Sunday, 8 July 2012

Ina





Photograph by Amy Muga

Sa maraming pagkakataon, nagsilbi akong chronicler o historyador sa buhay ng mga anak ko. Kumukuha ako ng mga litrato (litratista!), inilalarawan ang kanilang paglaki sa  sa aking diary, nagsisilbing guro, advocate o cheerleader, drayber, coach o tigapayo at marami pang iba.

Story-teller rin nila ako. Kinukwentuhan ko sila ng mga istorya tungkul sa mga tao at mga pangyayaring   maari nilang  paghalawan ng mga aral sa buhay. Kasama rin dito ang  kasaysayan ng bayan natin, dahil napansin kong di nagiging matingkad ang talakayan sa librong binabasa nila sa paaralan.

Ginagawa ko ang ginagawa na rin ng maraming ina. Yun nga lang, hindi ako ang nanay na magtatagal sa kusina upang magluto kahit gusto ko ring gawin ito. Pinapasimple ko lang ang maraming gawaing-bahay para mas maraming panahon akong magugol sa kanila at sa aking gawain.

Ginagawa ko ang aking makakaya para naroon ang presensiya ko sa lahat ng mahahalagang bahagi ng buhay nila, kahit alam kong hindi sa lahat ng pagkakataon matutugunan ko ang mga ito.

Hindi maaring naroon ako sa kanilang tabi sa lahat ng araw na haharapin nila ang mga pagkakataong mahirap at puno ng hamon. Naroong madadapa sila, babangon at matututo dito.

Pero sige, sa pagiging ina na pinagmamalaki ang kanyang mga anak, na naghahangad ng lahat ng mabuti para sa kanyang anak, ako na yun.

Sabi nga ng isang kaibigan matapos niya makita ang isang video na kuha sa choral recitation ng bunso ko, "O proud mama ka 'no?"

Ay oo, proud nanay, inang nagmamahal.

Video na kuha kay bunso:



My Favorite Post!

Remembering Nanay

                                       Photo by  Aaron Burden  from  Pexels   It was a time of disquiet then; the protest movement against t...