![]() |
Drawing by Amy Muga |
Hindi matatawaran ang malaking ambag ng mga kasambahay sa buhay ng maraming mag-anak. Hindi nga ba naging biruan dati na kapag nag-aklas ang lahat ng kasambahay na nakatira sa isang maunlad na bansa sa Timog Silangang Asya, tiyak na babagsak ang ekonomiya nito?
Noong bagong panganak ako sa panganay namin ni Lex, malaki ang naitulong ng aming kasamahan sa bahay. Naging katuwang namin siya sa pag-aalaga sa aming anak pati na rin ang pag-aasikaso ng ilang gawaing bahay. Hindi rin ako nahirapan sa pagbabalik sa trabaho dahil alam kong maalagaan niya ng husto ang anak namin. Tama lang na sabihing hulog siya ng langit sa amin noong panahong yun.
Marami rin akong mga kaibigan at kakilalalang tumanda na ang kasambahay nila sa kanila. Noong isang araw na lang, binisita namin ng kaibigan kong si Tere ang kanyang Nay Cora sa kanilang bahay sa Halcon. Matagal na rin niyang di nabibisita ito. Masaya ang bungad niya sa amin. Lampas 65 na si Nay pero masigla pa rin ang pangangatawan bunga ng araw-araw niyang pag-ehersisyo. "Anong sikreto mo Nay at ang lakas mo?" "Hay, naglalakad lang ako araw-araw papuntang tindahan sa kabilang kanto para bumili ng mga babasahin. Siyempre pa pagkain ng gulay araw-araw."
Si Nay Cora ang nag-alaga kay Tere at iba pa niyang kapatid mula noong bata pa siya. Hindi na siya nakapag-asawa. Buong buhay niya inilaan niya sa pagiging isang kasambahay at tagapag-alaga ng mga batang isa-isa na ring nagsilakihan, nagsipag-asawa at miminsan na lang niya makita.
Sabi ni Tere, "blessing" sa kanila si Nay Cora. Naging katuwang ito ng kanyang magulang sa pagpapalaki sa kanila. Siya na rin ang naging hingahan niya ng sama ng loob. Malambing rin kasi ito at makuwento. Natatandaan pa niya na madalas silang kuwentuhan ng mga kababalaghan para lang mapabilis ang pagkain nilang magkakapatid ng kanin at ginisang monggo.
Naging mabuti rin naman ang pamilya ni Tere sa kanya. Sa kanyang pagtanda, hindi siya pinabayaan sa kanyang mga pangangailangan. Kung sana ganito na rin ang mararanasan ng maraming namamasukan kasambahay. Marami rin kasing inaabuso dahil sa kawalan ng batas na magbibigay proteksiyon sa kanila at magtataguyod sa kanilang mga karapatan. Bukod sa pisikal na pananakit, marami rin ang tumatanggap ng napakababang sweldo kahit inuumaga na sa pagtulong sa gawaing bahay.
Mabuti at nalagdaan na ang Republic Act 10361 o ang Batas Kasambahay noong Enero 18, 2013 ni Pangulong Aquino. Manggagawa na ang turing sa ating mga kasambahay na may tiyak na karapatan at hindi pawang mga "aliping namamahay" sa isang pyudal na sistemang panlipunan.
Mababasa ang kabuuang laman ng batas sa website ng Philippine Online Chronicle. Link: Republic Act 10361 - Kasambahay Law
***
Amidst painful news that I read regarding the abuse committed on our domestic workers abroad, it is heartening to read a recent news item on how a domestic helper was rescued by her own quick thinking, social networking and a government official's firm resolve to help her.
The domestic helper was locked by her employer inside their house when they went abroad. Fortunately, the domestic helper had access to the internet and was able to relay her situation to one of her Facebook friend who then posted her plight on a facebook page for residents of Alaminos, Pangasinan. The city mayor Nani Braganza immediately contacted her and coordinated with embassy officials in planning her rescue. He likewise taught her how to use Yahoo! messenger so they could communicate faster with each other for their rescue efforts.
***
Links to sites which provides a situationer on Filipino domestic workers:
Basic Facts on Philippine Domestic Workers, courtesy of SUMAPI
An Analysis of the Situation of Filipino Domestic Workers Nicole J. Sayres, courtesy of ILO