Pumunta ako kagabi sa burol ni Maita Gomez, isang gurong makabayan, manunulat, ekonomista, at dakilang ina ng limang anak. Isa siya sa mga kababaihang naging modelo ko nung mag-aaral pa lamang ako.
Marami rin akong nakitang pamilyar na mukha sa burol, mga nakasama sa gawain at nakakasama pa rin ngayon. Lahat ay naroon upang bigyang pugay ang ala-ala ni Maita at makiisa sa pinagdaraanan ng kanyang mga naulila.
Sana hindi lang sa ganitong mga pagkakataon kami magkita-kita.
Kapayapaan Maita. Buhay ang ala-ala mo sa amin.
***
Nakakalungkot. Wala na si Maita Gomez.
Sabi ni Anna Leah Sarabia, kaibigang matalik ni Maita, natulog si Maita pagkatapos niya kumain ng tanghalian. Ginising siya ng kanyang anak nang tumawag ang kanyang opisina. Hindi siya sumasagot at nang buksan ang kanyang kuarto, patay na siya.
Marami rin akong nakitang pamilyar na mukha sa burol, mga nakasama sa gawain at nakakasama pa rin ngayon. Lahat ay naroon upang bigyang pugay ang ala-ala ni Maita at makiisa sa pinagdaraanan ng kanyang mga naulila.
Sana hindi lang sa ganitong mga pagkakataon kami magkita-kita.
Kapayapaan Maita. Buhay ang ala-ala mo sa amin.
***
Narito ang isang artikulo ng mamamahayag na si Ellen Tordesillas tungkul kay Maita Gomez. Salamat Ms Ellen sa napakaganda mong isinulat.
Ang kagandahan ni Maita Gomez
Pumanaw si Maita habang siya ay natutulog Huwebes ng hapon, habang ang buong bansa ay namimighati sa pagkamatay ni Dolphy.
From Ellen Tordesilla's article, Ang Kagandahan ni Maita Gomez |
Napaka-payapa ng kanyang pagpanaw.Sabi nga namin ni Human Rights Commissioner Etta Rosales nang magkita kami sa burol ni Maita,kung pwede lang sana hilingin kay Lord, ganun na rin niya kami kukunin.
Nakakatuwa nga kung isipin ang buhay ni Maita na laki sa mayamang pamilya, kolehiyala, naging model, beauty queen, na naging amazona.
Nag-aral si Maita ng medisina sa University of the Philippines. Siguro doon umigting ang kanyang pagka-mulat sa hindi makatarungan na pamamalakad ng pamahalaan at ang maaring papel na gampanan ng bawat mamamayan.
Namundok siya nang maiinit na ang mata ng military sa kanya. Sumali siya sa New People’s Army. Hindi lang ako sigurado kung ito ay nangyari bago idineklara ni dating Pangulong Marcos ang Martial Law.
Doon sa kanyang burol, nandun si Melissa, ang pinakamatanda nyang anak na kasingganda niya. Sumubok mag-artista noon si Melissa ngunit hindi tumagal.
May mga ilan na nagkwento kay Melissa na tumira silang mag-ina sa kanila nang nagtatago pa sila sa military.
Ang pagka-alam ko nagkasakit si Maita sa bundok at nabalitaan ko na lang na nahuli siya.
Ang una kung trabaho dito sa Manila ay sa isang fashion magazine, Style. Modelo pa lang si Maita noon at talagang lutang siya sa mga fashion show. Mataas kasi siya, payat at talagang maganda kumilos.
Nang bumalik siya mula sa bundok, sa mga rally at sa mga seryosong forum ko na siya naku-kuberan.
Simple lang siya. Walang yabang, walang arte. Makabuluhan ang mga sinasabi.
Naala-ala ko noong 2010 na kampanya, nagkita kami sa isang restaurant sa Batangas. Papunta akong Batangas city para mag-cover ng political rally ng Liberal party na si Noynoy Aquino ang tumatakbong presidente.
Siya naman, papuntang sa ibang bayan ng Batangas at nanga-ngampanya para kay Satur Ocampo na tumatakbo noon bilang senador sa tiket ng Nacionalista Party na ang kandidatong presidente naman ay si Manny Villar.
Kung personal lang ang kanyang ini-isip, hindi na sana naging aktibista si Maita. Mayaman ang kanyang pamilya. Pamilyang Favis ang kanyang ina at Gomez ang kanyang tatay. Nakapag-asawa muna si Maita ng isang Perez-Rubio bago siya namundok. Nang bumalik na siya mula sa bundok, nag-asawa siya kay Heber Bartolome, singer-composer.
Hanggang sa huli ng kanyang buhay, aktibo si Maita sa pagpabuti ng kabuhayan ng mga Pilipino na nasa kanayunan, lalo na ng mga kababaihan.
Ang kagandahan ni Maita ay hindi lamang panlabas. Pati ang kanyang kalooban.
Ipagpatuloy natin ang mga itinuro, ibinahagi at isinakripisyo ni Maita. Matutuwa yan siya habang tinitingnan niya tayo mula sa itaas.