in love with this song the first time I heard it over the radio.  It was composed by Marizen Yaneza- Santiago and sung so beautifully by Filipino artist Carol Banawa. 

   Since it is also Mother's Day tomorrow,  I am dedicating the song to special mothers in my heart and to so many people who may not be mother's themselves but possesses a mother's love, kindness and compassion to others.



  Youtube video courtesy of Goddess461  (http://youtu.be/vFfugSl9f9M)



Sa buhay kong ito
Tanging pangarap lang
Ang iyong pag mamahal
Ay ma kamtam
Kahit na sandali
Ikaw ay mamasdan
Ligaya tila ay
Walang hangan
Sana ay di na magising
Kung nangangarap man din
Kung ang buhay na makulay
Ang tatahakin
Minsan ay nadarama
minsan di na iluluha
Di ka na maninilbi
pagkat sa buhay mo
ay may nag mamahal parin

Iingatan ka
Aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'ting mundo'y
may gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nag mamahal aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
Ng Buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na

Sana'y di na magising
Kung nangangarap man din
Kung ang buhay na makulay
Ang tatahakin
Minsan ay nadarama
minsan di na iluluha
Di ka na maninilbi
pagkat sa buhay mo
ay may nag mamahal parin

Iingatan ka
Aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'ting mundo'y
May gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nagmamahal aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
Ng Buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na (2x)


Friday, 3 May 2013

Hope

     "Nay, sino ang iboboto mo ngayong Halalan 2013?"


     I remember campaigning for the late Senator Raul Roco when he ran for the Presidency in 1998. He was someone who I believed could  inspire others to dream, work hard and give back to our country; someone who will fight for the rights of the poor and oppressed. In short, an alternative to traditional politicians. My husband and I even volunteered to join the Aksyon Demokratiko, a citizen's movement spearheaded by the late senator.

     I was also one staunch supporter when he ran again for the presidency against former President Gloria Macapagal Arroyo (PGMA) and the late actor Fernando Poe Jr. (FPJ) in 2004. Unfortunately, he was not able to sustain his campaign because of cancer. 

     I remember discussing his candidacy with an instructor from a state university who was pragmatic in choosing her candidate. She  insisted on voting and campaigning  for PGMA to prevent a FPJ presidency. I am now wondering if those who voted for PGMA, on the sheer fear that an actor may win the election, shook their heads in frustration that their votes were wasted. There was massive corruption and human rights violations during her term of office. 


    In the last national elections, I voted for President Benigno Aquino III as well as Ka Satur Ocampo - people who have the integrity and the courage to lead the country.


    This May 13 elections, I am voting for candidates who have personal integrity and who could work in solidarity with other groups of individuals who may not share the same political agenda. 

     I shall vote for people who have proven track records in serving the poor and marginalized, men and women who have fought for the rights of women and children, who are themselves committed advocates and defenders against human rights violations perpetrated by both state and non-state elements. 

     

      



       

       













  

My Favorite Post!

Remembering Nanay

                                       Photo by  Aaron Burden  from  Pexels   It was a time of disquiet then; the protest movement against t...