Tuesday, 26 March 2013

Mga Kuwento sa PIling ng Biskwit at Kape

   
              Paborito kong merienda ang kape at biskwit.


(photograph by Amy Muga)
    O kaya cookies o pandesal kung meron. Simple lang. Sa mga meriendang kasama ng ilang kaibigan, ganito kasimple ang pagkain; ang mahalaga ay ang bahaginan o sharing ng aming mga sarili.     

   Naalala ko tuloy  ang mga  taong nakasama ko sa matagal na panahon. Naging mga kasamahan ko sila sa iba't ibang gawain, naging mga kaibigan at nasasanggunihan na rin sa ilang pagkakataon. Karamihan sa kanila ay nasa gawaing pagtulong hanggang ngayon.  Ang iba naman, napunta sa corporate world pero tumutulong hanggang ngayon  sa mga maralita.  Iba't iba rin ang kanilang mga pananaw maging sa paraan ng pagtulong at pagtingin sa kanilang sarili.   Ang ilan, namayapa na pero nagpabaon ng mga karanasang mapaghahalawan ng mga aral ng pakikibaka at tagumpay.


  Mga 0rdinaryong tao rin sila, tulad ko na nagmahal at nagmamahal, naiinis o nagagalit, umuunawa o sadyang di pa handang umunawa. Mga di-perpektong tao tulad ko, maraming pinagdaanan, ang iba'y hanggang ngayon nagdadala ng mga pasanin mula sa kanilang nakaraan o maaring sa kasalukuyan. Mga pusong mamon, mga kapatid na nagmamalasakit sa kapwa, mga ina at ama at mga taong may pusong magulang. Marahil ang isang sinulid na nagdudugtong sa  lahat ay ang pagmamahal nila sa bayan.


     At pagsasama-sama sa hapag-kainan upang magbahagi ng mga kuwentong buhay.


    Sa lahat ng kwentong ito, masaklap man, naalala ko na mahalagang magiging totoo sa sarili at tapat sa mga bagay na pinaninindigan.  Maging bukas makinig sa pananaw ng iba. Iwasang manghusga dahil  di mo alam ang buong kuwento ng pinagdaanan niya.  Bumabatikos ka sa katiwalian, maging huwaran ka rin sa katapatan. Ipinapahayag mo na pabor ka sa karapatang pantao, manindigan kang tapat laban sa mga panunupil ng karapatan ng iyong kapwa. Walk your talk, ika nga. 



Drawing by Gina Muga, All rights reserved 2013


     Isa sa mga kuwentong buhay naalala ko ay mula sa isang taong hinangaan ko dahil sa pagpapatuloy niya sa buhay   kahit dinaanan ang karanasang napakahirap pero nagpatibay sa kanya. Huling kita ko sa kanya sa isang seminar workshop para isang gawaing paghilom. Matagal na rin siya sa ganitong gawain. Pinag-aralan niya ang iba't ibang pamamaraan kung paano matutulungan ang mga taong may dinadalang sakit sa kalooban at pangangatawan.

     Nakasama ko na pala ang kapatid niya dati sa gawain. Di ko alam na magkakakilala rin kami. Narinig ko lang ang pinagdaanan niya. Iba rin kung magmumula na sa kanya ang pagkwento ng kanyang pinagdaanan.


     Paano mo ba ibabahagi ang mga bagay na gusto mo na ring ibaon sa limot? Kung di mo naman ibabahagi ito, hindi rin malalaman ng karamihan ang totoong nangyayari sa mga ordinaryong sibilyan noong panahon ng batas militar.


    Nahuli siya noon sa isang gabing sana'y di na rin dumating sa buhay niya. Nasa sasakyan pa lang siya nang simulan siyang gawan ng kasamaan ng mga kumuha sa kanya. Masakit ang kumikirot sa hapdi ang kalamnan niya. "Maawa kayo, aalahanin ninyo ang inyong mga ina, ang inyong mga kapatid na babae..." pagsusumamo niya. Pagod na pagod na siya. Puno na ng pasa at sugat ang kanyang katawan.

  Bakit kailangang pagsamantalahan ang mga taong walang kalaban-laban? Kailangan bang piliting sirain ang kanilang pagkatao dahil lamang tinuring silang kalaban?


     Ilang buwan rin siyang ikinulong kasama ng iba pang mga detenidong politikal. Hinang-hina na ang katawan niya sa pagkaing pinagsasaluhan nila sa piitang maiinit at malamok. Di naman siya naghahanap ng pagkaing marangya. Kaya lang pakiramdam niya lalo siyang nanghihina sa nakikita niyang ulam na halos hindi na nilinis at itinambog na lang sa kumukulong sabaw. 


     Mabuti na lang at naibalik rin siya sa piling  ng iba pang kasama niyang mga bilanggong pulitikal. Napalakas rin ang kalooban niya sa piling ng mga kasama.


