Google Translate the Entire Blog

Thursday, 24 December 2015

Christmas in our Hearts (A 2015 Photo Journal)

I am thankful for loved ones and friends who 
have journeyed with me through times
of joy and times of difficulty...




for the gift of kindness, compassion
and inspiring conversations
from mentors such as Fr. Ted Gonzales SJ, 
Fr. Ruben Tanseco, SJ,Fr. James Gascon SJ
and many others...







.
...of the times I was able to visit places I've
treasured in the deep recesses of my heart
such as the Walled City of Intramuros in Manila....

                                                       
                 .
                 



     ...for the times I was stucked in traffic and learned once more
        about patience while witnessing the fortitude of ordinary
        people waiting for jeepneys and vehicles to carry them home;
                                   
                                   
              ... and for those enjoyable times with colleagues and friends
                 and for the time I played the role of a kick-ass leader of
                 the Philippine revolution;


              ...for the opportunity to pass by old familiar places from
                 my childhood, such as Luneta where a giant flagpole a
                 and the "photobomber" building now hovers with every
                 photograph taken of the Rizal monument...



                    I am thankful for the opportunity to listen to lovely
                    Christmas songs free over Spotify and Youtube,
                    to sing these songs, such as my favorite Adeste
                    Fidelis. at the Christmas eve mass at the Church of the
                    Gesu, to laugh at the JEDI jokes of Fr. Jett Villarin, SJ
                    and reflect on the challenges he presented to ordinary
                    individuals carrying heavy loads in their life...
           


I am thankful to be able to pray and serve the Lord with all my heart:

Salamat, Panginoon sa pagtanglaw
sa aming daanan at sa lahat ng
mga pagkakataong ibinigay
Mo upang pagsilbihan Ka
at pagsibihan ang aming
kapawa.











Thursday, 17 December 2015

Isang Kuwentong Pambata ngayong Pasko

  May isang kuwentong pambata na naalala ko ngayong malapit nang sumapit ang Pasko.

   Kuwento ito ng isang batang maralita na nakatira sa isang malayong bayan sa hilaga. Nagtitinda siya ng posporo sa lansangang nababalutan ng niyebe. Ginaw na ginaw siya sa lamig ng kanyang paligid; kumakalam na rin ang kanyang sikmura sa gutom. Gusto na niyang umuwi sa kanilang tahanan, kaya lang hindi pa ubos ang kanyang paninda. Natatakot siyang masaktan muli ng kanyang ama. Nagsindi na lang siya ng ilang posporong maaring magbigay ng ginhawa sa nanunuot na lamig na kanyang nararamdaman. 

   'Mahiwaga' ang nangyari pagkatapos niyang sindihan ang unang posporo, dahil lumitaw sa isang iglap, ang isang mesang punong-puno ng masarap na mga pagkain- ubas, peras, mansanas, mga matamis na tinapay na inaasam niyang matikman. 

   Noon pa man, sinasabi niya sa sarili, magsisipag siya sa pagtitinda ng posporo at mag-iipon para makapag-aral. Balang araw, makakakain rin siya ng masarap na mga pagkaing nakikita niya sa mga tindahan at kainan. 

  Minsan napadaan siya sa labas ng ilang tahanang napapalamutian ng makikintab na dekorasyon at kumukutitap na ilaw, Nasilip niya ang mga batang kasalo ng kanilang mga magulang sa pagkain. Manghang-mangha siya kapag nakikita niya ang mga mag-anak na masaya at nagmamahalan. Sana, sabi niya sa kanyang sarili, maramdaman rin niya ang pagmamahal ng kanyang ama. 

   Habang naiisip niya ang mga ito, bigla na lang naglaho ang mesang may laman ng pagkain sa kanyang harapan. Naubos na pala ang posporong sinindihan niya. Nagsindi siya ng isa pang posporo. Nakita niya ang isang silid na may mesang punong-puno ng pagkain. Naroon rin ang kanyang lola na matagal nang namayapa. Buong pagmamahal siyang yinakap nito. Naiiyak naman niyang yinakap ito ng mahigpit. Matagal na siyang nangungulila sa kanyang lola; inaruga at ipinagtanggol siya nito pagkatapos mamatay ang kanyang ina. Sa kanya niya naramdaman ang tunay na pagmamahal at paniniwala sa kanyang kakayanan. 

   Hindi na niya namalayan na huling posporo na rin ang nasindihan niya. Sa pagkaubos ng sindi nito, tuluyan na ring naglaho sa kanyang paningin ang kanyang lola, pati na rin ang magandang silid na may mesang punong-puno ng pagkain. 

