Ang susunod na mga kuwento ay isinulat ko bilang pagkilala sa ilang inang nakilala ko sa aking paglalakbay at mga gawain. Mga totoong tao sila na nagmula sa iba't ibang lugar at iba't ibang antas ng pamumuhay. Mga ina na tulad ko rin, nangarap ng mabuting kinabukasan para sa kanilang mga anak.
May sinulid na nagdudugtong sa kanilang mga kuwento.
(1) Mommy Rose
Kahapon nagkita kami ni Mommy Rose sa kasal ng anak niya. Matagal na rin kaming di nagkita magmula nang namatay ang kamag-anak ko na naging asawa niya. Doon na siya nanirahan sa Bulacan sa bahay ng kanyang ama't ina.
Matagal na rin niyang di nakita ang kanyang mga anak. Iniwan niya ang mga ito sa pangangalaga ng kanyang asawa dahil alam niya na mas mabuti ang magiging kalagayan nila. Di siya nakapagtapos ng pag-aaral at hindi siya makahanap ng maayos na trabaho.
Alam niya sa mga taong hindi sila nagkikita, malayo na ang kalooban ng mga ito sa kanya. Tanggap niya yun at alam niyang mahirap makuha ang pagmamahal nila tulad nang dati. Marami siyang gustong sabihin sa mga anak niya; gusto niyang humingi ng patawad pero hindi niya alam kung paano. Hindi naman niya gustong pagpilitan ang sarili niya sa damdamin ng kanyang mga anak.
"Basta alam nila na narito lang ako para sa kanila", sinabi niya sa akin. Aninag ko ang lungkot ng isang inang nangungulila sa kanyang mga anak.
(3) Inay Linda
Nabasa niya sa pahayagan ang sinabi ni Editha Burgos, tungkul sa nawawala nitong anak na si Jonas. Matagal na ring hinahanap ni Editha ang bunsong anak na lalaki na dinukot sa isang kainan sa Ever Gotesco, Commonwealth. Hanggang ngayon ay wala pa ring balita tungkul kay Jonas.
Natatandaan niya tuloy ang anak niyang si Amanda.
Ilang linggo na rin mula nang umalis ito sa kanilang bahay para mag- full time sa pagtulong sa mga maralita. Hindi na niya nakausap ito bago umalis. Pinaabot na lang sa kanya ang isang sulat ng pasasalamat sa pagmamahal at pag-aaruga sa kanya.
Aktibista ang kanyang anak na babae. Pinag-aral niya ito sa isang premyadong unibersidad sa Maynila, student leader ito ng ilang samahang pang-kabataan. Matalas siyang magsulat at magsalita tungkul sa mga isyung panlipunan.
Dahil sa gobyerno rin nagtatrabaho ang kanyang asawa, pinagbawalan nila ito na sumama sa mga ganung gawain. Mapapahamak lang siya sa kanyang ginagawa.
Hanggang umalis na ang anak niya at tuluyan na ring iniwan ang pag-aaral.
Nang malaman sa sulat na maninilbihan na ang kanyang anak sa sambayanan, naiyak siya sa kalungkutan. Alam niya mula sa araw na yun, hindi na niya hawak ang buhay ng kanyang anak.
Maraming katanungang pilit niyang hinahanapan ng sagot.
Nakakain kaya ng maayos ang anak niya? Natatandaan niyang nagkaroon ito ng typhoid fever at kailangang mamalagi ng ilang araw sa ospital. Nakuha niya sa pagkain ng pagkaing tinitinda sa kalye. May maayos ba siyang tulugan? Paano kung may masamang mangyari sa kanya tulad nang nababasa niya sa ilang aktibista.
Hindi niya masabi ang agam-agam niya sa kanyang asawa na may sakit sa puso. Ang alam niya, hahanapin niya ang kanyang anak. Kahit hindi na niya makausap, basta makita lang niyang maayos ang kalagayan nito, mapapanatag na siya.
Lumipas ang mga araw. Hindi pa rin umuuwi ang kanyang anak. Marami na rin siyang pinuntahan sa paghahanap dito. Nalaman niyang may kasamahan ang kanyang anak sa pamantasan na nawala at natagpuan na lang na pinasagasaan sa riles ng tren sa Laguna. Nanlamig siya sa takot. Huwag naman ipahintulot ng Panginoon na mangyari ito sa kanyang anak na babae.
