Google Translate the Entire Blog

Monday, 23 January 2017

Sulat ng Isang Kapatid




Kapatid ko, 

   Mahigit isang taon at kalahati mula nang nabasa ko sulat mo. Naiyak ako dito. Naidugtong mo para sa akin ang  pinagdaanan ninyo ng Nanay, bunga ng aking pag-alis sa tahanan natin.

     Noon, pinagdasal ko na sana'y huwag na ninyo ako hanapin dahil mailalagay lang ako sa alanganin. Kasabay nang pag-full time ko sa kilusan ay pagkatagpo ng labi ng isang kabigan na sadyang pinahirapan at inilagay sa riles ng tren sa Laguna. Di ko na nakuhang tumawag sa iyo upang mangamusta. Maraming beses na gusto kong tawagan at kumustahin kayo, kaya lang di ko magawa. Nasa isipan ko kayo tuwing gabi na napagmamasdan ko ang langit na walang bituin.

    Namangha ako sa tapang ninyo ng nanay. Naikuwento na rin niya sa akin ang pagpunta ninyo sa isang gusali sa Sta. Mesa kung saan. Mabuti na lamang at walang nangyaring di maganda sa inyo noon. Hindi ko siguro mapapatawad ang sarili ko kung nagkaganoon.  

(itutuloy)

Nagmamahal,

A




No comments:

Post a Comment

My Comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...