Google Translate the Entire Blog

Sunday, 15 December 2013

Reflections on Recovery

December 15, 2013.

It has been almost two months since a powerful earthquake struck fear in the hearts of many Bol-anons. It was a non-working holiday then, children were at their home with their families when the deafening sound rose up to coincide with the violent movement of the earth below. For 30 to 45 seconds, the earth shook violently in an upward to downward movement.  Then it stopped.

Cries and shouts for help could be heard across communities. In the town where my husband's relatives live, the strength of the upheaval was such that one of his nephews woke up to cement blocks lying in one corner of his bed. A niece tried to push herself in a small space inside her table just to protect herself and the baby in her womb. My in-laws have to be fetched by the barangay workers from their home.  Many houses, both old and new, from the poor, the middle class and the rich were not spared. Many decided to move and sleep outside of their homes as aftershocks continue even days after the earthquake. The San Isidro Labrador Church and many other old churches built during the Spanish colonial times were destroyed and some pulverized to the ground.


Three Kings tableu lying beneath the ruins of San Isidro Labrador Church
(Photo by Amy Muga)

Two months after the disaster,  there are still lots of things that need to be done to rebuild the homes and schools destroyed and the livelihood affected by the disaster. There are still many living in tents set outside damaged houses. While electricity has returned to poblacions and other communities, rotational brownouts still continue. A large percentage of Bohol's power supply comes from Leyte which was itself devastated after the Category 5 typhoon which struck the early morning of November 7, 2013

The fear brought about by the earthquake remains, the questions as to when the next earthquake will happen persist, as people tried to know on how to  better prepare themselves in the event an earthquake happens again in their communities. School teachers, social workers, community health workers were encouraged to participate in stress management programs. The children have returned to their schools even if these are only temporary structures.

I once heard Dr. Honey Carandang said that in the aftermath of a disaster, children heal when they play.  I see this with my nieces and nephews.  I also know that people heal when they find hope in their hearts like the Bol-anon people I was fortunate to talk to in the past few days.

I am humbled by my days in Bohol during the past days.  I felt their sense of community and their faith which is carrying them through the difficult times of rebuilding from the devastation.  I am thankful for my husband's family for sharing their homes and their selves during the past few days.

Together with kind-hearted people of San Isidro Labrador Church
                     




Thursday, 14 November 2013

Sulat sa Isang Ina


I felt heartbroken when I first saw this photograph 
taken by SSgt Randulf Obinque of PAO, AFP from a military helicopter.


Photo courtesy of SSg Randulf Obinque, PAO AFP  


  
     A young mother is seen gently hugging her son while tearfully looking at  what remains of her hometown- a town once teeming with life and happy memories, now left ravaged by Typhoon Yolanda. Her eyes tell  the pain she witnessed from a storm which claimed people she loved and memories she cherished. 
    
                                            ***  

Kapatid,


Hindi tayo magkakilala, pero kung papalarin na magkita at magkausap tayo, gusto kong ipaabot sa iyo ang aming  pakikiramay sa sinapit ng iyong komunidad.  


 Naiyak ako nang makita ko ang litratong kuha sa inyong dalawa ng iyong anak. 


Sana, maari kong sabihin sa iyo na huwag kang mag-alala, na bubuti rin ang kalagayan ng iyong komunidad, na hindi na maaring manalasa ang isang bagyong kasing tindi ni Yolanda. Napakadaling sabihin na manampalataya at mapapanatag ka. Pakiramdam ko lang, pawang maglulubid  ako ng buhangin sa mga salitang ito dahil m
aaring buwan ang bilangin sa pagsasaayos na kailangang gawin sa inyong komunidad. 


Kapatid ko, maaring hindi patag ang daang tatahakin mo sa iyong pagbangon at paghilom. Sana, mahanap mo ang mga aral na lalo pang magpapatibay sa iyo. Makakakuha ka ng panibagong mga karanasan kung saan matutuklasan mo ang iyong mga kalakasan. Marami ka ring makikilalang mga taong handa kang samahan sa iyong paglalakbay sa buhay.

Panalangin ko na  sa paglaki ng anak mo, marami siyang bauning bago at magagandang mga ala-ala. Buong pagmamahal niyang dadalhin sa kanyang puso ang kanyang inang nakipaglaban para sa kanya.  

Patnubayan kayo parati ng Panginoon. Sana balang- araw, magkita rin tayo.



                                                             Mula sa akin,

                                                                                      
                                                                                              Nay Amy

    



    
           
          

   

            

     
    

    


         



      

      

     


  

      

    











      


Sunday, 29 September 2013

Paano Mo Ba Ilalarawan ang Puso ng Isang Ina?

More than five years ago, the son of Editha Burgos,  activist and organiser Jonas Burgos was seized by armed men in civilian clothing inside a restaurant in Gotesco Mall, Commonwealth, Quezon City. He shouted on top of his voice, pleading for help. " Aktibista lang ako".  I wrote this poem for Jonas and his mother, Editha.  - Amy Muga

Paano mo ba ilalarawan ang puso ng isang ina?

Kay Editha, na hindi sumuko sa paghahanap sa dinukot na anak;
hindi masukat ang lungkot sa patuloy niyang pagkawala; 
hindi mapanatag sa  araw na walang katiyakan  
at pawang walang patutunguhan,
hindi mabilang ang mga gabing pinuno ng panalangin at pagsumamo sa Lumikha,
humuhugot ng lakas sa paninindigan at pananampalataya.

Paano mo ba ilalarawan ang puso ng isang ina?

