Google Translate the Entire Blog

Monday, 28 July 2014

Pananagutan

"Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang

Koro:


Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t-isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya
Sa ating pagmamahalan at paglilingkod sa kaninuman
Tayo’y nagdadala ng balita ng kaligtasan
Sabay-sabay ngang mag-aawitan ang mga bansa
Tayo’y itinuring ng Panginoon bilang mga anak"


Fr.Eduardo Hontiveros, SJ

   Isa sa pinakamagandang kanta na narinig ko, na inaawit
mula sa puso ng maraming mananampalataya  ay ang
kantang "Pananagutan." Isinulat ito at nilapatan ng himig
ni Fr. Eduardo Hontiveros, SJ. 

    Mapayapang hamon ito sa pagsasabuhay ng ating
pananampalataya. Tapos na ang panahon sa panantiling 
tiklop-tuhod sa gitna ng kawalan ng katarungan, pagkibit-balikat
sa kahirapang nakikita natin sa ating bayan o maging sa mga 
bayang maligalig dahil sa digmaan. 

     Napanood ko kamakailan ang isang video documentary 
tungkol sa hidwaan sa Gitnang Silangan. Nakalulungkot at 
nakapanghihinayang ang bilang ng mga inosenteng nasawi sa 
walang humpay na pagbomba sa lupain ng Gaza. Sana magkaroon 
ng pangmatagalang resolusyon ang hidwaang ito; sana magtagal 
ang tigil-putukan. Napakarami na ang nagbuwis ng buhay, 
napakarami na ang naulila at nawalan ng mahal sa buhay. 



Acknowledgement: Pananagutan MTV, performed by Himig Heswita, produced by
Jesuit Music Ministry. https://www.youtube.com/watch?v=y8PC7oh4t0w  

Sunday, 20 July 2014

Tagatanglaw

I am dedicating this poem for Fr. John Joseph Caroll, SJ , my spiritual director, an advocate for the poor and marginalized and one of the most compassionate person I have ever met.   He passed on last July 17, 2014,

                                  - Amy Muga

naalala ko,
mga salitang binitawan mo,
isang araw sa kalagitnaan ng Hulyo,
kapaligiran natin ay binabayo
ng hanging dala ng nagbabadyang bagyo.

naalala ko,

mga palitan natin ng salita,
tungkol sa pagbangon,
tungkol sa paghilom,
tungkol sa pananampalataya.

pinagnilayan ko,

daang lalakbayin,
sigwang susuungin, 
tanglaw na babaunin,
pag-asang dadalhin.

salamat kapatid ko.

hindi ka bumitiw,
hindi ka lumisan,
hindi ka nagwalang-bahala
sa panahong  napakadaling gawin ito.

kapatid ko,

guro at estudyante ng buhay,
kapwa ko manlalakbay,
taimtim kong dadalhin sa aking puso,
ang iyong mga paalala't paggabay.


                                             Amy Muga
                                             ina, manunulat, kalakbay

                              










Tuesday, 15 July 2014

Touching Note

     I  cried when I first read this reflection written by human rights 
lawyer, Atty. Theodore Te two years ago.  I am reposting this in 
memory of the many unsung heroes who have worked tirelessly to 
uphold social justice and human rights in the country.

From Atty. Ted Te: 

     "Why stand for principle? Why fight, struggle, persist, 
persevere? Why go against the grain? Why put heart, 
mind, body, soul, strength, spirit for "hopeless causes" and 
"lost cases"? Why do it, for as long as I can remember?

     Because someone once did it: for me, and for countless 

others whose names they did not know, whose faces they 
had not seen, whose lives they had not encountered.

     Because, once when we were not free, someone stood 

up for principle; fought, struggled, persisted, persevered; 
went against the grain; put heart, mind, body, soul, strength, 
spirit for the many "hopeless causes" and "lost cases"; and 
did it for as long as they could remember--so that the country 
I call my own and the people I love could be a little bit freer; 
to fight, yet, another day.

