Saturday, 28 February 2009

Amiel


Noong Martes, Pebrero 24, isang napakalungkot na trahedya ang kumitil sa buhay ng isang batang 10 taong gulang na si Amiel Alcantara. Naatrasan siya ng sasakyang minaneho ng isang ina na naghihintay rin sa pagdating ng kanyang anak.

Halos lahat ng makausap kong magulangay nalungkot sa pangyayari. Pumunta ako sa burol ng bata sa chapel ng Ateneo grade school at duon ako nagkaroon ng pagkakataong makiramay sa mga naiwan ni Amiel. Naiyak ako ng kausap ko na ang kanyang ina. Minsan hindi talaga masasabi ang lahat ng gusto mong sabihin sa mga pagkakataong ito. Napaiyak na ako ng kausapin ko siya.

Mararamdaman mo ang bigkis ng pagdalamhati ng  pamayanan ng Ateneo pati sa lahat ng naapektuhan ng pangyayaring ito. Mararamdaman mo ito sa pagitan ng mga magulang na nag-uusap, mga batang nag-aalay ng bulaklak at dasal, mga ordinaryong taong nanghihinayang at nalulungkot sa pangyayari.

Nasa panalangin ko rin ang mga anak na bata ng inang nakasagasa kay Amiel. Kapwa mga batang-mag-aaral rin sila ng Ateneo at mga biktima rin ng isang pangyayaring nakakalungkot.
WebRep
currentVote
noRating
noWeight

My Favorite Post!

Remembering Nanay

                                       Photo by  Aaron Burden  from  Pexels   It was a time of disquiet then; the protest movement against t...