Isang pusong nangungulila,
Isang pusong nananalangin
Isang pusong nanindigan,
Isang pusong paghuhugutan ng lakas at tapang
sa panahong kailangan;
Isang pusong bibigkis sa  marami pang pusong 
naniniwala at sumasampalataya.



       Youtube video courtesy of News5Philippines, Interaksyon.com

Monday, 9 September 2013

Kuwento

     May mga kaibigan ako na natural na mga kuwentista.
Kapag nagsimula na silang magbahagi ng mga kuwentong  
buhay, mapatitigil ka na sa iyong gawain; ihihinto mo na
ang pag-text sa cellphone para pakinggan ang bawa't
salitang bibitawan nila.

     Isa sa kanila ay isang kaibigang napakayaman ang 
karanasan sa gawaing pagtulong, hindi lamang sa usaping pangkapayapaan, kung hindi pati na rin sa mga kampanya 
laban sa katiwalian sa pamahalan. Isang umaga nang binisita 
ko siya, naikuwento niya na hindi patag ang daan sa krusada 
laban sa katiwalian.  Hindi biro ang perang umiikot para mapatahimik ang mga taong tinaya ang  kanilang buhay 
para ibunyag ang katotohanan.




     Ibinahagi niya sa akin ang kuwentong buhay ng  isang 

whistle-blower noong kapanahunan ng isang dating pangulo 
ng bayan. Bagamat kinilala sa katapangan dahil sa kanyang ibinunyag na mga anomalya, nakatanggap rin ang whiste-blower
ng mga pagpuna at pagbabatikos mula sa mga taong naghinala 
sa kanyang motibo sa pagbubunyag ng kanyang mga nalalaman.



      Ang mabuhay na may  integridad ay kinalakihan ng 
whistle-blower mula sa kanyang sariling pamilya. Malaki ang impluwensiya ng magulang sa paninindigan niyang ito.



       Magmula bata pa siya, pakukuhanin sila ng kanilang 

"allowance" sa isang lata kung saan nakalagay ang pinagsama-samang pera na baon nilang magkakapatid sa araw na yun. 
Isa-isang nilang kukuhanin ang eksaktong  halaga na nakalaan 
para sa bawa't isaBawa't sentimong labis na kinuha ng sino 
man ay kabawasan sa baon ng iba pang mga kapatid.

      Lumaki silang magkakapatid na hindi pinahalagahan 
ang pagkamal ng salapi at mga materyal na mga bagay. Mas 
pipiliin nilang mabuhay ng simple, may malasakit sa kapwa
tapat at mapagkakatiwalaan. 

     Napapanahon ang kuwentong ito, lalo na ngayong 
naglalabasan sa mga balita ang mga kuwento tungkol sa korupsiyon, walang pakundangang paglulustay ng salapi 
sa gitna ng kahirapan  at katiwalian ng mga taong sana'y 
napatigil at nagdalawang-isip man lamang.  Ang perang
nilustay ay  pondong dapat sana'y nailaan para mapabuti 
ang kalagayan ng maraming maralita sa sambayanan.

                                                     ***
       Isang kuwentista na hinahangaan ko ay ang direktor 
na si Guillermo del Toro ng pelikulang "Pan's Labyrinth."
Aakalain mong kuwentong pambata ang pelikula, dahil 
isinama ang isang alamat kung saan may isang prinsesa
ng mga engkanto na nagkatawang tao para mabuhay sa 
piling ng mga ordinaryong mortal. Matagal nang hinihintay 
ang pagbabalik niya sa kaharian upang makasama ang 
kanyang magulang na hari at reyna.



     Maganda ang pagkakagawa ng pelikula; mahusay maging

ang pagkakalapat ng musikang akma sa bawa't eksena. Kaya 
lang mahirap panoorin ang ilang eksena dito. Nagitla ako sa 
tuwing pinapakita ang pagpapahirap sa mga ordinaryong 
sibilyan ng  isang pasistang kapitan. Maging ang batang na 
si Ofelia, na bida ng pelikula, ay hindi nakaligtas sa 
pagmamalupit ng kapitan na tumatayong kanyang 
ama-amahan.

    Sana nga hindi ito nangyayari sa tunay na buhay, isang 

"fairy tale" na lang sana ito kung saan hindi babaunin ni
Ofelia ang bangungot ng takot at pananakit sa kanya ng 
taong walang kaluluwa.

    Ang eksena ng pananakit ng kapitan sa 
mga taong nahuli 
ng kanyang mga sundalo ay may katapat ng mga tunay na kuwentong nangyayari sa maraming piitan hindi lamang sa 
ating bayan kundi sa iba pa.

      Sa ating bayan, ilang taon matapos ang 
pagpapatalsik ng pamahalaan ng dating pangulong Ferdinand Marcos, na 
nagtala ng napakalaking bilang ng mga kasong paglabag sa karapatang pantao, lumalabas na hindi pa natigil ang  mga kaso 
ng pananakit sa mga ordinaryong taong napagkamalang kalaban 
ng estado. Isa sa kanila ay nakanayam ko ilang buwan na ring nakaraan.
 
     Maraming mga bata na tulad ni Ofelia na naiipit sa 
mga kaguluhan sa sarili nilang bayan. Patuloy ang mga 
digmaang hindi  nila pinasimulan, nguni't hindi pa rin 
natutuldukan pagkatapos ng  maraming taon. Marahil
mas pipiliin pa nilang mahimlay sa piling ng mga 
kuwentong  nagbibigay sa kanilang pag-asang mangarap 
at mabuhay. 

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...