     Because, even to this day, there is a need to do so. At this 

time, on this day, the struggle of Bonifacio, of Diokno and 
Tanada, of Alejandro and Olalia, of Joe Burgos for a freer and 
more just Philippines remains.

     Why stand? Why struggle? Why speak? Because there is a 

need to. "

Inisyatiba (1)

Photo Acknowledgement: Philippine Star.
   
















  Hindi matatawaran ang mga nagawa na ng mga pangkaraniwang 
mamamayan at mga civil society groups para matagumpay na 
maisulong at maipagpatuloy ang mga gawain para sa mga grupong 
marhinalisado o naiisantabi sa ating bayan. 

   Inspiring para sa akin ang mga inisyatiba at mga innovation
para sa kapwa. 

    Isa sa mga nabasa ko na malaking tulong sa mga ina na 
walang kakayanang maglaan ng malaking halaga para sa 
kanilang panganganak ay ang NAYBAHAY Ligtas Panganakan
Centerisang inisyatiba ng Pfizer Philippines Foundation Inc. 
Naitayo noong Hunyo ang unang NAYBAHAY sa Minalabac, 
Camarines Sur.May mga midwife na tumutulong sa mga ina sa 
kanilang panganganak. Kumpara sa ibang mga klinika o 
pagamutan, isang libong piso lamang ang bayad sa panganganak 
dito.


Acknowledgement: Photograph of Cesar Mangawang, Philippine Daily Inquirer 

















    
    Maaring magtayo ng maraming sentrong tulad nito sa iba't ibang
lugar sa mga lungsod at kanayunan dahil gawa lang ito sa  mga hindi
na ginagamit na container van

     Nakakita na rin ako ng container van na ginawang day care center
para sa mga empleyado at manggagawa ng Miriam College, isa sa mga
pamantasang nangunguna sa pagtataguyod ng karapatan ng mga
kabataan at kababaihan. 

     Malaking bagay ang suporta ng taong bayan, pati na rin ng 
pamahalaan sa ganitong mga proyekto. Tunay na nakapagbibigay
inspirasyon ang pagmamalasakit sa kapwa!


Reference:

"Naybahay:Transforming Communities One Babay at a Time."
Philippine Star. May 30, 2013. http://www.philstar.com/science-and-
technology/2013/05/30/947748/naybahay-transforming-communities-
one-baby-time

Mangawang, Cesar."Providing Pregnant Women a Safe Place to Give Birth"
Philippine Daily Inquirer.July 5, 2014. http://business.inquirer.net/174157/
providing-pregnant-women-a-safe-place-to-give-birth

Friday, 11 July 2014

Langit at Lupa

    Nasa balita  ang pangalan ng dalawang ina, kapwa detenido ngayon,
na langit at lupa ang pagkakaiba ng buhay.

     Ang isang ina ay anak ng isang  yumaong rebelde, hinuli at ikinulong
noong walong buwan siyang buntis. Dinala siya sa isang maliit at mainit 
na piitan sa Camp Bagong Diwa, kasama ng iba pang mga detenidong
kababaihan. Hirap siyang nagsilang sa kanyang sanggol na binawian
rin ng buhay pagkalipas ng ilang araw. Kahit ibinasura na ng  Pasig 
Regional Trial Court Branch 266 ang kasong isinampa laban sa kanya,
nananatili pa rin siyang  detenido. May isa pang kasong isinampa
laban sa kanya sa Mauban, Quezon.

   Ang pangalawang ina  naman ay sinasabing makapangyarihang 
kanang-kamay ng isang senador ng ating bayan. Boluntaryo siyang 
sumuko nang ibinaba ang warrant of arrest laban sa kanya.  
Nagkaroon siya ng panic attack nang malaman na magiging detenido 
siya sa Camp Bagong DiwaDahil dito, isinilid siya sa isang 
airconditioned na kuwarto sa loob ng kampo pero pinayuhan ring 
manatili na lamang sa isang pagamutan. Nasa Philippine Heart Center 
siya ngayon dahil sa  posibleng kumplikasyon sa kanyang puso.