     Isa pa sa mga kaibigang naalala ko ngayon ay si Ronnie. Kasamahan ko rin siya sa trabaho nang ilang taon. Mabait, mapagkumbaba, mapagbigay, matulungin at matalino. Nakapaglimbag na rin siya ng ilang librong ginagamit ng mg mananaliksik sa paksang pinagkadalubhasaan niya. Hindi ako nangiming humingi ng payo sa kanya dahil totoo siyang mapagbigay at malawak ang kaisipan.


       Nung naghiwalay na kami ng mga gawain, malalaman ko na hahawak pa siya ng ibang mga mahahalagang posisyon kung saan lalo pa siyang makakapagambag ng kanyang talino at husay.


     Hindi ko akalain na sa kabila ng tagumpay, napakalalim  yung mga iniinda niyang hirap sa kanyang damdamin. Hindi siya naging pabaya, humingi siya ng tulong para magkaroon ng liwanag ang dilim na kanyang dinaranas. 


         (itutuloy)


      

Friday, 15 March 2013

Iskolar ng Bayan


"Sa Sta Cruz kami noon, bumili ang anak ko ng kendi sa halagang 20 pesos. Ang sabi ko, 'anak, bakit mo ginastos lahat iyan sa kendi?' Ang sagot niya sa akin, 'Tay, lunch ko na po ito.' Ganoon siya ka pursigido para lang makapasok sa school... Kahit pa siya magutom, makapasok lang. UP ang naging buhay niya..."

                                  -father of UP Manila student who committed suicide

    Several months ago, I read a news item about a poor student who passed the entrance exams to the country's most prestigious university but decided not to pursue her studies anymore there. The reason? Her family did not have the means to pay for the expenses she'll be incurring as a student of the University of the Philippines (UP).

    How many deserving students, the best among the best, are not able to realize their dream of becoming an iskolar ng bayan because they could not afford the "high cost" of studying at UP?  I  thought the university was established to open windows of  opportunity to many poor students in getting the  best education they could possibly have. 

     Yesterday, I learned that a very promising student of UP Manila took her own life. She was not officially enrolled at UP; school authorities decided she needed to pay the outstanding balance of her account  at the university before she can attend classes. She confided to one of her professors her parent's difficulty in raising funds to pay for her tuition fee. 



Letter of UP student, Photo Courtesy of Rafael Ligsay and Rappler.com

     

     My heart bled on learning about the difficult situation she and her family were in. Here was a bright and promising student, who was prepared to study and work hard in order to finish her studies. She wanted to help her family rise above their economic difficulties. Kaya lang hirap talaga ang sitwasyon ng kanyang mga magulang. Her father was the sole breadwinner, being a part-time taxi driver. They did everything they could, even pawning a title to a property just so that she could settle her account. 

     Her mother said in a television interview, 


 "Nagsangla kami ng titulo ng lupa para mabayaran ang tuition niya at kinausap namin yung Chancellor... kaya lang university rule raw ito na hindi pwedeng baliin ( "we pawned the title of a land we owned in order to pay for her tuition fee; we talked to the UP Manila Chancellor; however, he said that there is a university rule that cannot be broken")
        
Courtesy of AksyonTV.




   

St. Francis at Payatas

Photograph courtesy of Payatas Orione Foundation


     When I read that the former Argentinian Cardinal Jorge Mario Bergoglio, now Pope Francis, lived a life of austerity in caring for the poor and marginalised,  I remember the Argentinian priests from the Sons of the Divine Providence  and the lay people  I was able to work with in Payatas. They have been  doing so much to uplift the lives of the poor while living in simplicity and humility. 

  Through the Payatas Orione Foundation (PAOFI), they have spearheaded several projects to help the poor in Payatas such as the establishment of feeding centers  in several areas of the barangay and clinics which provides medicine for patients with tuberculosis. I also had the opportunity to work with them in several cases involving families, couples and individuals needing psycho-spiritual intervention  since 2007.

     During their last year's anniversary, I remembered the poignant speech of one of their former scholars who narrated how she diligently finished her studies, found a work she was passionate of and where she was able to help her family in their economic needs. 

   The PAOFI shall be having their 6th year anniversary tomorrow, March 16. I learned that they shall also be launching a scholarship fund drive for the poor students tomorrow.  I pray for the success of this fund drive and for the continued support for their many projects for the poor.

     Patnubayan kayo parati ng Panginoon, mga kapatid ko.

From a Youtube Video : Ryan Cayabyab's Prayer of St. Francis
WebRep
currentVote
noRating
noWeight

My Favorite Post!

Remembering Nanay

                                       Photo by  Aaron Burden  from  Pexels   It was a time of disquiet then; the protest movement against t...