Google Translate the Entire Blog

Friday, 28 June 2013

Sulat sa isang Kaibigan

( A letter to a friend on grief and healing

Dear Eppie, 

     Kumusta na sis. I hope mas okay na ang kalagayan ng bunso mong si Pea. Hay, alam mo naman na halos anak na ang turing ko sa kanya. Nalungkot ako nang mabalitaan ko ang nangyari sa boyfriend niyang si Eli.

     Alalay lang sis...mabuti at bukas mag-share si  Pea ng kanyang damdamin tungkol sa nangyari kay Eli.  Malaking bagay na naroon kayo ni Jojo para tulungan siya.  Yun nga lang, may mga bagay na hindi maiiwasang pagdaanan niya. Haharapin talaga niya ang lungkot at pangungulila. Maari ring pagdaanan niya ang  hinanakit o galit sa kawalan ng katarungan sa pagkamatay ng kanyang katipan. Normal na damdamin ito na maaring pagdaanan ng sino mang makaranas mawalan ng isang minamahal. 

    Kapag naglalahad siya ng hinaing, sis,  hayaan mo lang sabihin niya ang mga ito, kahit minsan masakit pakinggan. Remember sis ha, iwasan ang  sermon o mga litanya. Ang kailangan niya ngayon ay pag-unawa, pagtanggap at mapagkalingang paggabay.

  Hindi rin kailangan may sagot ka sa lahat ng mga katanungan niya. Maari mong sabihin sa kanya ang totoo kung sakaling di mo alam ang isasagot sa tanong niya.

    Maari rin makatulong ang grief support groups tulad ng Healing Circles o Compassionate Friends.  Sa  sharings ng iba makakakuha ng panibagong perspektiba sa kanyang pinagdaanan; mapapakingan rin kung ano ang ginagawa at maaring gawin para mahilom. Oo nga pala, nagbubuo rin kami ng isang support group sa isang simbahang malapit sa UP Diliman.

    Sis, pahabol lang. Alam mo na rin ito; malaking tulong  sa paghilom  ang pagtulong rin sa kapwa. Isa nga sa kakilala natin na mahilig sa arts tulad ni Pea ay tumutulong magbigay ng art workshops sa mga bata na nakatira sa komunidad ng maralita.  Hindi na niya binibilang ang oras sa pagkakataong yun. 


    Hanggang dito na lang at magkikita pa tayo sa Sabado. Blessings sa inyong lahat sa pamilya. Nasa prayers ko kayo parati. 


                                                                Mula sa akin,

                                                                Amy  :)



Thursday, 27 June 2013

Pictures of Tranquility

   Serene and tranquil...these would describe the places I would love to be in to be able to reflect and write. One of these places is the campus of the Union Theological Seminary (UTS), the oldest Protestant seminary in the Philippines.

Photo acknowledgment: Amy Muga
Photo acknowledgment: Amy Muga
Photo acknowledgment: Amy Muga





































Monday, 24 June 2013

Musings of an Accidental Cook

     I enjoy bonding with my family and friends and sharing simple meals  in  inexpensive restaurants. I remember the times my  father would bring us siblings  to Taytay, Rizal.  He would regale us with stories to spice up the food served before us. I could still smell the fresh kanduli (local fish)  in tamarind broth served with fish sauce and green mangoes. I could still feel his happiness enjoying those moments with us. 

    Cooking is definitely one of those activities I would love doing but given the choice of eating outside and preparing a meal from scratch, I'll choose the former.  During my creative moments, however, I whip up meals which a twist. I'll cook adobo with pineapple bits, pasta with sardines or tuyo flakes. I created my own version of bread pudding which I made from day old pandesal and cooked with lots of love and hugs from my daughters. 


Freshly baked Amy's bread pudding!




   
























Bread Pudding Recipe 
(adapted from the recipe at Allrecipes.com. Salamat po)

Ingredients:

6-8 big pandesal ( day-old) or 6-8  slices of bread

2 tablespoon melted butter
1/2 cup raisins (optional) 
4 eggs, beaten
2 cups milk
3/4 cup white sugar
1 teaspoon ground cinnamon
1 teaspoon vanilla extract

What to do:


1. Break the pandesal into pieces. Drizzle or pour the melted butter  into the pandesal. 


2. Mix the eggs, milk, white sugar, cinnamon, raisins, vanilla extract in a bowl.  Include the pieces of pandesal drizzled with butter and mix it again.