    Dalawang ina, parehong detenido ng Camp Bagong DiwaTunay 
nga ba na langit at lupa pa rin ang buhay ng mga maralita at ng mga 
makapangyarihan sa loob o labas man ng bilangguan?

Acknoweldgement: http://www.allvoices.com



     












Sunday, 6 July 2014

Fan

My collection of PUGAD BABOY books! Amy Muga





































     
    Paborito kong  comic strip ang PUGAD BABOY ni Pol Medina
Jr.  Mahusay nitong naisalarawan, sa satirikong pamamaraan, ang 
makulay na buhay at nakatatawang pakikipagsapalaran ng iba't ibang 
pangkaraniwan at di-pangkaraniwang karakter na naninirahan sa 
komunidad ng Pugad Baboy. Sinubaybayan ko ito sa pahayagang 
Inquirer dati; sinundan ko rin siya sa Rappler.com. 

Mang Dagul's advice to his daughter, Tiny
 Acknowledgement from Pugad Baboy 1 by
Pol Medina Jr., 1997















Thursday, 3 July 2014

Segundo

     Marami nang nagawang mga komersyal pantelebisyon na 
sumentro sa pamilya at sa komunidad. Tunay namang nakaaantig 
ng damdamin ang marami sa mga ito. Marami ring  komersyal na 
ginawa na matagumpay na nailagay sa ilang segundong kuwento 
ang mga bagay na mahalaga at nagpapayabong ng mga pangarap.  

    Maaring marami sa atin ang pamilyar sa isang serye ng komersyal 
na sumubok sagutin ang  katanungang " para kanino 
ka bumabangon?" Ipinalabas ito ilang taon na ring nakaraan. 
Ibinahagi ang mga kuwento ng iba’t ibang pangkaraniwang tao sa 
piling ng mga taong pinahahalagahan nila, mga taong naging 
inspirasyon sa kanilang kagustuhang bumangon at harapin 
ang  pang-araw araw na mga hamon sa buhay.  

     Nagandahan ako sa ilang  segundong pagbabahagi ng isang 
guro habang tahimik siyang nagninilay at umiinom ng  isang 
tasang kape.  Simpleng almusal ang kanyang kakainin bilang 
paghahanda sa buong araw na pagtuturo sa mga paslit sa isang 
pampublikong paaralan. Aninag sa kanyang mga mata ang ligaya 
niya sa pagtuturo; ligayang nakikita ko rin sa mga mukha ng ilang 
gurong kakilala ko at  naging kaibigan ko na rin.  

   Naantig ako sa pagbabahagi ng isang manggagawang pangkultura 
na bumisita sa isang  komunidad ng katutubo na tinutulungan niya. 
Ipinakita ang saya sa mukha ng mga katutubo sa kanyang
pagsama  sa  kanilang pangkulturang sayaw. Natatandaan ko tuloy 
ang mga kasamahan ko sa gawain na patuloy na na naroon sa iba't 
ibang komunidad at patuloy na tinutupad ang kanilang mga adhikain 
para sa mga maralita.

   Nakaaaliw namang panoorin ang isang traffic enforcer na naghahanda
sa kanyang gawain sa kalsada. Sinasabayan niya ng malikhaing sayaw ang 
pagbibigay niya ng direksiyon sa mga motorista. Ilang tao kaya 
napangiti at natanggalan niya ng ng init ng ulo  habang 
binabaybay nila ang masikip na lansangang punong-puno ng sasakyan.
Palagay ko, napakarami.

   Nakatutuwang isipin na maaring lumikha ng ilang segundong 
mga komersyal na tumatalakay sa mga bagay na tunay na mahalaga sa 
pangkaraniwang mga taong nagsisikap at nagpupunyagi sa kani-kanilang 
mga gawain sa buhay. 

    Para saan ba tayo bumabangon sa araw-araw? 
Ano ang nagbibigay sa atin ng inspirasyon ipagpatuloy ang 
ating mga gawain?

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...