"Palad nati'y nagdaop nang minsang dumalaw ka
May hatid kang pag-asa
Init kang dumampi sa lamig at dusa
Ng pusong sa laya'y alila
Puso ko'y nabihag mo sinta
Tanggapin mo sana, sa pakikibaka tayo'y magsama
Sa pagsubok na itong dumating
Nakihati ka sa hilahil
Puso ko ay nagising, buhay kong ito giliw
Sapat ma'y kulang pa rin
Palad nati'y nagbigkis sa isang pag-aalay
Sa kapwa at sa bayan
Damhin mo ang sampintig ng pagmamahalan
Ang sigaw ay kalayaan Puso ko'y bahagi mo sinta
Tanggapin mo sana, sa kalayaan tayo'y magsama
Sa kalayaan, tayo'y magsama"
May hatid kang pag-asa
Init kang dumampi sa lamig at dusa
Ng pusong sa laya'y alila
Puso ko'y nabihag mo sinta
Tanggapin mo sana, sa pakikibaka tayo'y magsama
Sa pagsubok na itong dumating
Nakihati ka sa hilahil
Puso ko ay nagising, buhay kong ito giliw
Sapat ma'y kulang pa rin
Palad nati'y nagbigkis sa isang pag-aalay
Sa kapwa at sa bayan
Damhin mo ang sampintig ng pagmamahalan
Ang sigaw ay kalayaan Puso ko'y bahagi mo sinta
Tanggapin mo sana, sa kalayaan tayo'y magsama
Sa kalayaan, tayo'y magsama"
Isa rin sa mga mang-aawit na paborito ko ay si GLOC-9, isang makatang rapper. Narinig ko siyang kumanta noong kaarawan ng makatang manunulat at Pambansang Alagad ng Sining na si Bienvenido Lumbera. Fans na niya ako mula noon. Isa rin siyang makata na may pag-unawa sa reyalidad ng lipunang ginagalawan natin.
GLOC-('s song TULA, courtesy of Kelvin C4's upload Youtube http://youtu.be/kjsq-RQmpcA
Kapwa guro ng aking asawa sa pamantasan ang yumaong mang-aawit na si Susan Fernandez. Isa siya sa mga hinangaan kong mang-aawit dahil sa ganda ng kanyang tinig at mismong mga kantang kanyang inaawit. Isa siyang aktibistang hindi nangiming kumanta ng mga awiting naglalahad ng mga pangyayari sa bayan natin noong panahon ng batas militar. Napakinggan ko siyang kantahin ang Awit ni Canuplin sa My Brother's Moustache dati; magkahawak kamay kami ni Lex hanggang matapos ang kanta.
Susan Ferrnandez singing Awit ni Canuplin at an awards night in UP
Courtesy of Filipinowriter.com