Wednesday, 5 September 2012

Ilang Litratong Kuha Malapit sa Karagatan

Minsan, may mga karanasang binibitbit mo pag-uwi.
 Mga karanasan kung saan lalo mong nakikilala  ang iyong sarili, 
mga karanasan na maaring simple at payak.

Hibla, Photo by Amy Muga

Tahimik ang ihip ng hangin 
na dumaloy sa bawa't dahon ng mga halamang
 nakapalibot sa pampang. 
Kapanatagan
 sa mga pangakong binitawan sa sarili ang naramdaman
Mula sa Looban (Photo credit, Amy Muga)
Bakawan Photograph by Amy Mega


Binalikan ko ang pagsusulat, 
binabalikan ko rin ang pagguhit at pagpinta, 
pati na rin ang pagkuha ng mga litratong nagsisilbing 
ala-ala ng mga karanasan sa  aking buhay.
Dagat (photograph by Amy Muga)



Hindi na kailangang idaan sa napakaraming salita ang 
taos-pusong pasasalamat sa ganitong mga pagkakataong makapagnilay
at mabuhay.
                                                Pagbabalik    Photograph by Amy Muga

My Favorite Post!

Remembering Nanay

                                       Photo by  Aaron Burden  from  Pexels   It was a time of disquiet then; the protest movement against t...