Ang seryeng "Pangarap" ay tungkul sa mga ordinaryong taong nakilala ko sa aking paglalakbay at pakikipagsapalaran sa buhay. Simple lang ang kanilang mga pangarap - ang isa 'y nangarap maging isang guro, ang sumunod naman ay nagnais makabalik sa pag-aaral para mabago ang kanyang nakasanayang trabaho.
(1) ABAKADA
“Gusto kong maging guro balang araw. Gusto
kong magturo ng ABAKADA sa marami pang mga bata.” – isang kabataan
Sa gulang niyang labing apat, siya na ang pinakamatanda sa klase niya sa Grade 2. Ilang beses na
rin siyang nahinto sa pag-aaral dahil malimit na walang maipangtustos ang kanyang ina dito. Ilang beses na rin siyang pinakiusapan ng kanyang ina na huminto muna para makatulong sa pag-aalaga ng iba pa niyang kapatid na bata.
Kapag umaga
tutulong siya sa pag-aayos at paghahanda ng maaring makain ng kanyang mga
kapatid. Madalas, hindi na rin siya nakakapag-almusal dahil kailangan na niyang
magmadali patungong paaralan niya na ilang kilometro rin ang layo mula sa
kanyang tahanan. Ilang beses na rin siyang nahilo sa pero hindi na niya iindain ito; pagsisikapan niyang pumasok dahil alam niya na kailangan niyang makapagtapos ng pag-aaral para
makatulong rin sa kanyang ina at mga kapatid.
(2) Janice
May pelikulang pinagbidahan si Aga Muhlach kung saan nakulong siya sa Japan dahil natagpuang nakasilid sa kanyang maleta ang ilang kilong droga. Pinadala ito ng kanyang kasintahan na pinagkatiwalaan niya.
Tulad ng papel na ginampanan ni Aga, nakulong rin si Janice, isang ina na nasa trabahong pangangalakal ng katawan. Bata pa lang siya nang pinasok niya ang ganitong trabaho. Bilang panganay na anak, iniatang sa kanyang balikat ang responsibilidad tulungan ang bawa't miyembro ng kanyang pamilya.
Nakumbinsi siya ng isang kakilalang pumunta ng Japan para maging isang entertainer. Dagdag kita sana ang kinasanayan niyang trabaho na maari niyang ilako. Tiyak na malaki ang kikitain niya doon dahil na rin sa iba pang kasamang nagpatunay dito.
Pagkatapos ng ilang buwan, ni-raid ng mga pulis ang lugar na pinagtatrabahuhan niya. Hinuli silang lahat at kinulong. Hirap na hirap ang kalooban niya noon. Hindi man lamang siya binigyan ng pagkakataong tumawag sa kanyang anak at kanyang ina. Yung nag-iisang suot niya nang siya ay nahuli ang suot-suot pa rin niya paglabas ng kulungan.
Sa tulong ng isang non-governmental organization, nakalaya siya at nakabalik na rin sa Pilipinas. Wala ni isang kusing siyang naiuwi sa kanyang pamilya. Dahil malaki pa rin ang pangangailangan ng kanyang pamilya, pinasiya niyang balikan ang dating trabaho kasama ng iba pang naging kasamahan sa kadiliman ng Ermita.
"Gusto kong mag-aral. Gusto kong magkaroon ng panibagong buhay" sabi niya sa akin. " "Kaya lang marami akong binubuhay, maraming umaasa sa akin".