Friday, 6 July 2012

Situationer



Litratong kuha  sa Smokey Mountains, ilang taon na ring nakalipas. Kasama ng iba pang miyembro ng Student Christian Movement of the Philippines, kinakausap ang isang nangangalahig ng basura.



Binabasa ko ang isang akdang isinulat nina Ed Villegas at Roland Simbulan tungkul sa kahirapang dinaranas ng mga manggagawa at maralitang taga-lungsod sa Kalakhang Mayanila. Matingkad na suliranin ang kakulangan ng hanapbuhay na nagdudulot ng kawalan ng kapanatagan sa maraming maralita.

Ayon sa NSCB, ang poverty incidence sa bansa ay umaabot ng 26.5% o 23.1 milyong Pilipino na kumikita na mababa sa P16, 841 sa isang taon. Ito ang kinikita ng nasa poverty line.

Yung pangangailangan ng ikabubuhay ay sinasabi na rin sa akin ng mga nakakausap ko sa isang komunidad sa Siyudad ng Quezon. Pangunahin talaga ang suliraning pampinanasiya. Pumapangalawang suliranin para sa mga inang nakausap ko ay relasyon sa loob ng tahanan, kasunod ang relasyon sa komunidad.

Totoong magdudulot ng di kapanatagan kung hindi mo alam kung saan kukuha ng kakainin sa susunod na mga araw. SA isang komunidad ng maralita malapit sa dalawang naglalakihang "mall", nariyang di na umaalis ang mga nanay na naghahandang ipaglaban ang kanilang mga tahanan sa demolition crew.  May mga rumuronda nang mga security guards sa paligid ng kanilang mga komunidad, pahirapan na rin ang pagkuha ng mag lisensiya kapag sinabing nakatira ka sa komunidad na yun.

-----------

My Favorite Post!

Remembering Nanay

                                       Photo by  Aaron Burden  from  Pexels   It was a time of disquiet then; the protest movement against t...