3. Place the pudding mixture into  a container safe for oven cooking. 


4. Bake in preheated oven or turbo broiler for 45 minutes under 360 degrees F (175 degrees C).


5. Enjoy the pudding! Mabuhay!







Thursday, 20 June 2013

Pangarap

      Isang ina si Maria. Nakipagsapalaran siya sa isang bayan sa Gitnang Silangan bilang domestic helper.  Tiniis niya ang lungkot at pangungulila sa kanyang panganay at bunso dahil gusto niyang makapag-ipon para sa kanilang kinabukasan. "Magtatapos sila ng pag-aaral", sambit niya sa sarili.  Iniisip na lang niya kung gaano sila kasaya kapag magkakasama na sila. Tiyak na  matutuwa ang kanyang mga anak sa mga pasalubong niyang damit, sapatos at mga laruan. Pinahid niya ang luhang pumatak sa kanyang mata.  Ilang liham na rin ang isinulat niya sa kanila sa mga araw na iniwan siya ng kanyang amo sa loob ng apartment complex. Kinandado siya sa loob nito habang nagbabakasyon sila sa isang marangyang resort na malapit sa kanyang bayan. Mauubos na ang pagkaing iniwan sa kanya. Kung maari nga lang makahanap siya ng maayos na trabaho sa sarili niyang bayan...

     Isang ama si Fidel. Nangarap rin siya ng isang magandang  buhay para kanyang pamilya. Gusto niyang daanin ang pag-unlad nila sa malinis at marangal na pamamaraan." I will rise from the ranks,"sabi niya sa sarili. Pinagbuti niya ang kaniyang trabaho sa gobyerno; madalas na inuumaga na rin siya sa kanyang tanggapan. Tulad ng iba pa niyang kasamahan, inasahan rin niyang maibibigay ang dagdag benepisyong inukol sa kanila dahil  sa peligroso nilang gawain. Hindi ito naibigay sa kanila. Halos maiyak siya noon. Pinili na lang niyang tanggapin ang alok na trabaho sa Quatar. Malayo man sa kanyang pamilya, panatag siyang mabibigyan niya ng mabuting kinabukasan ang kanyang mga anak.

     Habang patuloy sa gawain sina Maria, Fidel at marami pang iba,  mababasa sa pahayagan ang mga artikulo  tungkul sa marangyang buhay at naglalakihang bonus na regular na ibinibigay sa mga hinalal ng taumbayan na dati nang mayaman. 

      Habang kinukunsensya ang mga katulad nina Fidel at Maria na napilitang iwanan ang kanilang mga mahal sa buhay para lamang kumita ng pantutustos sa pangangailangan ng kanilang mga anak. nilulustay naman ng ilan ang perang nanggaling sa dugo't pawis ng mga taong nailagay sa sitwasyong kapit sa patalim.
  
                                              ***


Pinagbatayang mga artikulo:

1)"Thanks FB: Braganza helps rescue detained OFW abroad"  http://wwwmortzcortigoza.blogspot.com/2013/01/thanks-fb-braganza-helps-rescue.html   Jan 28, 2013

2) "Aquino not concerned by Pagasa chief's resignation" written by Michael Lim Ubac, Philippine Daily Inquirer June 20, 1013. http://newsinfo.inquirer.net/430245/aquino-not-concerned-by-pagasa-chiefs-resignation

3)  " Enrile gavie 18 senators P1.6 M each for Christmas" written by Juliet Labog-Javellana, January 9, 2013 Philippine Daily Inquirer.  http://newsinfo.inquirer.net/337461/enrile-gave-18-senators-p1-6m-each-for-christmas

      

    



       

Sunday, 16 June 2013

A Tearful Story


     Sinasabi na ang pag-iyak ay "liberating". Sa pagluha, nailalabas ang mga bagay na mabigat sa damdamin- maaring bunga ito ng mga karanasang sadyang malungkot tulad na lamang ng  pagkawala ng mga taong minahal o paglisan ng mga taong minamahal pa rin.  Nariyan na maiyak rin dahil sa kawalan ng katarungan sa karanasang pinagdaanan. 

    Sa gawain ko, nakakasama ko at nahihingahan ako ng kalooban ng mga taong dumaan sa iba't ibang karanasan sa buhay. May ilang pagkakataon  rin na di ko maiwasan  maluha sa mga kuwentong binahagi sa akin. Iba't ibang  kuwento ito ng pagpupunyagi at pakikibaka ng mga taong dumaan sa hirap.

   Kanina, may isang kuwento akong nabasa sa pahayagang Philippine Daily Inquirer (PDI). Isang kuwentong nagpaiyak sa isang principal at mga estudyate ng Batasan Hills National Highschool-ang kuwento ni Charles Bryan Katipunan, kanilang valedictorian.  Isang kuwentong umantig rin sa puso ko.

