Isa sa mga lugar na dinadayo ngayon ng maraming turista sa ating bayan, lokal man na residente o dayo na katulad namin ng aking anak, ay ang Sitio Pungayan na nasa ibabaw ng Bundok Kabuyao, pangalawang pinakamatayog na bundok sa lalawigan ng Benguet.Mas kilala na ang Sitio Pungayan bilang "La Presa," ang sityong kathang-isip ng teleseryeng "Forevermore."
![]() |
"Red jeep" photograph of Amy Muga, 2015 |
Mahirap akyatin ang bundok, pero nagpatuloy kami ng aking anak. Tumigil
kami sa bahaging tahimik at payapa na
nakayanan naming akyatin. Dito namin pinagmasdan ang ganda
at lawak ng paligid na bumabalot sa pamayanan ng Sityo Pungayan. Natanaw namin
ang siyudad sa ilalim, ang libo-libong mga puno at halaman sa kabundukang
binabakuran ng kalangitan.
Naroon Siya sa bawa’t hakbang namin ng aking anak pag-akyat ng Bundok Kabuyao at pagbaba namin sa paanan nito. Naroon Siya sa lahat ng mga taong nakasalamuha namin, sa mga taong nakasama sa paglalakad at pag-akyat, mga kapwa turistang kumukuha ng selfie, groupie at iba't ibang litrato sa paligid. Naroon ang Panginoon sa bawa't taong dumayo dito upang makalimot sa kanilang nakaraan o ipagbunyi ang kanilang tagumpay.
![]() |
"Pananim" photograph of Amy Muga, 2015 |
15 comments:
Ang ganda! Sana makapunta din kami nang pamilya at mga kaibigan namin dyan! :D
Salamat, Renz!
aw, what a nice experience and a truly beautiful place!
wow great scenery!
Indeed, precious scnery, TR :)
I have not been to La presa. seeing how nice it is now on your blog, i wish i could visit it someday.
Priceless gift from Maykapal! One great reason to give thanks :)
Yung officemate ko, she kept on talking about La presa and forevermore. Kala ko tuloy may forever, este la presa eh kathang isip lang pala yun? Hehehe. Sana, in time, makapunta din ako jan =)
Ang ganda naman dito, hopefully madala ko din dito pamilya ko :)
Sayang di ako nakakapanuod ng Forevermore kaya di ako makarelate. Pero ang ganda nga ng lugar. Meron na akong rason para balikan ang Benguet.
xoxo
MrsMartinez
What a scenery! Ang tagal ko ng hindi nakakabalik sa Baguio :(
Wow! La Presa :) Wishing I can go hiking with my family :)
The place is awesome! I would like to see the beauty of La Presa, too, up close and personal.
Nag-Baguio kami last January pero hindi namin napuntahan ang "La Presa". Di bale sa susunod na punta na lang namin ng Baguio.
wonderful place... you have captured the beauty of it. thanks for iing us a virtual tour.
Post a Comment