Araw-araw isinasama niya sa panalangin ang kanyang anak, na sana isang araw ay magkita sila muling mag-ina.
Kahapon nagkita kami ni Mommy Rose sa kasal ng anak niya. Matagal na rin kaming di nagkita magmula nang namatay ang kamag-anak ko na naging asawa niya. Doon na siya nanirahan sa Bulacan sa bahay ng kanyang ama't ina.
Matagal na rin niyang di nakita ang kanyang mga anak. Iniwan niya ang mga ito sa pangangalaga ng kanyang asawa dahil alam niya na mas mabuti ang magiging kalagayan nila. Di siya nakapagtapos ng pag-aaral at hindi siya makahanap ng maayos na trabaho.
Alam niya sa mga taong hindi sila nagkikita, malayo na ang kalooban ng mga ito sa kanya. Tanggap niya yun at alam niyang mahirap makuha ang pagmamahal nila tulad nang dati. Marami siyang gustong sabihin sa mga anak niya; gusto niyang humingi ng patawad pero hindi niya alam kung paano. Hindi naman niya gustong pagpilitan ang sarili niya sa damdamin ng kanyang mga anak.
"Basta alam nila na narito lang ako para sa kanila", sinabi niya sa akin. Aninag ko ang lungkot ng isang inang nangungulila sa kanyang mga anak.
(2) Ate Floring
Nakilala ko si Ate Floring sa isang pagsasanay na ibinigay ng isang samahang datirati nang tumutulong sa maralita at nasa bulnerableng sektor ng lipunan. Isang pioneer si Ate Floring sa samahang ito; matagal na siyang advocate sa karapatan ng mga kasamahan niya. Alam niya ang pinagmumulan nila, nasa ganitong trabaho rin siya dati- bilang isang sex worker.
Pinasok niya ang trabahong ito dahil wala na siyang maipakain sa kanyang anak. Bata pa siya nang mabuntis siya ng isang lalaking inakala niyang paninindigan silang dalawa ng kanilang anak. Hindi pala. Buong buhay niya inalay na lang niya sa kanyang anak. Nangarap siya na balang araw, kapag nakapagtapos na rin ang kanyang anak, hindi na siya kailangang magtrabaho, hindi na niya kailangan ang ganitong trabaho para mabuhay.
Pinagmamasdan niya ang ilang litratong kuha niya sa kanyang anak. Maingat niyang hinawakan ang mga litratong isinilid niya sa isang lumang kahon. Naroon ang isang litrato ng kuha nang ipagdiwang ang unang kaarawan ng anak niya, nang grumadweyt na siya ng elementarya, litrato nilang dalawa nang nagtapos naman siya ng high-school pati na rin nang magtapos ito ng vocational school noong nakaraang buwan.
Napagtapos na niya ang anak niya sa pag-aaral. Biglang bumagsak ang luha sa kanyang pisngi.
Nung isang araw, sa isang di pagkakaunawaan nilang mag-ina, sinigawan siya nito at sinabing, " Paano ako maniniwala sa iyo, isa kang puta. Ikinahihiya kita."
Pakiramdam niya noon, napakaliit niyang tao. Gusto niyang magsalita kaya lang walang lumalabas na salita sa kanyang bibig.
Napagtapos na niya ang anak niya sa pag-aaral. Biglang bumagsak ang luha sa kanyang pisngi.
Nung isang araw, sa isang di pagkakaunawaan nilang mag-ina, sinigawan siya nito at sinabing, " Paano ako maniniwala sa iyo, isa kang puta. Ikinahihiya kita."
Pakiramdam niya noon, napakaliit niyang tao. Gusto niyang magsalita kaya lang walang lumalabas na salita sa kanyang bibig.
(3) Inay Linda
Nabasa niya sa pahayagan ang sinabi ni Editha Burgos, tungkul sa nawawala nitong anak na si Jonas. Matagal na ring hinahanap ni Editha ang bunsong anak na lalaki na dinukot sa isang kainan sa Ever Gotesco, Commonwealth. Hanggang ngayon ay wala pa ring balita tungkul kay Jonas.
Natatandaan niya tuloy ang anak niyang si Amanda.
![]() |
Drawing by eleven years old Gina Muga |