Wednesday, 1 August 2012

Mga kanta ng buhay

   
Amy Muga's photograph, taken at Mirador Jesuit Villa Baguio City May, 2012

           May ilang kanta na sadyang nagagandahan ako dahil sa titik at pagkakalapat ng himig dito. 

           Isa dito  ay ang  Sangandaan  na  isinulat ni Pete Lacaba at isinahimig ni Ding Achacoso. Unang kinanta ito ni Pat  Castillo para pelikulang Sister Stella L. Matatagpuan ang cover na ginawa ni Noel Cabangon at ng yumaong mang-aawit na  si Susan Magno sa Youtube. Sangandaan

          Ang isa pang awit na laman ngayon ng CD player ko ay ang SANA na nilikha ni Levy Abad Jr. at kinanta ng grupong Musikangbayan. Nasa Youtube rin ang kantang ito kasama ng iba pang awitin sa CD na Rosas ng Digma.
    
   
SANA



isipan ma'y napapagod din
sa pag-iisip ng mga kataga
na magsasalarawan ng tunay
na nadarama ng puso ko


ngunit nang ika'y dumating
ang aking isipa'y biglang sumigla
ang mga titik at himig
ay tila di mapigilang agos ng batis


sana sa tuwina'y kapiling kita
sa paglikha ng mga awit ng paglaya
sana'y laging kasama kita
sa pagsasalarawan ng buhay
sana sa tuwina'y kapiling kita
sa paglikha ng mga awit ng paglaya
sana'y laging kasama kita
bigyan natin ng kulay ang buhay


dahil mithiin ay iisa
at ang katuparan nasa ating pagpapasya
ang ibig ko lamang ay narito ka
katuwang at kasama sa pagkilos


dama ko ang lumbay at saya
sa saliw ng aking gitarang dala
hatid ay pag-ibig sa bayan
na di kailanman mapapantayan


sana sa tuwina'y kapiling kita
sa paglikha ng mga awit ng paglaya
sana'y laging kasama kita
sa pagsasalarawan ng buhay
sana sa tuwina'y kapiling kita
sa paglikha ng mga awit ng paglaya
sana'y laging kasama kita
bigyan natin ng kulay ang buhay


sana sa tuwina kapiling kita.....



                             
                              

My Favorite Post!

Remembering Nanay

                                       Photo by  Aaron Burden  from  Pexels   It was a time of disquiet then; the protest movement against t...