Google Translate the Entire Blog

Saturday, 18 June 2016

mga ama't mga ina sa isang linggo ng hunyo

tula ni Amy Muga

(para sa mga napaslang sa Orlando, Florida)

narinig ko ang hiyaw ng
mga luhang umagos
sa bayan ng mga bulaklak,
pawang karayom na tumutusok
sa bawa’t hibla ng kalamnan
ang mga salitang nabasa
sa mensaheng padala ng mga anak.
di mailarawan damdaming bumalot
sa marami pang ina at amang
naghintay at nanalangin sa kanilang Poon,
pagkatapos mabasa ang mga salita
ng pamamaalam at pagmamahal,
mula sa mga anak na inagaw ng
matalim na pangil ng gatilyo
isang linggo sa buwan ng hunyo.
narinig ko ang dagundong ng mga pusong
humihiyaw sa pagtangis
magmula sa maraming ina at ama

sa maraming bayan.


-

No comments:

Post a Comment

My Comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...