Google Translate the Entire Blog

Thursday, 24 December 2015

Christmas in our Hearts (A 2015 Photo Journal)

I am thankful for loved ones and friends who 
have journeyed with me through times
of joy and times of difficulty...




for the gift of kindness, compassion
and inspiring conversations
from mentors such as Fr. Ted Gonzales SJ, 
Fr. Ruben Tanseco, SJ,Fr. James Gascon SJ
and many others...







.
...of the times I was able to visit places I've
treasured in the deep recesses of my heart
such as the Walled City of Intramuros in Manila....

                                                       
                 .
                 



     ...for the times I was stucked in traffic and learned once more
        about patience while witnessing the fortitude of ordinary
        people waiting for jeepneys and vehicles to carry them home;
                                   
                                   
              ... and for those enjoyable times with colleagues and friends
                 and for the time I played the role of a kick-ass leader of
                 the Philippine revolution;


              ...for the opportunity to pass by old familiar places from
                 my childhood, such as Luneta where a giant flagpole a
                 and the "photobomber" building now hovers with every
                 photograph taken of the Rizal monument...



                    I am thankful for the opportunity to listen to lovely
                    Christmas songs free over Spotify and Youtube,
                    to sing these songs, such as my favorite Adeste
                    Fidelis. at the Christmas eve mass at the Church of the
                    Gesu, to laugh at the JEDI jokes of Fr. Jett Villarin, SJ
                    and reflect on the challenges he presented to ordinary
                    individuals carrying heavy loads in their life...
           


I am thankful to be able to pray and serve the Lord with all my heart:

Salamat, Panginoon sa pagtanglaw
sa aming daanan at sa lahat ng
mga pagkakataong ibinigay
Mo upang pagsilbihan Ka
at pagsibihan ang aming
kapawa.











Thursday, 17 December 2015

Isang Kuwentong Pambata ngayong Pasko

  May isang kuwentong pambata na naalala ko ngayong malapit nang sumapit ang Pasko.

   Kuwento ito ng isang batang maralita na nakatira sa isang malayong bayan sa hilaga. Nagtitinda siya ng posporo sa lansangang nababalutan ng niyebe. Ginaw na ginaw siya sa lamig ng kanyang paligid; kumakalam na rin ang kanyang sikmura sa gutom. Gusto na niyang umuwi sa kanilang tahanan, kaya lang hindi pa ubos ang kanyang paninda. Natatakot siyang masaktan muli ng kanyang ama. Nagsindi na lang siya ng ilang posporong maaring magbigay ng ginhawa sa nanunuot na lamig na kanyang nararamdaman. 

   'Mahiwaga' ang nangyari pagkatapos niyang sindihan ang unang posporo, dahil lumitaw sa isang iglap, ang isang mesang punong-puno ng masarap na mga pagkain- ubas, peras, mansanas, mga matamis na tinapay na inaasam niyang matikman. 

   Noon pa man, sinasabi niya sa sarili, magsisipag siya sa pagtitinda ng posporo at mag-iipon para makapag-aral. Balang araw, makakakain rin siya ng masarap na mga pagkaing nakikita niya sa mga tindahan at kainan. 

  Minsan napadaan siya sa labas ng ilang tahanang napapalamutian ng makikintab na dekorasyon at kumukutitap na ilaw, Nasilip niya ang mga batang kasalo ng kanilang mga magulang sa pagkain. Manghang-mangha siya kapag nakikita niya ang mga mag-anak na masaya at nagmamahalan. Sana, sabi niya sa kanyang sarili, maramdaman rin niya ang pagmamahal ng kanyang ama. 

   Habang naiisip niya ang mga ito, bigla na lang naglaho ang mesang may laman ng pagkain sa kanyang harapan. Naubos na pala ang posporong sinindihan niya. Nagsindi siya ng isa pang posporo. Nakita niya ang isang silid na may mesang punong-puno ng pagkain. Naroon rin ang kanyang lola na matagal nang namayapa. Buong pagmamahal siyang yinakap nito. Naiiyak naman niyang yinakap ito ng mahigpit. Matagal na siyang nangungulila sa kanyang lola; inaruga at ipinagtanggol siya nito pagkatapos mamatay ang kanyang ina. Sa kanya niya naramdaman ang tunay na pagmamahal at paniniwala sa kanyang kakayanan. 

   Hindi na niya namalayan na huling posporo na rin ang nasindihan niya. Sa pagkaubos ng sindi nito, tuluyan na ring naglaho sa kanyang paningin ang kanyang lola, pati na rin ang magandang silid na may mesang punong-puno ng pagkain. 

   Natagpuan kinabukasan ang batang nagtitinda ng posporo, na namatay bunga ng lamig na dulot ng niyebe.

   Nalungkot ako noong una kong mabasa ang kuwentong ito, na orihinal na akda ng kuwentistang pambata na si Hans Christian Andersen. Maraming mga bata ang nakararanas ng hirap at gutom, maaring mula pa nang pinagbubuntis sila ng kanilang mga ina. 


   Sa maraming pamayanan, madalas na napipilitang magtrabaho ang maraming mga bata kahit sa kanilang murang edad. Maraming umaalis sa pag-aaral dahil kailangan nilang tumulong sa kanilang mga magulang sa paghahanap ng ikabubuhay. Mapipilitan ang mga magulang mag-desisyong alisin ang kanilang mga anak sa pag-aaral dahil kulang ang pantustos sa kanilang pag-aaral. Ginagagawang dahilan rin ang kapurulan ng pag-iisip ng kanilang mga anak; balewala raw na ipagpatuloy nila ang pag-aaral.Nakaligtaan na malaki ang epekto ng kakulangan ng masustansiyang pagkain sa talinong maaring magdala ng tagumpay sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Maraming mga batang pumapasok sa paaralan na kumakalam ang sikmura. 

   Marami ring mga bata ang nakararanas ng pananakit sa kani-kanilang mga tahanan. Dahil sa hirap ng buhay, bunga na rin ng sistemang panlipunang kinapapalooban nila, maraming mga magulang ang nawawalan na ng panahon para mag-aruga, gabayan at iparamdam ang pagmamahal na kailangan ng kanilang mga anak. Mas madali tuloy nahihimok ang maraming kabataan na sumama sa mga gawaing naglalagay sa kanila sa panganib at pang-aabuso.

   Malaking bagay ang magagawa ng pamayanan o mga taong nagmamahal at naniniwala sa kakayanan ng bawa't batang dumaraan sa mahirap na mga karanasan. Tulad ng lang ng lola sa kuwento ni Hans Christian Andersen na nagpamalas ng taos-pusong pagmamahal sa kanyang apo. Maaring ito rin ang dahilan kung bakit hindi nawalan ng pag-asa ang batang nagtitinda ng posporo sa lansangang nabalutan ng niyebe isang gabi ng Disyembre.



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...