   Natagpuan kinabukasan ang batang nagtitinda ng posporo, na namatay bunga ng lamig na dulot ng niyebe.

   Nalungkot ako noong una kong mabasa ang kuwentong ito, na orihinal na akda ng kuwentistang pambata na si Hans Christian Andersen. Maraming mga bata ang nakararanas ng hirap at gutom, maaring mula pa nang pinagbubuntis sila ng kanilang mga ina. 


   Sa maraming pamayanan, madalas na napipilitang magtrabaho ang maraming mga bata kahit sa kanilang murang edad. Maraming umaalis sa pag-aaral dahil kailangan nilang tumulong sa kanilang mga magulang sa paghahanap ng ikabubuhay. Mapipilitan ang mga magulang mag-desisyong alisin ang kanilang mga anak sa pag-aaral dahil kulang ang pantustos sa kanilang pag-aaral. Ginagagawang dahilan rin ang kapurulan ng pag-iisip ng kanilang mga anak; balewala raw na ipagpatuloy nila ang pag-aaral.Nakaligtaan na malaki ang epekto ng kakulangan ng masustansiyang pagkain sa talinong maaring magdala ng tagumpay sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Maraming mga batang pumapasok sa paaralan na kumakalam ang sikmura. 

   Marami ring mga bata ang nakararanas ng pananakit sa kani-kanilang mga tahanan. Dahil sa hirap ng buhay, bunga na rin ng sistemang panlipunang kinapapalooban nila, maraming mga magulang ang nawawalan na ng panahon para mag-aruga, gabayan at iparamdam ang pagmamahal na kailangan ng kanilang mga anak. Mas madali tuloy nahihimok ang maraming kabataan na sumama sa mga gawaing naglalagay sa kanila sa panganib at pang-aabuso.

   Malaking bagay ang magagawa ng pamayanan o mga taong nagmamahal at naniniwala sa kakayanan ng bawa't batang dumaraan sa mahirap na mga karanasan. Tulad ng lang ng lola sa kuwento ni Hans Christian Andersen na nagpamalas ng taos-pusong pagmamahal sa kanyang apo. Maaring ito rin ang dahilan kung bakit hindi nawalan ng pag-asa ang batang nagtitinda ng posporo sa lansangang nabalutan ng niyebe isang gabi ng Disyembre.



Sunday, 29 November 2015

Ang Batang Naghanap ng Mabuti at Nakatagpo ng Totoo

                                                                   
(An Excerpt from Amy Muga's short story)


Sa maraming pagkakataon, may mga karanasan na nagiging mitsa sa pagpili ng daang tatahakin sa buhay. Natatandaan ko ang pagkakataong nabisita ko ang isang bata at kanyang mga kaanak sa isang komunidad ng maralitang tagalungsod sa siyudad ng Quezon. Mahirap ang pinagdaanan nilang mag-anak, masaklap ang pinagdaanang karanasan ng bata. Kung tutuusin, nangyayari na rin sa maraming tahanan ang nangyari sa bata; naipalabas na sa maraming dulang pantelebisyon ang mga kuwentong katulad ng karanasan niya. Hindi ko ikinagulat ang pangyayari. Iba lang talaga ang dating kung mismo nakasama at nakausap mo ang mga taong maghaharap sa iyo ng realidad ng nangyayari sa loob ng maraming tahanan sa ating lipunan. 

Photograph of Amy Muga


Nakilala ko si Etoy, isang batang masayahin at malambing. Naroon ang ngiti niya para sa sino mang bibisita sa kanilang tahanan. Maaga siyang gumigising papuntang paaralan; hindi na siya kailangang gisingin  ng kanyang ina para maghilamos at magbihis ng nag-iisang pares ng uniporme na sinikap niyang panatilihing malinis. Minsan, nagbabaon na lang siya ng itlog o pandesal na pantawid-gutom niya hanggang tanghalian. Ayaw niyang mahuli sa kanyang klase, gustong-gusto niyang matuto at maging matalino katulad ng ilan sa kanyang mga kaklase. Bilin ng ina niya sa kanya, kailangang magtiyaga siya sa pag-aaral at matututunan rin niya sa kalaunan ang itinuro ng kanilang guro. 

