Google Translate the Entire Blog

Wednesday, 25 April 2018

TALA:Stories of Resiliency


Thursday, 11 January 2018

Pagninilay sa Kaarawan

     Bago pa man nagsara ang 2017, nasimulan ko ang pag-aayos sa isang munting kuwartong ginagamit ko sa pagsusulat. Naihanay ko na ang mga librong naipon ko sa loob ng maraming taon. Aba, may mayamang koleksiyon na pala ako ng mga libro! Maaari na pala akong magtayo ng isang munting bookstore, yung katulad ng "Booksale.” Pinangarap ko ring magtayo ng isang silid-aklatan, isang ispesyal na lugar kung saan puwedeng magbabad ang mga bata para magbasa at mangarap. Dahil naayos ko na rin ang mga libro ko, nagkaroon ako ng espasyo para sa mas maginhawang pagsusulat. Ilang linggo mula ngayon mayroon na rin akong sariling kuwartong nadisenyo na pinapalibutan ng mga librong mahalaga sa akin.
     Patuloy ako sa pag-aayos dito at sa iba pang bahagi ng aming bahay ngayong 2018. Di lamang bahay kundi iba't ibang aspeto ng buhay ang tututukan ko. Di ako nagmamadali, paisa-isang hakbang lamang. 
     Nagpapasalamat ako sa pagkakataong magawa ang mga ito. Nagpapasalamat rin ako sa pagkakaroon ng isa pang kaarawan, na patuloy na mabuhay sa piling nga aking mga minamahal, na maging kabahagi ninyo dito sa FB, na makapaglingkod sa kapwa at marami pang iba. 
     Nagpapasalamat ako sa Panginoon na hindi ako pinabayaan sa panahong binalikan ko ang isang gawaing mahal na mahal ko.

Friday, 5 January 2018

Unang Bugso!

     Nakapaskil na ang resulta ng ACET sa Blue Eagle Gym! Bumalik kami ni Felix sa Ateneo para sa resulta ng anak naming may sakit. Mabuti na lamang at nasa UP Village pa lang kami nang mabasa namin ang FB post ng Office of Admission and Aid (OAA).
     Unang Bugso. Ang ACET ay pagsusulit na ibinibigay ng Ateneo sa lahat ng gustong mag-aral ng kolehiyo dito. Kasunod ng paglabas ng listahan ng mga nakapasa dito ang paglabas ng iba’t ibang pamantasan ng sarili nilang listahan ng mga mag-aaral na naging matagumpay sa kanilang mga pagsusulit.
    Trapik nito pagbalik natin, sabi ni Felix. Nadaanan namin ang mga mag-aaral na naglalakad papuntang gym. Punuan ang parking lot.
     Isang dagat ng mga tao ang dumayo sa Ateneo. Iba’t ibang mukha ang sumalubong sa amin papunta sa gym. Naroon ang kumpulan ng mga mag-aaral, mga magkaibigan na naghihiyawan nang malaman nila ang kanilang resulta. Naroon rin ang ilang magulang na nakamasid mula sa malayo pati na rin ang mga nakisiksik upang makita ang mga nakapaskil sa mga bulletin board. Pawisan ang mga sumuong papunta dito. Mayroon ring mga gustong tumulong sa crowd control. Di mahulugan ng karayom ang grupong nasamahan ko. Lahat nakatutok sa resultang nakapaskil. Naroon sana ang pangalan nila, ng kanilang kaibigan, ng kanilang mga anak at ng kanilang kapamilya. 
     Sa wakas, nakalapit rin si Felix sa board. Masaya ang mukha niya palapit sa akin!

     Salamat sa Panginoon. Nakaraos na sa unang bugso sa Ateneo 

Thursday, 4 January 2018

My Sister's Story (An Excerpt)

Two years ago my sister Minx gave me an essay as her gift to me in memory of our mother.

 I am posting here an excerpt of her essay...

******************************************************************************

The fire trees were on their last blooms. Their crowns aglow with flame like blossoms not unlike the dying embers of camp fires. The golden shower tree swayed in the wind. Its grapelike cluster hung like droplets of golden sunshine.

She was looking thru the window as she folded my sister's clothes. Staring in fact yet oblivious to the explosion of colors gifted by the trees she has planted and tended from seed.

"Do you know where she went?" My mother's voice was reeking with sadness.

"No, I have no idea."

"We have to search for her."

I let out a deep sigh for I could foretell what our ardous search would entail. I have seen it before. Parents, brothers, sisters, lovers of friends who are missing. 

First, the police stations - have you picked up anybody violating the curfew? Then we make the trek to the Office of the Task Force Detainees - any new faces at Bicutan or Pag-Asa or any of the myriad of political prisoner camps strewn around the city? Next, the convents-the nuns are very active in hiding people wanted by the government. And finally the morgues, to look lor salvaging victims left by the waysides for the flies to feast on, dead hollow eyes unseeing the violence that was visited upon them.

