Sunday, 29 September 2013

Paano Mo Ba Ilalarawan ang Puso ng Isang Ina?

More than five years ago, the son of Editha Burgos,  activist and organiser Jonas Burgos was seized by armed men in civilian clothing inside a restaurant in Gotesco Mall, Commonwealth, Quezon City. He shouted on top of his voice, pleading for help. " Aktibista lang ako".  I wrote this poem for Jonas and his mother, Editha.  - Amy Muga

Paano mo ba ilalarawan ang puso ng isang ina?

Kay Editha, na hindi sumuko sa paghahanap sa dinukot na anak;
hindi masukat ang lungkot sa patuloy niyang pagkawala; 
hindi mapanatag sa  araw na walang katiyakan  
at pawang walang patutunguhan,
hindi mabilang ang mga gabing pinuno ng panalangin at pagsumamo sa Lumikha,
humuhugot ng lakas sa paninindigan at pananampalataya.

Paano mo ba ilalarawan ang puso ng isang ina?

Isang pusong nangungulila,
Isang pusong nananalangin
Isang pusong nanindigan,
Isang pusong paghuhugutan ng lakas at tapang
sa panahong kailangan;
Isang pusong bibigkis sa  marami pang pusong 
naniniwala at sumasampalataya.



       Youtube video courtesy of News5Philippines, Interaksyon.com

My Favorite Post!

Remembering Nanay

                                       Photo by  Aaron Burden  from  Pexels   It was a time of disquiet then; the protest movement against t...