Pagkatapos ng kanyang klase, magmamadali na siyang umuwi  para magbihis ng kanyang t-shirt na pambahay. Uubusin na niya ang iniwang ulam at kanin sa mesa sa sobrang gutom niya. Pagkatapos nito, makikipaglaro siya sa kanyang mga kaibigan ng tumbang preso. Karamihan sa kanila ay tumigil na rin sa pag-aaral dahil sa kahirapan. Bago dumilim ang langit, uuwi na siya  sa bahay, maghihilamos  at magsasaing ng bigas na sapat lang para sa kanilang dalawa ng kanyang ina. Gagawin niya ang kanyang takdang aralin habang hinhintay niya ang kanyang ina. Maraming beses na nakatulog na siya sa paghihintay; magigising na lang siya na nakahiga  sa banig na inilatag ng kanyang ina kanilang papag. Binuhat na pala siya ng kanyang ina nang dumating ito galing sa trabaho.


Wala siyang kinilalang ama.  Hindi naman sa hinanap niya ito dahil pakiramdam niya kumpleto na silang dalawa ng kanyang ina. Nabibisita rin siya paminsan-minsan ng kanyang lolo at lola. Yun nga lang, kapag may school activity, nakikita niya ang kanyang mga kaklaseng akay-akay ng kanilang ama't ina. Pawang may kirot sa kanyang puso kapag nakikita niyang kumpleto ang pamilya ng kanyang mga kaklase samantalang kadalasan ay wala rin siyang makasama sa paaralan.

Isang araw, umuwi ang kanyang ina na may kasama galing sa trabaho. Dun na raw titira ang kanyang Tiyo Domeng, sabi ng kanyang ina. Yinakap niya ito ng mahipit at yinakap rin naman siya pabalik. Alam niya, hindi na malulungkot ang kanyang ina. Kumpleto na rin sila sa pamilya tulad na lang ng nababasa niya sa aklat nila sa paaralan - may tatay, may nanay, may mga anak, may lolo, may lola.

Masayahin ang kanyang Tiyo Domeng. Nakikipaglaro rin ng taguan sa kanya, minsan nahahatid rin siya sa paaralan. Pinagmamalaki nga niya ito sa kanyang mga kaklase. Meron na rin siyang ama, sabi niya sa sarili. Hindi na siya tutuksuin ng kanyang mga kaibigan.

Makulay na ang mundo para kay Etoy. Teknikolor, sabi niya sa sarili. Totoo naman palang sinasagot ng Diyos ang mga panalangin. Kita naman niya ang ngiti ng kanyang ina tuwing umuuwi siya, natatawa siya sa kanyang Tiyo Domeng kapag tutok na tutok sa panonood ng Aldub tuwing Eat Bulaga.

Minsan, naging takdang-aralin sa kanyang klase ang sumulat tungkol sa mga taong modelo para sa kanila, mga taong mabuti, mga taong gugustuhin nilang gayahin sa kanilang paglaki.  Hindi siya nag-atubiling sabihin, gusto niyang maging Tiyo Domeng niya, matipuno ang katawan, masayahin, nakakasama niya sa bahay, seryoso tuwing nag-uusap sila ng kanyang ina. Kapag may pamilya na rin siya, gugustuhin niyang maging isang Tiyo Domeng, bilang matibay na haligi ng tahanan.


Nagmadali siyang umuwi galing paaralan. Bakasyon na rin nila sa Lunes, kaya mahaba-habang panahon ang maaring ilaan sa paglalaro. Ibabalita rin niya sa kanyang ina ang nakuha niyang marka. Tiyak na matutuwa yun. Balak niyang sorpresahin ang kanyang ina't amain, kaya umuwi siya nang mas maaga sa dati.

Wednesday, 25 November 2015

Bahaghari

Isinulat ko ito para sa matalik kong kaibigan at para sa lahat ng kalakbay sa buhay. - Amy Muga

Photograph of Amy Muga


kuwentuhan mo ako ng bahaghari,
liwanag pagkatapos ng kadiliman,
pagbangon sa gitna ng kagipitan,
pag-asang dadalhin sa kinabukasan.

kuwentuhan mo ako ng mga tala,
mga pangarap na minimithing makamtan,
mga pangako sa sariling binitawan,
mga mahal sa buhay na pinaglalaban.

kuwentuhan mo ako ng iyong karanasan,
aral mula sa mahirap na nakaraan,
mga inasahan pero hindi naramdaman
nagsilbing pilat na nagpalumo ng kalooban.


Old photograph, Kausap namin ang  isang mangangalahig ng basura sa Smokey Mountains
Student Christian Movement of the Philippines
kuwentuhan mo ako kung paano pinasan,
paghihirap ng puso't kabiguan,
saan kumapit sa panahong mahirap
anong pinanghawakan, paano nakipaglaban.

kuwentuhan mo ako ng pagmamahal,
pag-ibig na sadyang ipinaglaban,
pagmamahal na nakasandig sa katotohanan,

kailanma'y 'di pinasa sa kapalaran.
