  Sa valedictory address ni Charles, buong kapanatagan niyang binahagi  ang pagsisikap niya sa pag-aaral sa gitna ng kahirapang dinaranas ng kanyang pamilya. Naroong palipat-lipat sila ng tirahan ng kanyang pito pang kapatid  dahil hindi kasya  ang kita ng kanyang amang taxi driver. Tumira na rin sila sa garahe na kurtina lang ang tabing sa pinapasukang kompanya ng kanyang ama. Tinitipid  rin niya ang kaunting perang pambili ng hapunan para makabili ng mga kinakailangang gamit sa eskuwelahan. 

    Sa interview niya sa PDI , sinabi niya:



“I keep an open mind. I just think of others who are in a worse situation. I think of all this as an advantage to make me stronger, rather than wallow in self-pity, considering there are people who have no place to stay and nothing to eat,” he said.

His parents are his role models. “I see how hard they work to raise us. They were never able to finish school, but they’re trying so hard to get us through school. I see myself in them, and I want to finish what they started,” he said."

_________________________________________________________________________________

Pinagbatayang artikulo sa diyaryo:

"Tale of Poor Cabbies Son moves Pricipal to Action" written by DJ Yap http://newsinfo.inquirer.net/420627/tale-of-poor-cabbies-son-moves-principal-to-action#ixzz2WLVOSBNs

Sunday, 2 June 2013

Si Rosa, si Hilda at si Vice Ganda

"Paano naging katawa-tawa ang isang seryosong usapin tulad ng rape?"
                                                     
               - Isang nakapanood ng video clip ng concert ni Vice-Ganda sa Araneta


   Isa si Rosa sa mga nakilala ko sa isang komunidad ng maralitang tagalungsod. Labing-isang taong gulang na siya at Grade V sa mababang paaralan. Mahilig siyang kumanta at makipagtagisan ng husay sa pag-awit.

     Tinutulungan niya ang kanyang ina sa paglalako ng gulay na paninda sa kanilang lugar. Pagkagaling naman sa paaralan, nagsasalansan siya ng mga retasong tela para gawing mga basahan. Katulad ng ordinaryong mga bata, kapag natapos na ang gawaing bahay,  makikipaglaro na siya sa kanyang mga kaibigan.


Acknowledgement: Photograph from GMA News TV's Frontrow,
http://www.gmanetwork.com/news/story/266130/newstv/frontrow/the-youngest-mother-in-philippine-history

    Hindi mo aakalaing dalawang taong nakalipas, dumaan siya sa panahong halos hindi siya makatayo sa papag na kanyang hinihigaan. Pinagsamantalahan siya ng isang taong umupa sa isang sulok ng kanilang tahanan.   Buong maghapon na nakatalukbong siya ng kumot, hindi makausap at binabantayan ng kanyang ina. Nang nagkaroon siya ng lakas-loob para lumabas ng kanyang tahanan, narinig niya ang  mga panlalait at mga salitang mapanghusga mula sa ilang kapitbahay na nakaalam ng nangyari sa kanya. 

"Nakatikim na siya."

   Ito ang laman ng mga biro at masasakit na salitang narinig niya nang siya'y siyam na taong gulang pa lamang. Narinig rin niya itong binitawan ng  ilang kamag-aral niya.

    Nakilala ko rin si Hilda, isang detenidong politikal noong panahon ng batas militar na hindi sumuko sa gitna ng hirap na kanyang dinanas.  Ni-raid ang tirahan niya,  dinala siya sa isang safe house kung saan siya pinagsamantalahan. Dahil nakapiring ang kanyang mga mata, hindi niya makita ang mga anyo ng nagsamantala sa kanya, narinig lang niya ang mga tawanan nila sa hirap na kanyang pinagdaanan.

     Ilang araw na ring nakalipas nang mapanood ko sa social media ang isang video clipping tungkol sa "birong" binitawan ng isang komedyante laban sa isang premyado at pinagkakatiwalaang broadcast journalist.  Una muna, pinilit niyang gawing katawa-tawa ang pangangatawan ng broadcast journalist. Pero di lang sa pag-aalipusta sa katawan ang biro niya dahil sinundan niya ito ng:

"Ang hirap kung (ang broadcast journalist) ay magbo-bold..."

at sinundan niya ito ng

"...kailangan gang rape,"

" tapos sasabihin ng rapist, 'ilabas ang litson!' "

   Nakita sa video clipping ang nagtatawanang mga tao, maging ang isang mataas na opisyal ng isang broadcast network. 

   Naging katawa-tawa ang panlalait sa kapwa, naging katawa-tawa ang usapin ng rape.

    Hindi dapat hayaang maliitin at gawing paksa sa mga biruan at pagpapatawa ang isyu ng karahasan tulad ng rape.  Isang masaklap na realidad ito sa ating lipunan kung saan  hindi patag ang daan sa pagbangon at  mailap ang katarungan sa mga kababaihang tulad  ni Hilda at Rosa. 








Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...