Nanay's usually ram rod straight back, was slightly slumped, carrying an unseen burden. She started to quietly mouthing the mysteries of an imaginary rosary.  Imaginary, for rosaries as well as crosses, saints Statues, and prayer books are banned in our household. Though she was born to a very old Catholic family, she married my father.  His family was one of the original members of an indigenous Protestant religion in the country. And to marry a member you have lo give up your own religion and convert.

"Of course, there will be changes. Your sister, she has always disapproved of our Christmas parties..."

***
***

"Nanay. are you happy?" I once asked.

"I can't recall ever hearing you laugh. "

She gave me the look. The look that seem to say,

'Here you go again, thinking too deeply, analyzing things best left alone.' 

"Laughing out loud is like tempting fate. What is important is being at peace."

She has seen so much and experienced a lot. She grew up as one of the daughters of a political clan in the North and violence has peppered her family's history. An uncle was assassinated as he received the holy communion in Church.  In retaliation, a cousin burned down a whole village. The cries of widows and children left homeless can still be heard in the winds as you pass by Bantay.

She headed to Manila away from the  violence never to return in more than 30 years. Her list of changes sounded like incantations, peace offerings to the gods. As if saying, I am willing to make changes, do all these, just so I can have my daughter back.

"DO you think she will return?"

I dared not answer. All I have are useless, empty words. They hold no hope.

"Where should we start?" Her  hands tentatively touching a lone hanging thread on my sister's shirt,  afraid that a slight pull might unravel my  sister's whole existence.

Wednesday, 24 May 2017

Liham

Isang napakagandang paraan ang pagsusulat ng liham para maipaabot ang saloobin sa isang minamahal sa buhay. Mabuting paraan ito upang masimulan ng mga magulang at mga anak ang paghilom sa kanilang relasyon. 




Anak,

Papunta na akong opisina ngayon. May inihanda akong piniritong  isda at sinampalukang manok para sa almusal mo.  May mainit na kanin rin sa rice cooker.   Pasensiya na at hindi kita masasamahan kumain; may tinatapos kasi akong mga syllabus dahil malapit na naman ang pasukan. Hay, gusto kitang samahan kahit sa umagahan man lamang. Gusto kong marinig ang mga kuwento mo sa school at sa mga bes mo :) Alam mo bang tuwang -tuwa akong pagmasdan ang kislap ng iyong mga mata  habang nagkukuwento ka ng mga bagay na nagbibigay sa iyo ng saya at inspirasyong pagbutihin pa lalo ang iyong sarili. 

Matagal na rin mula nang huli kong sulat para sa iyo, recollection mo pa ata noon sa high school. Natatandaan mo ba yun, anak? Yung liham natin na binasa natin sa isa't isa at sabay nating iniyakan. Hanggang ngayon, naiiyak pa rin ako habang binabasa ko ito. Pinagmamalaki nga kita sa mga kasamahan ko sa trabaho. Sabi ko, maaari kang maging isang manunulat balang araw. Alam mo ba, pahirapan dati para sa akin ang pagsulat ng palanca mo. Iniisip ko, ano ba ang pinakamagandang maisusulat ko para sa iyo.  Noon pa man, hanggang ngayon, gusto kong maiparamdam sa iyo ang pagmamahal ko. 

Isinulat ko ito kagabi nang di ako nakauwi kaagad dahil sa napakalakas na buhos ng ulan.  Punuan ang mga jeep kaya naglakad na lang ako pauwi. Mabuti na rin at may dala akong payong at tsinelas na pamalit. Di kita matawagan agad dahil walang cell signal sa kahabaan ng nilakaran ko. Mabuti na rin na tulog ka pag-uwi ko. Alam kong pagod ka sa mga ginawa ninyo sa school. Gusto kitang yakapin kaya lang ayoko ring magising ka pa. Dinaan ko na lang sa pagsulat at pagtingin sa mga litrato mo mula bata ka pa. Ganun lang, nabuhayan ako ng loob ulit magsulat at balikan ang pagsusulat.

Sorry anak sa maraming pagkakataong napalagpas ko upang sabihing mahal kita. Proud na proud ako sa iyo, di lamang ngayon. Ipinagpapasalamat ko sa Panginoon na nabigyan ako ng pagkakataong magmahal ng lubos sa isang anak na tulad mo. Salamat sa sulat mo sa akin. Tanggap ko ang mga naging pagkukulang ko sa iyo.

Hintayin mo ako mamaya ha. Sabay tayong maghapunan. Magdadala ako ng paborito mong pansit at puto. Naku, sana naman huwag munang umulan.

Love you, anak. 


Nanay

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...