Wednesday, 18 November 2015

MAGIS

     Many years ago, I remember a kind, old priest warmly greeting me and my five year old daughter inside a center I would soon consider to be my second home at the Ateneo.The kind priest, it turned out, was none other than Fr. Ruben Tanseco, SJ, founder of the Center for Family Ministries, the Marriage Encounter Foundation of the Philippines and many other programs for building and strengthening families.

     He has been a mentor and a guide for many of us in CEFAM. I learned so much from him and many others who I've journeyed with through the years, who have lived their lives in Magis, doing more for the least of their neighbors. 

Bless you, Fr. Ruben SJ :) I wish you  joyful days, filled with kindness and hope for your  birthday.









Sunday, 18 October 2015

Tribute

I wrote this account of our psychosocial activity with church and community workers living in many communities in the province of Antique, one of the provinces severely by Typhoon Haiyan/Yolanda in 2013.

I am reposting this as a tribute to the compassion and determination of these people, who despite their impoverished conditions, continued to find ways to help others in their community.


Reflections on A Faith Community's Collective Journey After Typhoon Haiyan

During the last quarter of 2013, the Philippines has been made more vulnerable by  disasters that hit the Visayas region. Majority of the provinces affected by two consecutive calamities belong to the poorest of the poor provinces. In October 2013, the province of Bohol and several communities of Cebu were rocked by an intensity 7.2 earthquake which  devastated homes and centuries-old churches and infrastructures. On the first week of November, a category 5 typhoon, codenamed Yolanda/Haiyan hit provinces in the Eastern and Western Visayas, flattening the city of Tacloban and other municipalities of Leyte, pummeling communities in Samar and destroying homes and precious crops in the Panay peninsula.
  
The typhoon severely damaged many homes in several communities of Antique.The municipalities  of Tibiao, Barbasa, Laua-an, Bugasong, Sebaste,Pandan, Libertad and Caluya were severely affected. 

Homes made of light materials were destroyed by the strong winds, soon 
to be harvested crops were uprooted and laid to waste. For so many days after the storm, communication lines were down and there was total black-out in these areas. The people subsisted on available root crops because there were no other food left. In their impoverished communities, where their livelihood centered on fishing, farming and growing food for consumption, finding alternative livelihood after the devastation proved doubly difficult. Many establishments closed down for an indefinite period of time. It was during a sharing activity with faith community workers, in the last week of January 2014, where I learned more about the hope and determination of ordinary people living in the communities hit by the storm in Antique.

                                             ***

Together with a group of volunteers in an activity sponsored by a church organization, I facilitated a  psychosocial activity for a group of faith community workers living in marginalized communities of Antique. A number of the participants to the activity lived  in a farming community  at the foot of Mt. Madia-as, the tallest mountain in the Panay peninsula. Some traveled on foot to reach the designated area where they could have respite and be able to share their personal narrative to the community. 
They are faith community workers  who continued to reach out to other members of their community even while they themselves experienced fear and anxiety from the devastation they witnessed.  
(Photograph of Amy Muga, 2014)

One by one, they shared the stories they have carried in their hearts-stories of collective pain and struggle, stories of their hopes and dreams. Each of them shared the stories which they are comfortable in sharing with their group. 

One faith community worker shared that she did not expect that the storm shall surpass Typhoon Frank, which is the strongest to hit their community. Her family has prepared for it; they pruned the trees surrounding their home, stocked on wood to use in the event of electric power failure, covered their humble furniture with plastic sheets and kept tuned in their local radio station for updates on the storm’s path. She steeled herself when the storm was ravaging their surrounding by praying and singing church hymns. 
A church worker related that while she was still fearful for her family after the storm, she decided to continue reaching out to other members of her community. Two community elders  shared how their faith and the  presence of their family members provided them strength and resolve to survive the storm. 

    
(Photograph of Amy Muga, 2014)
The participants are ordinary individuals, already living in the peripheries of society, marginalized and rendered more vulnerable because of the disaster that wiped out homes and schools. Their faith community became their support system during those difficult times of recovering after Typhoon Yolanda.  It was a their caring community which provided them comfort during the difficult moments of fear and desperation after the storm.
I joined them as a facilitator in these sharing sessions, highlighting segments in their stories  where they showed their resolve, their courage, their values and their hope. 
I felt humbled by opportunity to be able to work with them, men and women whose faith and courage abounds, who continue to serve despite experiencing  tremendous pain and difficulties brought about by one particular storm to their community. 





Reference:

http://www.mabutingtao.com/2014/02/journeying-towards-recovery-and-growth.html

                     

                                     

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...