Monday, 22 October 2012

Kasal sa Oktubre

     Kasal - isa sa mga pagkakataong nagkakasama ang mga magkapatid, magpipinsan, magkamag-anak mula sa iba't ibang sulok ng daigdig upang ipagbunyi at ipagdiwang ang  panibagong kabanata sa buhay ng isang minamahal.

   Umuwi rin kami noong Biyernes para sa kasal ng paboritong pamangkin ng asawa ko at paborito rin namin sa pamilya. Halos dalawang buwan lang ang tanda ng panganay kong anak sa kanya. Pinanganak siya ng Abril samantalang Pebrero ko naman pinanganak ang panganay ko. 

     Nung unang kita ko sa kanya pagkatapos ng maraming taon,  alam ko na maganda ang naging pagpapalaki sa kanya ng kanyang ina at ng kanyang buong pamilya. Naniniwala talaga ako sa sinabi ni Hillary Clinton na "it takes a village, to raise a child". Dahil sa pagmamahal ng kanyang ina at ng kanyang ama, lolo, lola, tiyo, tiyahin at iba pang kamag-anak, lumaki siyang mabait, mapagmahal at may magandang disposisyon sa buhay.

       Patnubayan kayo parati ng Panginoon, Apple at Arthur! Nasa panalangin namin kayong dalawa, kasama ng mga nagmamahal sa inyo.
      

A Beautiful Bride!
                                                               A Beautiful Wedding...
WebRep
currentVote
noRating
noWeight

My Favorite Post!

Remembering Nanay

                                       Photo by  Aaron Burden  from  Pexels   It was a time of disquiet then; the protest movement against t...