Saturday, 26 December 2009

Pagbabalik-tanaw




Pag-asa sa Pagbangon


Pag-asa sa Pagbangon

Halos tatlong buwan na rin nakalipas mula nang dumating ang sunod-sunod na bagyong nagdulot ng nakapanlulumong baha sa Metro Manila, Bulacan at umabot pa sa mga probinsya sa Norte, kabilang na ang Pangasinan, Isabela Benguet at Mt. Province. Nakapanlulumo dahil sa bilang ng nasawi, sa dami ng napinsalang mga pananim, sa rami ng nawalan ng tahanan at nawalan ng mga mahal sa buhay. Sa panahong baha pa nga ang iba pang lugar, may panibagong bagyo pang naglubog sa mga bahay na dati nang nalubog, nagpahirap sa mga taong dati nang mahirap.
Araw ng Setyembre 26, stranded ang anak ko sa Katipunan dahil abot-baywang na ang baha sa labas ng Ateneo. Nagpasiya na siyang sumama sa ilang kamag-aral at subukang tawirin ang mababaw na bahagi ng lansangan at tumuloy sa gusaling tinitirhan ng isang kasama at doon na magpabukas. Marami ring mag-aaral at mga guro ang stranded at minabuti na ng kanilang pamantasan na doon na muna tumigil sa loob ng pamantasan.
Ang ganitong pangyayari ay naulit sa maraming bahagi ng Metro Manila – mga lansangang mabilis na binaha, mga mag-anak na napilitang magpabukas sa bubong ng kanilang mga tinitirhan, mga magulang na pilit makauwi sa kanilang mga tahanan sa gitna ng peligrong susuungin upang sagipin ang kanilang mga anak…
Nagsimula na akong maghagilap ng mga damit, mga maayos na damit pambata na maari naming ibahagi sa drop-off point sa Ateneo. Sumama kami sa re-packing ng mga damit na ibinigay para sa mga survivors sa isang NGO bukod sa pagbibigay ng pagkain para sa mga nasalanta. Namigay pa kami ng iba pang mga damit sa isa pang party-list organization. Pakiramdam ko napakaraming kailangang gawin, maraming kailangang gawin, maraming dapat pang gawin.
Sumama rin ako sa isang volunteer group na magbibigay ng psycho-social intervention sa mga nasalantang komunidad. Nakapagbigay kami ng debriefing sa mga ina sa Bagong Silangan, mga volunteer workers ng isa pang komunidad doon, mga guro at development workers sa Benguet at Mt. Province.
Marami rin akong natutunan sa sarili habang tumutulong. Pero isa sa mahalagang natutunan ko ay ang pagiging mapag-unawa sa iba at maging sa sarili sa ganitong gawain. Mahirap man, patuloy ang gawain.
Para sa bayan.

My Favorite Post!

Remembering Nanay

                                       Photo by  Aaron Burden  from  Pexels   It was a time of disquiet then; the protest movement against t...