Anak ko,
Kanina, habang nag-aayos ako ng mga photo album natin, nakita ko ulit ang ilang litrato ng iyong lolo. Siguro, kung buhay pa siya, matutuwa siyang makita kayong dalawa ng iyong Ate Raisa. Maaring ikagulat niya na natangkaran mo na kaming dalawa ng iyong ama. Marahil, sasama rin siya kapag may practice ka sa volleyball, papalakpak at hihiyaw sa galak para sa inyong koponan. Tiyak akong tulad namin ng iyong ama, magiging fan na rin siya ng larong ito.

Malapit na rin lang ang Father's Day kung kaya gusto ko rin ma-share sa iyo ang ala-ala ng iyong Lolo at mga aral ng iyong ama.
Working student ang lolo mo sa kanyang kabataan. Naging kutsero siya, naging katulong sa bukid at nagtrabaho sa iba't ibang gawain habang nag-aaral sa gabi. Naroong kumakalam ang kanyang sikmura dahil wala siyang maibaong pagkain. Ilang beses rin niyang naikwento ang chewing gum na madalas niyang pamatid-gutom dahil wala siyang pambili ng pagkain. Noong una niyang binahagi ito, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa niyang idikit ang kanyang chewing gum sa ilalim ng kanyang bangko.

Katulad rin ng iyong lolo, nagpunyagi rin ang iyong ama sa pag-aaral kahit dumaan sa paghihirap. Di ba naikwento niya sa iyo na nakayapak lang siya pupuntang paaralan? Panganay na anak ang ama mo; siya ang nag-alaga sa kanyang mga kapatid kahit papunta siyang paaralan. Dahil sa talino at sipag, nakakuha siya ng scholarship sa pag-aaral sa isang bayang malayo sa kanyang pamilya. Hindi birong mahiwalay sa pamilya sa napakamurang edad. Nagsikap siyang pagbutihin ang kanyang pag-aaral kahit makaramdam ng lungkot at pangungulila.
May pagkakapareho ang buhay ng iyong ama at iyong lolo mula sa kanilang pagkabata. Hindi sila tumalikod sa responsibilidad kahit gaano kahirap ang kanilang pinagdaanan. Hinarap nila ang hirap. Ipinakita at ipinaramdam nila ang pagmamahal nila sa kanilang pamilya sa kanilang sariling kaparaanan.
Baunin mo ang mga aral nila sa pagpupunyagi, anak. Dalhin mo ang mga aral na ito sa pagharap mo sa panibagong yugto ng iyong buhay mag-aaral. Marami kang matutuklasang bagong kaalaman, marami ka pang matututunan sa iyong sarili at iyong kapwa. Ibayong sipag, pagpupunyagi at tatag ng kalooban ang magiging hamon mo tungo sa matagumpay na pag-aaral.
Anak, dalhin mo parati sa iyong puso ang pananampalataya mo sa Panginoon. Mahal na mahal ka namin.

Mula sa akin,
Nanay